You are on page 1of 5

Pangalan:___________________ Baitang at Pangkat:_____________

Petsa:_________
Mga Gawain

1. Palarawang Sanaysay
Panuto: Sumulat ng palarawang sanaysay gamit ang mga pinag-aralang mga
alituntunin.

___________________________

______________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Posisyong Papel

Panuto: Ikaw ay inaasahang maisasagawa ang sumusunod upang makabuo ng isang

posisyong papel tungkol sa argumentong may kaugnayan sa mga isyung
pangkalusugan at teknolohiya.
1. Magsaliksik ng mga pauna at pangkalahatang impormasyon at kaalaman
hinggil sa tiyak na paksang tinutukoy ng argumentong ibinigay ng guro
kaugnay sa isyung pangkalusugan at teknolohiya.
2. Pagpasyahan ang magiging posisyon ng paninindigan hinggil sa paksa.
3. Itala ang iba pang mga sangkap ng posisyong papel na kailangang susugan ng
mga pahayag at suportahan ng mga paliwanag at katibayan. 
4. Ipagpatuloy ang pananaliksik para sa mga karagdagang impormasyong
kakailanganin sa pagpapatibay ng posisyon sa paksa.
5. Bumuo ng balangkas ng binubuong pagtatalakay.
6. Isulat nang patalata at palawakin ang mga kaisipang inilahad sa balangkas
gamit ang mga bunga ng isinagawang pananaliksik.
7. Basahin ang unang borador. Markahan at isaayos ang lahat ng bahaging
nangangailangan ng pagtatama, pagbabago, at pagdaragdag o pagbabawas
ng detalye.

3. Replektibong Sanaysay
Panuto: Ikaw ay inaasahang isagawa ang sumusunod na hakbang tungo sa pagsulat ng
isang mahusay na replektibong sanaysay.
1. Magsaliksik ng isang sanaysay na nagtatampok ng paksang nauugnay sa siyensya at
teknolohiya.
2. Suriin ang nasaliksik na sanaysay batay sa:
a. pangunahing kaisipan
b. panimula
c. katawan
d. wakas

3. Matapos suriin ang nasaliksik na sanaysay, pagnilayan ang paksa at bakasin ito sa
iyong paunang kaalaman (prior knowledge) at mga karanasan (experiences).
4. Simulan ang pagsulat ng replektibong sanaysay. Isaalang-alang sa pagsulat ang mga
alituntunin sa pagsasakatuparan ng akademikong sulatin na ito. Maging matapat sa mga
pangangailangang pangnilalaman ng sulatin.
5. Basahing muli ang inyong isinulat na replektibong sanaysay. Suriing mabuti ang
sariling sulatin batay sa mga pangangailangan sa pagsusulat ng replektibong sanaysay.
6. Isulat ang pinal na sipi o kopya ng replektibong sanaysay sa letter-sized na papel o
short bond paper.

4. Resume at Curiculum Vitae

Panuto: Ikaw ay inaasahang maisasagawa ang sumusunod upang makabuo ng isang
mabisang résumé at curriculum vitae ayon sa napiling uri at gamit na may kaugnayan sa
napiling larangan.
1. Sa isang buong papel, itala ang mga impormasyon na kailangan ilagay sa gagawing
résumé
● buong pangalan
● trabaho o posisyong inaaplayan
● numero na kokontakin at email address
● mga karanasan sa trabaho (kung mayroon man)
● antas ng edukasyong natapos
● mga kakayahang may kaugnayan sa posisyong inaaplayan
● wikang ginagamit at mga kasanayan
● listahan ng mga sertipikasyon ng mga dinaluhang palihan o seminar
● iba pang interes o natatanging kakayahan

2. Pagkatapos, isulat naman ang mga kakailanganing impormasyon para sa pagsulat ng

iyong curriculum vitae:
● buong pangalan
● personal na numero at email address
● propesyonal na titulo, buod ng résumé o layunin ng résumé
● mga naisagawang pananaliksik
● antas ng edukasyong nakamit o natapos sa pag-aaral
● mga nailimbag o nailathalang artikulo o aklat
● mahahalagang karanasan sa pagkatuto o pagtuturo
● mga karanasan sa trabaho
● mga kumperensiyang dinaluhan at kursong kinuha o natapos
● mga kasanayan at kakayahan
● mga nakamit na karangalan o tagumpay
● mga sertipiko
● mga kasanayang teknikal at wikang sinasalita
● mga propesyonal na lisensiya, sertipikasyon, at organisasyong kinabibilangan

3. Maging malikhain sa gagawing résumé at curriculum vitae. Siguraduhing masusunod

ang mga hakbang sa pagsulat nito.

4. Ipagpatuloy ang pananaliksik para sa mga karagdagang impormasyong kakailanganin

sa paglalahad ng iyong personal na impormasyon.

5. Basahin ang unang borador. Markahan at isaayos ang lahat ng bahaging

nangangailangan ng pagtatama, pagbabago, at pagdaragdag o pagbabawas ng detalye.

6. I-type ang pinal na sipi sa isang malinis na bond paper nang naka-computerize.
Gamitin ang font na Arial at sukat na 11.

7. Huwag kalimutan at idokumento nang husto kung may mga karampatang paglalakip
ng dokumento.

9. Maghanda sa isang interaktibong pagbabahaginan sa klase hinggil sa

isinakatuparang gawain.
5. Bionote

Panuto: Ikaw ay inaasahang isagawa ang sumusunod na hakbang upang makabuo ng

isang bionote batay sa talambuhay ng isa sa mga eksperto sa larangan ng siyensiya at
teknolohiya.

1. Magsaliksik ng isang eksperto sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Magtala ng

mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniya.
2. Bumuo ng balangkas ng mga masasaliksik na impormasyon tungkol sa napiling
eksperto na susulatan ng bionote.

3. Simulan ang pagsulat ng bionote. Isaalang-alang sa pagsulat ang mga bagay na

dapat tandaan sa pagbuo nito katulad ng haba, panauhang gagamitin, mga
impormasyong ilalahad, at ang paglalahad ng mga ito.

4. Basahing muli ang inyong isinulat na bionote. Tiyaking natukoy ang lahat ng
mahahalagang detalyeng kinakailangan upang lubos na maipakilala ang ekspertong
iyong pinili.

5. Isulat ang pinal na sipi o kopya ng bionote sa maikling puting papel.

Format:
1 Short Bond Paper Only
Arial 11
Single Space
Bond Paper Margins 1.5 inch left, 1 inch other sides

You might also like