You are on page 1of 6

Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________

Name of Teacher: __________________________


Module Code: PASAY-IE4-NSQ-Wk3-D4

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PASAY CITY

MODULE IN EPP 4 (Information and Communication Technology)


Ikatlong Linggo/ Ikaapat na Araw

Layunin:

o Nakapagpapadala ng E-mail na may kalakip na dokumento o iba pang media file

Paksang Aralin: Pagsagot at pagpapadala ng E-mail na may attachment

Maliban sa sulat na nais nating ipadala sa ibang tao,


maaring may mga dokumento rin tayong nais ilakip sa ating
ipadadala. Dati, inilalakip sa sulat ang mga dokumento o gamit na
nais ipadala.
Ang mga dokumento o gamit na kalakip ng sulat ay may
karagdagang bayad depende sa timbang nito. Dahil pinadali na ng
tekonolohiya ang buhay ng tao, ang paglalakip o paglalagay ng
attachment sa mga dokumento sa isang email ay maari na ring
gawin sa mabilis, magaan, at libreng paraan.
Ang pagsagot at pagpapadala ng email na may kalakip na
dokumento ang kokompleto sa iyong kaalaman sa email.

Sumagot ng E-Mail

Paano nga ba sumagot sa E-mail ng iba?

1. Magbukas sa inyong browser.


2. Ilagay ang username at password at upang mabuksan ang iyong email.
3. Pindutin ang inbox na nais mong sagutin.
4. I-click ang reply upang masagot ang email.
5. Pindutin ang send kung kumpleto na ang sagot nan ais iparating sa iba.

Alam nyo ba na ng kauna-unahang


Email ay ipinadala ni Ray
```` Tomlison ng ARPANET noong
1971?
https://en.wikipedia.org/wiki/History_of_email

___________________________________________________________________________
Sanggunian:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang Unang Edisyon 2015; Eden F. Samadan, et.al;
Google Images; Gmail.com
https://www.coursehero.com/
https://en.wikipedia.org/wiki/History_of_email

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-IE4-NSQ-Wk3-D4

Magpadala ng E-mail na may Attachment

Paano maglakip ng mga file sa E-Mail?

Ang paglalakip ng dokumento o iba pang media file sa E-Mail ay isa sa mga pangunahing
kailangan matutunan sa patuloy na pagaaral gamit ang internet. Sa tulong ng paglalakip ng files,
nakapagpapadala ng mas maraming impormasyon gamit ang E-Mail. Sundan ang mga Steps sa baba
upang makapaglakip ng file sa iyong E-mail.

1 Kung hindi ka pa nakakapag Sign-in, mag Sign-in na sa www.gmail.com;

2 Hanapin at i-click ang “Mag-email” o ang Compose button;

3 Punan ang E-mail address ng papadalhan at ang Paksa;

4 I-click ang attach file o ang “Maglakip ng file” icon;

Tandaan: Ang kabuuang laki ng


files na maari mong ilakip sa email
ay hanggang 25MB.

5 Piliin sa lalabas na window ang file na gusto mo ilakip;

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-IE4-NSQ-Wk3-D4

6 Kung ganap na nailakip ang dokumento, makikita ito sa link ng attachment names;

7 I-click ang Ipadala o ang Send button.

8 Tagumpay! Nakapagpadala ka na ng E-mail na may attachment.

Integrated the development of the following learning skills:


1. Communication Skills 2. Creativity
a. Following instructions/directions Writing
b. Understanding messages

Gawain 1

Punan ang mga nawawalang titik upang mabuo ang wastong sagot sa bawat bilang.

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-IE4-NSQ-Wk3-D4
1. Isa sa pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa ibang tao
gamit ang internet.
M L
2. Ito ang hinihinging pangalan tuwing ikaw ay gagamit o mag sisign-in sa email.
U E R M
3. Unique na salita na kinakailangan upang magbukas at maprotektahan ang sariling email.

A S O D
4. Button na iki-click kung pagkatapos mailagay ang Username at Password.

S N N
5. Ito ay isang kasangkapang software na ginagamit sa tuwing magbubukas ng internet.

R W E
Gawain 2

Isulat ang tamang sagot sa patlang. Kunin ang mga sagot sa kahon.

REPLY SEND COMPOSE


ATTACH BROWSE INBOX

___________ 1. Anong button ang iki-click kung nais mong sagutin ang isang email?
___________ 2. Aling button ang iki-click kung nais mong mag send ng email sa iba.
___________ 3. Anung icon ang pipindutin kung nais mong maglakip ng files.
___________ 4. Ano ang iki-click para mapili ang dokumentong ilalakip sa email?
___________ 5. Anu ang iki-click kung tapos na ang paggawa ng email at handa na itong
ipadala.

Paglalahat

Tandaan Natin:
Sa pagpapadala ng E-mail na may kalakip na attachment mahalagang
masundan natin ang mga hakbang ng sunod-sunod. Ang pagbubukas ng
email, sumunod ang pagcompose, paglalagay ng paksa at address kung saan
nais ipadala ang email, pagclick sa attach button upang maibrowse ang file na
nais mong isend, at sa huli ay ang pagclick sa send button upang maging
matagumpay ang iyong pag e-email na may kalakip na attachment.

Paglalapat

Alam mo na ba ang mga lahat ng mga pangunahing kaalaman tungkol sa E-mail?


Kung gayon, subukan natin ang iyong kaalaman. Sa gawaing ito, gagamitin ang lahat ng iyong
natutunan tungkol sa pag-eemail.

Magsulat ng E-Mail ng pasasalamat sa iyong Guro at maglakip ng litratong sa


tingin mo ay makakapag-pahayag ng iyong pasasalamat. Sundan ang mga panuntunan
sa paggamit ng E-Mail at siguraduhing naisulat ng maayos.

Pagtataya

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-IE4-NSQ-Wk3-D4
Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagsagot sa email na may kalakip na document. Gamitin
ang titik A,B,C,D, at E upang maipakita ang pagkakasunod-sunod nito.

_______1. I-click ang Attach a file icon.

_______ 2. Piliin sa lalabas na window ang file na gusto mo ilakip.

_______ 3. I-click ang Compose Mail.

_______ 4. I-click ang Send.

_______ 5. Punan ang E-mail address ng papadalhan at ang paksa.

Key to Correction
MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL
Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-IE4-NSQ-Wk3-D4

Gawain 1
Punan ang mga nawawalang titik upang mabuo ang wastong sagot sa bawat bilang.

1. E-MAIL
2. USERNAME
3. PASSWORD
4. SIGN IN
5. BROWSER

Gawain 2
1. REPLY
2. COMPOSE
3. ATTACH
4. BROWSE
5. SEND

Pagtataya
Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagsagot sa email na may kalakip na document. Gamitin
ang titik A,B,C,D, at E upang maipakita ang pagkakasunod-sunod nito.

C
_______1. I-click ang Attach a file icon.

D 2. Piliin sa lalabas na window ang file na gusto mo ilakip.


_______

A 3. I-click ang Compose Mail.


_______

E 4. I-click ang Send.


_______

B 5. Punan ang E-mail address ng papadalhan at ang paksa.


_______

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL

You might also like