You are on page 1of 5

Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________

Name of Teacher: __________________________


Module Code: PASAY-HE4-Wk4-D20

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PASAY CITY

MODULE IN EPP 4 (HOME ECONOMICS)


Ikalawang Markahan / Ika-apat na Linggo / Ika-dalawampung Araw

Layunin:

o Naisasagawa ang wastong pag-iingat sa pagtanggap ng bisita.

Paksang Aralin: Pagtanggap ng Bisita sa Bahay

Ano nga ba ang tamang pagtanggap ng bisita?

Ang bawat tahanan, payak man o nakaririwasa ang pamumuhay, ay


tumatanggap ng bista. Ang mga bisita ay maaring mga kamag-anak,
kaibigan, kasama sa trabaho at pati ndin hindi kakilala. Anuman ang estado
sa buhay ng mga bisita ay dapat na kalugod-lugod silang tanggapin sa ating
tahanan. Ang kaugalian at kulturang Pilipino na ito ay hindi nawawla
hanggang sa kasalukuyang panahon.

Bilang kasapi ng mag-anak, paano ka makakatulong sa pagtanggap ng bisita?

Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin upang maisagawa ang wastong pag-iingat
sa pagtanggap ng bisita.
1. Maging maingat sa pagtanggap ng bisita, maging ito ay hindi mo kakilala.
2. Maingat at magalang na itanong ang pangalan at kung sino at ano ang kailangan.
3. Iwasang patuluyin sa loob ng bahay ang hindi kakilala hangga’t hindi nakasisiguro
sa layunin nito.
4. Iwasang iwanan na mag-isa sa loob ng tahanan o bakuran ang bisita.
5. Maaring alokin ng maiinom o makakain ang bisita.
6. Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kapag nagpaalam na.

Ngayong panahon ng pandemya, may mga karagdagang pag-iingat na dapat tayong gawin tungkol
sa wastong pagtanggap ng mga bisita. Sa kadahilanan na mayroong ngayun na kumakalat na sakit na
Covid 19, ang gobyerno ay nagpalabas ng mga Safety Measures upang maiwasan ang pagkalat nito. Ugaliin
na mag Alcohol atmaghugas ng kamay, mag Disinfect ng bahay, maglaan din ng isang metro sa pakikipag-
usap sa ibang tao.

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-HE4-Wk4-D20

Pag-usapan Natin:

Malinaw ba ang aralin natin sa araw na ito? Kung hindi, balikan ang ating pinag-aralan at
basahing muli. Kung malinaw na, ikaw ay handa na sa ating mga pagsasanay

Unang Gawain: Korek Ka Dyan!

Panuto: Sa tulong ng iyong guro o magulang, suriin ang mga dapat gawin sa wastong pag-
iingat sa pagtanggap ng bisita. Lagyan ng Tsek (√) ang patlang sa unahan ng bilang kung ito ay
nararapat gawin.

_____ 1. Maging maingat sa pagtanggap ng bisita, lalo na kung hindi mo ito kakilala.
_____ 2. Maging magalang sa pakikipag -usap sa bisitang dumating.
_____ 3. Patuluyin agad sa loob ng bahay ang bisita kahit ito ay hindi mo kakilala.
_____ 4. Painumin ang bisita kahit hindi ito humihingi.
_____ 5. Ihatid sa labas ang bisita kung ito ay aalis na.

Ikalawang Gawain: Hanapin mo Ako!


Panuto: Hanapin ang mga salitang may guhit sa mga pangungusap sa ibaba.

Maging maingat sa pagtanggap ng bisita, maging ito ay hindi mo kakilala.


 Maingat at magalang na itanong ang pangalan at kung sino at ano ang kailangan.
 Iwasang patuluyin sa loob ng bahay ang hindi kakilala hangga’t hindi nakasisiguro
sa layunin nito.
 Iwasang iwanan na mag-isa sa loob ng tahanan o bakuran ang bisita.
 Maaring alokin ng maiinom o makakain ang bisita.
 Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kapag nagpaalam na.
Integrated the development of the following learning skills:
1. Communication Skills
a. Following instructions/directions
b. Understanding messages
________________________________________________________________________
Sanggunian:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang Unang Edisyon 2015; Eden F. Samadan, et.al;

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-HE4-Wk4-D20
Google Images; Gmail.com

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-HE4-Wk4-D20

Tandaan Natin:
Isa sa mga kaugaliang Pilipino ay ang mahusay at maasikasong
pagtanggap sa bisita. Kinalulugdan ito ng maraming dayuhan. Kung kaya,
mas mapagyayaman ito kung ang bawat batang Pilipino ay matutuhan ang
maingat at wastong pamamaraan ng pagtanggap sa bisita.

Ikatlong Gawain:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa at punan ng mga salita ang patlang. Hanapin
ang mga salita sa loob ng kahon.

alokin paggalang
tanungin maingat
mag-isa patuluyin

1. Ang bisita ay nararapat na ______ kung hindi kakilala ng buong mag-anak.


2. Marapat na ________ ang bisita ng maiinom o makakain.
3. Maging ________ sa pagtanggap ng bista kung hindi ito kakilala.
4. Makipag-usap nang may _________sa bisita.
5. Iwasang iwanang _________ ang bisita sa loob ng tahanan.

Pagtataya:

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (√) kung
ang pangungusap ay nagsasagawa ng wastong pag-iingat sa pagtanggap ng bisita at ekis (x)
kung hindi. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Maging maingat sa pagtanggap ng bisitang hindi kakilala.


Magalang na itanong ang pangalan at nais ng bisitang dumating.
Iwanang mag-isa sa loob ng bahay ang bisita.
Maingat na itanong sa bisita ang sadya ng kaniyang pagpunta.
Iwasang makipagusap sa bisita.
Patuluyin sa kwarto ang bisita.
Alokin ng maiinom o makakain ang bisitang dumating.
Isarado ang pintuan kung may bisitang padating.
Ihatid sa labas ng pinto ang bisita kung ito ay aalis na.
Pasalamatan ang bisita sa kanyang pagdalaw.

Integrated the Development of the Following Learning Skills

1.Communication: Following Instruction/interpretation


2. Character: Work independently
3. Critical thinking: Reasoning /analysis

SUSI SA PAGWAWASTO:

Unang Gawain:
1. √
2. √
3. X
4. X
5. √

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-HE4-Wk4-D20

Ikalawang Gawain:

Ikatlong Gawain:

1. tanungin
2. alokin
3. maingat
4. paggalang
5. mag-isa

Pagtataya:


X

X
X

X

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL

You might also like