You are on page 1of 2

PANGALAN:

GRADE & SECTION:


ARALIN 4 ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin kung etikal o di-etikal ang mga inilalarawang gawi. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang
numero. Ipaliwanag din kung bakit etikal o di-etikal ang iyong sagot.

____________1. Pag-uuwi sa bahay ng mga suplay sa opisana tulad ng ballpen at papel.


Paliwanag:

____________2. Paggamit ng telepono ng opisina para sa long-distance overseascall nang may permiso.
Paliwanag:

____________3. Pagpapalit ng sagot ng respondente sa talatanungan upang umayon sa gustong kalabasan


ng pananaliksik.
Paliwanag:

____________4. Paghingi ng gabay sa pagsulat ng sanaysay na ipapasa bilang pinal na kahingian sa isang
asignatura.
Paliwanag:

____________5. Pagpapasa sa isa pang guro ng pamanahong papel na ipinasa rin sa isa pang guro.
Paliwanag:

____________6. Pagkuha ng larawang ipinaskil ng kaibigan sa social media upang ilagay sa sanaysay-
palarawan nang walang pagpapaalam sa may-ari ngunit binanggit naman ang pangalan nito.
Paliwanag:

____________7. Pagsusumite ng ulat na may sanggunian sa huli at may pagpapakilala sa mga may-akda ng
mga ginamit na pahayag o ideya.
Paliwanag:
____________8. Paghingi ng permiso sa dapat hingian bago magsagawa ng sarbey sa isang institusiyon.
Paliwanag:

____________9. Paglalagay ng pangalan ng kamag-aral na hindi tumulong sa paggawa sa ipinasang


pangkatang sulatin dahil siya ang nagbayad ng pagpapaimprenta.
Paliwanag:

____________10. Pagpapasa ng nirebisang pananaliksik na matagal nang naisulat.


Paliwanag:

TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumulat ng panunumpa na ikaw ay lilikha ng akademikong sulatin na sinusunod ang mga etika at
pagpapahalagang pang-akademya. Ilahad din kung paano mo ito maisasagawa – ang pagsulat ayon sa mga
etika at pagpapahalagang pang-akademya. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Pamantayan sa Pagmamarka:
• Malinaw na naipahahayag ang panunumpa – 35%
• Nailalahad ang mga pamamaraang gagamitin upang matiyak na
maisasagawa ang sinumpaan – 35%
• Malinis ang pagkakasulat – 30%
• Baybay (spelling)
• Gamit ng mga bantas
• Palabuuan ng mga pangungusap
• Isang panauhan lamang ang ginamit
Kabuuan : 100%

You might also like