You are on page 1of 11

GRADE 1 to 12 Paaralan Dalahican Elementary School Baitang/Antas Ikaapat

DAILY LESSON PLAN Guro Jay H. Borromeo Asignatura EPP-


(Pang-araw-araw na Tala sa
ENTREPRENEURSHIP
Pagtuturo)
Petsa Octubre 23, 2023 Markahan Unang Markahan
ILALAWANG LINGGO-UNANG ARAW
I. LAYUNIN: Nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang media file.

A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer,


Internet, at email sa ligtas at responsableng pamamaraan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagamit ng computer, Internet, at email sa ligtas at
responsableng pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang
Pagkatuto (Learning media file.
Competencies) Isulat ang
code ng bawat kasanayan

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin Pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang
media file.
B. Sanggunian
C. Kagamitan Tsart, larawan, metacard, laptop o kompyuter, internet , ICT room
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain Balik-Aral: Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng gmail
box icon. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 1. Dito matatagpuan ang mga naipadala mong email sa ibang tao.
_____ 2. Kung nais mong sumagot sa ipinadalang email sa iyo, ito ang iyong
pipiliin.
_____ 3. Ito ay binubuo ng mga simbolo, letra at numero na ikaw lang ang
dapat makaalam.
_____ 4. Dito mo matatagpuan ang mga email na naipadala sa iyo ng ibang
tao.
_____ 5. Ang isa sa pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe na nangangailangan ng internet.

Pagganyak:

B. Panlinang na Gawain

1.Aktibidade

2. Analisis Ang pagpapadala ng email na may attachment tulad ng mga


dokumento, awit, larawan at video ay maaaring gawin gamit ang email
kung ikaw ay may internet. Ang mga sumusunod na gawain ay
magbibigay ng kaalaman at kasanayan sa pagsagot at paglakip ng
mga dokumento sa email. Narito ang mga hakbang sa pagpapadala
ng email na may kalakip na dokumento o iba pang media files.

1. Buksan ang iyong nagawang email account gamit ang google o


anumang search engine at i-click ang salitang SIGN-IN.

2. Sagutin lamang ang mga hinihinging detalye tulad ng email account at


password. Pagkatapos ay i-click ang button na NEXT.

3. I-click ang salitang Gmail. Pagkatapos ay i-click ang button na


COMPOSE.

4. Ilagay sa button na TO ang email account o address ng taong


padadalahan at ang SUBJECT nito o paksa ng ipadadala mong
mensahe. Ito ay opsyonal lamang kung nais mong lagyan ng subject o
paksa.

5. I-click ang button na ATTACH FILES ( ) na makikita sa ibabang


bahagi. Hanapin at i-click ang dokumento o iba pang media files na
iyong ipadadala. Pagkatapos nito ay i-click ang button na OPEN.

6. Hintayin lamang na mag-upload ang iyong dokumento o media file


na napili. Tandaan na ang kabuuang laki ng dokumento o media file
namaaari mong ilakip sa email ay hanggang 25 MB lamang. Kapag ito
ay lumampas sa 25 MB ito ay hindi

7. Upang makasigurona naipadala ang dokumento o file, buksan ang


SENT button at tignan kung ito ay naipadala.

3. Abstraksiyon Panuto: Basahin ang mga salitang nasa unang kahon. Hanapin at
bilugan ang mga salita sa loob ng word hunt puzzle.

4. Aplikasyon Ano ang iyong gagawin kung mayroong nagpadala sa iyo ng email na
naglalaman ng hindi kaaya-ayang dokumento o iba pang media files?

IV. Pagtataya Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang tamang salita sa
loob ng kahon na nasa ibaba at isulat sa patlang.
______ 1. Saang bahagi ng email inilalagay ang paksa ng iyong
mensahe?
______ 2. Ano ang button na dapat i-click upang makagawa ng
mensahe?
______ 3. Aling button ang i-click kung nais mong sagutin ang isang
email?
______ 4. Ano ang i-click kung tapos na ang paggawa ng email at
handa na itong ipadala?
______ 5. Ano ang i-click para makapili ng dokumento o file na ilalakip
sa email?

V. TAKDANG ARALIN Panuto: Gamit ang sariling email account, magpadala ng email na
may kalakip na dokumento na naglalaman ng dalawang larawan
(picture) na nagpapakita ng iyong pamilya. Ipadala ito sa email
account ng iyong guro.

VI. MGA TALA (Remarks)

VII. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. ilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punongguro/ superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:

Jay H. Borromeo
Teacher II

Checked by:

LYDA T. SIOCO
Master Teacher I

Noted:

FERLINDA M. BRIONES
Principal II
GRADE 1 to 12 Paaralan Dalahican Elementary School Baitang/Antas Ikaapat
DAILY LESSON PLAN Guro Jay H. Borromeo Asignatura EPP-
(Pang-araw-araw na Tala sa
ENTREPRENEURSHIP
Pagtuturo)
Petsa Octubre24, 2023 Markahan Unang Markahan
ILALAWANG LINGGO-UNANG ARAW
I.LAYUNIN: Makaguguhit gamit ang drawing tool o graphics software.

A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer,


Internet, at email sa ligtas at responsableng pamamaraan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagamit ng computer, Internet, at email sa ligtas at
responsableng pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Paggamit ang drawing tool o graphics software.
Pagkatuto (Learning
Competencies) Isulat ang
code ng bawat kasanayan

II.NILALAMAN
A. Paksang Aralin Drawing tool o graphics software.
B. Sanggunian
C. Kagamitan Tsart, larawan, metacard, laptop o kompyuter, internet , ICT room
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain Balik-Aral: Suriin ang mga sumusunod na larawan, alin sa mga ito
ang maaaring i-attach sa pagpapadala ng email. Iguhit ang linya
papunta sa attachment.

B.Panlinang na Gawain Pagganyak: Mahilig ka bang gumuhit o magpinta? Alam mo ba kung


paano gamitin ang drawing tool o graphic software sa kompyuter,
1. Aktibidade tablet o cellphone? Magiging kasiya-siya ang mga gawaing ito kapag
iyong natutuhan.
Sa pag-aaral ng araling ito, malilinang ang iyong kakayahan sa
paggamit ng kompyuter upang makaguhit nang larawan.
2.Analisis Ang Graphics Software ay isang uri ng software na maaaring
magamit upang lumikha, mag-edit, at pamahalaan ang 2D graphics
computer. Ang mga computer graphics na ito ay maaaring clip art,
web graphics, mga logo, mga heading, mga background, mga digital
na larawan , o iba pang mga uri ng mga digital na imahe.

Gaya ng nakagawiang paraan sa pagguhit at pagpipinta na hindi


gumagamit ng kompyuter, ang graphic software ay mayroong drawing
area na nagsisilbing canvas o papel sa isang pintor. Ang mga
halimbawa nito ay photoshop, canva at MS Paint.

Ang MS Paint o Microsoft Paint ay isang kompyuter program na


ginawa ng Microsoft. Ito ay isa lamang sa mga drawing tool o graphic
software sa kompyuter. Nilalayon nito na makalikha, makapag-edit, at
makapag-save sa kompyuter. Ito rin ay isang program para sa
pagdagdag ng text sa isang image at i-save sa kompyuter. Ang ilan sa
mga tools na maaari mong magamit sa MS Paint ay ang paint bucket,
pencil, spray can, eraser, line and curved line tools, multiple shape
tools, text tools at cut out tool.

Sundan ang mga sumusunod na panuntunan sa paggamit at pagguhit


ng Ms Paint.

1. Sa iyong kompyuter, i-search ang MS Paint at buksan ito.

a. Paint Tool – naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa


paggawa bago, pagbukas at pag-save ng file.
b. Ribbon – Naglalaman ng iba’t-ibang tools na maaaring gamitin sa
pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan at iba pa.

c. Drawing Area – canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-edit ng


larawan.

2. I-click ang pencil tool at Color 1. Pumili ng kulay sa color pallete sa


pamamagitan ng pag-click nito.

3. Pumili ng brush na nais mong gamitin, halimbawa ang brush icon


na crayon.

4. Maaring mag-set ng dalawang kulay gamit ang icon na Color 1 at


Color 2. Halimbawa kung ang nais mong kulay ay itim, i-click ang
button na Color 1 at piliin ang kulay itim. Gumuhit sa canvas ng tatlong
pahigang linya gamit ang left click sa iyong mouse.

5. Para sa Color 2, i-click ang button na Color 2 at pagkatapos ay piliin


ang kulay na dilaw. Gumuhit sa canvas ng tatlong pahigang linya
gamit ang right click sa iyong mouse. Tandaan, ang left click ay para
sa Color 1 at ang right click ay para sa Color 2.

6. Maaari ka ring gumawa ng iba’t ibang hugis o shapes na


matatagpuan sa ribbon tool tulad ng mga halimbawa na nasa ibaba.

7. Kung nais mong gumuhit sa canvas, i-click ang Pencil Tool icon at
pumili ng kulay na nais mong gamitin na matatagpuan sa Color 1 at
Color 2.

8. Maari ka ring gumamit ng brush tool upang gumuhit. Gamitin ang


Eraser Tool kung nais mong burahin ang iyong naiguhit.

Bakit mahalagang matutuhan ang pagguhit o pag-drowing nang isang


3. Abstraksiyon tao? Ano ang kahalagahan ng pagguhit gamit ang drawing tool o
graphic software? Isulat ang iyong saloobin sa loob ng papel.

4. Aplikasyon Ang pagguhit ay hindi na lamang maaaring gawin sa papel. Ito ay


nagagawa na rin sa pamamagitan ng teknolohiya tulad ng drawing tool
o graphic software. Ngayong natutuhan mo na ang mga ito, iyong
sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

V. Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang letra
ng
tamang sagot.
1. Ito ay isang halimbawa ng drawing tools o graphic software na kung
saan ay nilalayon nito na makalikha ng picture files at makapag-edit
ng
picture files at mai-save sa kompyuter.
A. MS Word C. MS Paint
B. MS Excel D. MS Drawing
2. Ito ay canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-edit ng larawan.
A. Paint tool C. Drawing area
B. Ribbon D. Paint area
3. Kung nais mong i-save ang iyong larawan sa format na compatible
sa
halos lahat ng devices at programs, anong format ang iyong pipiliin?
A. GIF C. JPEG
B. PNG D. TGIF
4. Nais ni Carla na gumuhit sa canvas o drawing area, anong button
ang
dapat niyang i-click?
A. Shapes at Text C. Shapes at Brush tool
B. Pencil at Brush tool D. Text at Pencil Tool
5. Ito ang button na kung saan nilalagay ang pangalan ng iyong
ginawang
larawan sa graphic tool.
A. File Application C. File Name
B. Format D. Application Name
VI. TAKDANG ARALIN Panuto: Ipakita ang iyong angking galing gamit ang MS Paint o
anumang drawing tool o graphic software. Gumuhit ng larawan na
nagpapakita ng malimit mong ginagawa sa loob ng tahanan kasama
ang iyong pamilya. Lagyan ito ng pamagat batay sa iyong kagustuhan.
Ipadala ito sa iyong guro gamit ang iyong messenger classroom.

VI. MGA TALA (Remarks)

VII. PAGNINILAY
5. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya

6. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain sa remediation
7. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
8. ilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
9. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
10. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punongguro/ superbisor?
11. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:

Jay H. Borromeo
Teacher II

Checked by:

LYDA T. SIOCO
Master Teacher I
Noted:

FERLINDA M. BRIONES
Principal II

GRADE 1 to 12 Paaralan Dalahican Elementary School Baitang/Antas Ikaapat


DAILY LESSON PLAN Guro Jay H. Borromeo Asignatura EPP-
(Pang-araw-araw na Tala sa
ENTREPRENEURSHIP
Pagtuturo)
Petsa Octubre 25, 2023 Markahan Unang Markahan
ILALAWANG LINGGO-UNANG ARAW
I.LAYUNIN: Nakakapag-edit ng photo gamit ang basic photo editing tool.
A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer,
Internet, at email sa ligtas at responsableng pamamaraan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagamit ng computer, Internet, at email sa ligtas at responsableng
pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Nakakapag-edit ng photo gamit ang basic photo editing tool.
Pagkatuto (Learning
Competencies) Isulat ang
code ng bawat kasanayan

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin Pag-edit ng photo gamit ang basic photo editing tool.
B. Sanggunian Gabay sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 TG pp.24-26
Modyul sa Edukasyong Pangtahanan at Pangbuhayan 4 LM pp. 42-51
C. Kagamitan Tsart, larawan, metacard, laptop o kompyuter, internet, ICT room
III. Pamamaraan

Balik-Aral: Panuto: Tukuyin ang pangalan ng sumusunod na mga tool


icons na matatagpuan sa MS Paint.
A. Panimulang Gawain

B. Panlinang na Gawain Pagganyak: Panuto: Lagyan nang ang patlang kung nasubukan mo ng
1.Aktibidades gawin ang mga kasanayan sa pag-edit ng photo gamit ang kompyuter.
_____ 1. Magbukas ng larawan para i-edit.
_____ 2. Mag-crop ng larawan.
_____ 3. Maglagay ng shape sa larawan.
_____ 4. Maglagay ng text na may angkop na kulay sa ibabaw ng
larawan.
_____ 5. Magtanggal ng puting background text.

Isa sa mga mabuting dulot ng teknolohiya ay napagagaan at


2. Analisis napagaganda nito ang gawain ng tao. Ang halimbawa nito ay ang
paggamit ng photo editing tool. Ang photo editing ay isang gawain na
kung saan maaari mong baguhin ang isang larawan sa original nitong
anyo. Maaari kang maglagay ng text, images, at putulin (crop ), at
dagdagan ang larawan ayon sa nais mong kalabasan nito.

Bukod sa pagguhit gamit ang MS Paint, maari ka ring mag-edit ng photo


dito. Bagamat hindi ito isang propesyonal na kagamitan sa pag-edit ng
isang larawan mayroon naman itong mga karaniwang kagamitan (tools)
sa pag-eedit ng isang larawan.

Ito ang mga hakbang sa paggamit ng photo editing sa MS Paint.

1. Buksan ang MS Paint sa iyong laptop o desktop.

2. Para sa araling ito, gagamit tayo ng larawan mula sa google. I-click


ang link na https://images.app.goo.gl/YGZ3FLaTPX1xy5xb9 upang
makita ang larawan.

3. Kapag nakita mo na ang larawan, itapat ang cursor dito, pindutin ang
right click sa mouse, piliin ang Save Image As.

4. Piliin ang Desktop, palitan ang File Name na “Iwas Sunog” upang
madali itong mahanap. Pagkatapos nito ay i-click ang Save button.

5. Sa MS paint, i-click ang Paste Arrow down at piliin ang Paste From.

6. Piliin ang Desktop, hanapin ang nai- save na picture na may file name
na “Iwas Sunog”. I-click ang Open button.

7. I-drag ang dulo ng linya ng larawan na pababa gamit ang Up-Down


Arrow upang maging katulad ng nasa halimbawa sa ibaba.

8. Kung nais mong mag-insert ng text, i-click ang A na nasa taas na


bahagi ng tools at i-type ang pamagat na “Pag-iwas sa Sunog”. Kung
nais mong palakihin o paliitin ang text, i-click ang Font Size at piliin ang
sizen number na angkop sa larawan.

9. Kung nais mong i-drag o ilipat ang text, itapat lamang cursor ng mouse
sa gilid ng linya ng text box at hintayin lumabas ang Arrow: Quad button.
Pagkatapos ay i-click ang left click ng mouse habang idina-drag ang text
box sa kaliwang bahagi ng larawan. Maaari mo ring palitan ang kulay ng
text ayon sa iyong nais. I-highlight lamang ang text na papalitan mo ng
kulay sa pamamagitan ng pagpili sa color tools gamit ang left click ng
mouse.

10. Maaari mo ring palitan ang Font Style ng text. I-hightlight ang text at i-
click ang text tab sa taas. Piliin ang Font Style o Font Family na iyong
nais sa papamagitan ng pag-left click sa iyong mouse.

11. Gamit ang brushes tool, i-click ang Color 1 button at piliin ang kulay
na orange. Gumuhit ng apoy sa baba ng salitang Prevention.

12. Para mag-insert ng shapes, pumunta sa shapes tool at i-click ang


shape na nais mong gamitin. Halimbawa rectangle, itapat ang cursor sa
canvas o sa lugar na gusto mong paglagyan ng shape. Gamitin ang left
click ng mouse habang idina-drag ito sa taas ng salitang Heat. Gamitin
din ang shape na oval at arrow up katulad ng nasa larawan.

13. Upang i-save ang iyong gawain, i-click ang File, piliin ang Save As at
i-click ang JPEG.

14. Piliin ang Desktop o kung saan mo nais ilagay ang iyong nagawang
larawan. Sa File Name ilagay ang pangalan na Pag-iwas sa Sunog.
Pagkatapos i-click ang Save

3.Abstraksiyon

4 Aplikasyon Panuto: Magbigay ng limang pamamaraan kung paano ang pag-edit ng


photo gamit ang basic photo editing tool. Ilagay ang iyong sagot sa loob
ng kahon.

VI. PAGTATAYA Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga icon na tinutukoy sa Hanay A.
Isulat
ang iyong sagot sa patlang.

VII.TAKDANG ARALIN Panuto: Magsaliksik ng larawang tourist spot sa ating bansa gamit ang
internet. Gamit ang MS Paint o ibang photo editing tool, ipakita ang iyong
kasanayan sa pag-edit ng larawan. Sundan ang tseklist na dapat makita
sa iyong na-edit na larawan.
1. Pag-insert ng text at paggamit ng font style, font size, font color.

2. Pag-insert ng shapes o hugis sa larawan.

3. Paggamit ng brush tool sa larawan.

4. Pag-import ng larawan para ma-edit.

5. Angkop ang mensahe na ipinahahayag sa larawan.

VI. MGA TALA (Remarks)

VII. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punongguro/
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:

Jay H. Borromeo
Teacher II
Checked by:

LYDA T. SIOCO
Master Teacher I
Noted:

FERLINDA M. BRIONES
Principal II

You might also like