Grade 2-Q2-ESP- Module 1
Name: __________________________________ Grade and Section:___________
Nakapagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may pagtitiwala.
(EsP2PKP- IIa-b – 6)
I-Learning Competencies:
a. MELCS;
1. Nakapagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may pagtitiwala.
II- Content
Maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. Kahit sa anumang panahon
at sitwasyon ang pagtulong sa kapwa ay hindi mawawala. Kaya kapit bahay, kapamilya, kahit sa
mga panauhin/bisita, mga hindi kakilala at taga-ibang lugar naipapakita pa rin ang mga
kaugaliang Pilipino na kanais-nais at naging tatak na natin.
1. Paggalang- isang natural na bagay na itinuturo na sa atin noong mga bata pa lamang tayo.
Magmula sa paggalang sa ating mga magulang at kapatid. Walang pinipiling edad o estado ang
paggalang sa kapwa, maging mahirap man o mayaman tayo dapat ay pantay kung tumingin sa
ating mga kapwa. Ipinapakita rin ang paggalang sa pamamagitan ng paggamit ng “ po at opo” sa
pakikipag-usap sa nakatatanda.
2. Pagtulong- ito ay ang pagbabahagi ng mga biyaya natanggap sa mga taong nangangailangan.
Ang pagtulong ay senyales ng pakikipagkapwa tao at nagiging lubos ang ating pagkatao kung
marunong tayong tumulong kahit sa hindi natin kaibigan o kakilala man lang.
3. Pagmamalasakit- ito ay ang paggawa ng mabuti sa ibang tao nang walang hinihintay na
kapalit. Ito ay maipakikita sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at paglalaan ng oras at lakas
sa ikabubuti ng kapwa.
4. Maayos na Pagtanggap- ito ay ang malugod at magiliw na pag-aasikaso sa mga bisita o
panauhin. Naghahanda ng masarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na
tulugan para sa mga bisita. Kung minsan ay nagbibigay ng regalo kapag umaalis na ang bisita.
5. Mabuting Pakikitungo- ito ay ang pakikisama sa iba at nangangahulugan ng pagpapahalaga
sa ibang tao. Ginagamit ang mabuting pakitutungo upang mapanatili ang maayos na relasyon sa
kapwa at nauugnay ang pakikisama, pakikibagay at pagkakasundo.
III- Exercise/s
A. Basahin ang mga sitwasyon at iguhit sa kwadernong panggawain ang masayang mukha ( )
kung ito ay nagpapakita ng pagkamagiliwin na may pagtitiwala sa iba at malungkot na mukha
( ) kung hindi.
1. Kinakausap at sinasagot ko nang maayos ang mga katanungan ng taga-ibang lugar tungkol sa
magagandang tanawin na makikita sa aming lugar.
2. Nagtatago ako sa loob ng bahay kapag nakikita ko na paparating na ang mga bisita.
3. Tinatakbuhan ko ang mga taong hindi ko kilala sa tuwing lalapit sila sa akin.
4. Magiliw ang pagtanggap ng aking pamilya sa mga panauhing dumarating sa amin.
5. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtulong lalo na sa mga
hindi kilala.
B. Punan ang mga patlang ng angkop na salita para mabuo ang tulang “Kapwa Ko”. Gawing
gabay ang mga salitang na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kwadernong
panggawain.
Ikaw, ako lahat tayo ay kapwa
Ugaliing magsabi nang po at opo sa kapwa
Pagka(1) __________________, ay dapat tanda
Kahit sino at saan man
Pagiging (2)___________________sa nangangailangan ay bigyan pansin at pakatandaan
Pagbibigay halaga kung anong meron ka
(3)______________________ na ugali bigyan ng halaga
At sa loob nito ay kaaya – aya
Ngiti dito at sa kahit sino
Magiliw na ugali at (4)___________
Pagtanggap ng bisita ay dapat ganito
(5) ______________________sa lahat ng gawain
Ikasisiya ng bawat isa sa atin
Kapwa ko pasasalamat ang sasambitin
C. Buuin ang Word Puzzle o Palaisipang Salita batay sa pahayag upang malaman ang mga
kaugaliang naipapakita ng mga Pilipino sa ibang tao at gawin itong gabay sa pagsagot. Isulat ang
tugon sa kwadernong panggawain.
IV-Assessment
Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa kwadernong
panggawain.
1. May panauhing darating sa inyong tahanan, paano mo maipapakita ang iyong magiliw na
pagtanggap sa kanila?
A. Hindi ko sila pagbubuksan ng pinto
B. Magdadabog ako sa harapan nila upang umalis agad sila.
C. Maghahanda ako ng pagkain at sisiguraduhing malinis ang bahay.
2. May taong hindi mo kilala na lumapit sa iyo upang magtanong sa tamang direksyon na
kanyang pupuntahan, ano ang gagawin mo?
A. Tatakbo ako palayo sa kanya
B. Maayos ko siyang kakausapin at sasagutin
C. Magkukunwari akong hindi ko siya nakita at narinig.
3. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa mga nakakasalamuha lalo na sa mga taong
hindi mo kakilala?
A. Bahala na rin sila sa sariling buhay nila
B. Tatratuhin ko sila ng maayos at mabuti
C. Hindi ko sila pakikialaman at papansinin
4. Nakita mong walang gustong kumausap sa isang turistang nagtatanong dahil na rin sa kanyang
linggwahe, ano ang gagawin mo?
A. Wala akong pakialam sa kanya
B. Lalapit ako sa kanya at tutulungan ko siya
C. Hindi ko rin siya papansinin katulad ng ginagawa ng iba
5. Lumapit sa iyo ang isang matanda at nanghihingi ng pagkain pagkat siya’y gutom na, ano ang
iyong gagawin?
A. Itatago ko ang aking pagkain
B. Bibigyan ko siya ng aking pagkain
C. Lalayo ako sa kanya upang hindi siya makahingi sa akin
V-Answer Key
A. B. C.
ASSESSMENT
Prepared by:
VHELLYRE R. FEROLINO
Subject Teacher