You are on page 1of 4

Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________

Name of Teacher: __________________________


Module Code: PASAY-ICT4-Q4-W6-D2

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PASAY CITY

MODULE IN EPP 4 (ICT)


Ikaapat na Markahan / Ika-anim na Linggo / Ikalawang Araw

Layunin:

o Nakasasagot sa email ng iba

Paksang Aralin: Ang E-mail

Ano nga ba ang E-Mail?

Sa panahon ngayon na halos lahat ng interaksyon ay dumadaan online


o gamit ang Internet, isa sa mga kailangan ng mga bagong miyembro ng
lipunan ang Electronic Mail o E-mail, kung tawagin. Ang E-mail, tulad ng
pinagmulan nitong salita, Mail o Sulat, ay ginagamit para magpadala ng sulat at
impormasyon. Kinaibahan nya sa Snail Mail o pagpapadala ng pisikal na sulat
sa tulong ng Post Office, ay ang e-mail ay agad-agarang matatanggap ang
mensahe kumpara sa Snail Mail na nakadepende sa bilis ng iyong lokal na
Post Office. Isa ring malaking kinaibahan ng Snail Mail sa E-mail ay kung saan
ito pinapadala, kung ang Snail Mail ay pinapadala sa tahanan o opisina, ang E-
mail naman ay pinapadala sa E-Mail address.
Halimbawa: juan@gmail.com

Unang Gawain: Buksan ang inyong E-mail

Paano nga ba buksan ng iyong sariling E-mail address?

1. Buksan sa iyong Internet Browser ang www.gmail.com;

2. Ilagay ang inyong Username at Password

3. Siguraduhing tama ang iyong Password;

I Click ang Enter o Sign In

Tandaan:

*Laging tandaan ang iyong Username at Password.

*Huwag sasabihin kahit na kanino ang iyong Password. Integrated the development of the following
learning skills:
*Mag-Ingat kung kanino ibinibigay ang iyong E-mail 1. Communication Skills
Address. a. Following instructions/directions
b. Understanding messages
_________________________________________________________________
Sanggunian:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang Unang Edisyon 2015; Eden F. Samadan, et.al;
Google Images; Gmail.com

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-ICT4-Q4-W6-D2

Ikalawang Gawain: Sumagot sa E-mail

Paano naman sumagot sa E-mail address ng iba?

Ngayong sasagot kana sa E-Mail na iyong natanggap, mahalagang matutunan mong gamitin ito ng
tama.
Sa tulong ng imahe sa baba, sundan ang mga direksyon at magpadala isang E-Mail sa isang kakilala.

1. Kung hindi ka pa nakakapag Sign-in, mag Sign-in na sa www.gmail.com;

2. Hanapin at i-click ang “Mag-email” o ang Compose button;

3. I-type ang email address ng iyong papadalhan ng email sa unang espasyo;

4. Lagyan ng “Paksa” o Subject sa sunod na espasyo;

5. Isulat na ang mensaheng gusto mo iparating;

6. I-click ang Ipadala o ang Send button.

7. Tagumpay! Nakapagpadala ka na ng E-mail.


Integrated the development of the following learning skills:
1. Communication Skills
a. Following instructions/directions
b. Understanding messages

Tandaan Natin:

Ang Pagusulat ng E-mail ay katulad lamang ng pagsusulat ng liham.


Kailangan panatilihin ang mga kombensyong ng pagsusulat ng liham tulad ng
Pagbating panimula, Pagbating pangwakas, pati na ang lagda. May
pinagkaiba rin ang tono ng mga E-mail depende kung sino ang
makakatatanggap nito, kung ito ay para sa Guro o kaya ay Opisina, dapat
sundan ang Pormal na paraan ng pagsulat ng liham; kung para naman sa
kaibigan o kakilala, maaring gamitin ang Di-Pormal na paraan ng pagsulat ng
liham.
MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL
Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-ICT4-Q4-W6-D2

Ikatlong Gawain: Pagtatapat

Alam mo na ba ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa E-mail?

I-ugnay ang mga sagot sa hanay B sa mga katanungan sa hanay A. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

___1. Mabagal at sinaunang paraan ng pagpapadala ng mensahe A. Post Office


___2. Paraan ng pag-papadala ng mensahe gamit ang Internet B. E-Mail Address
___3. Button na dapat i-click para makasulat ng E-Mail C. Snail Mail
___4. Lugar kung saan nakakatanggap ng E-mail D. Mag-email/Compose
___5. Opisina na nagaayos at nag-oorganisa ng mga pisikal na sulat E. E-Mail

Kaya mo na ba?

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan ng tsek ang hanay ng


thumbs up icon kung taglay mo na at thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Pagkakaroon ng email account o address

2. Paggawa ng sariling email account o address

3.Pagbubukas ng sariling E-mail

4. Paggawa ng mensahe gamit ang E-mail at naipadala sa kinauukulan

5. Pagsagot at Pagbasa sa natanggap na E-Mail

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL


Name of Student: __________________________ Grade and Section: ___________________
Name of Teacher: __________________________
Module Code: PASAY-ICT4-Q4-W6-D2

SUSI SA PAGWAWASTO: Ikatlong Gawain: Pagtatapat

Alam mo na ba ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa E-mail?

I-ugnay ang mga sagot sa hanay B sa mga katanungan sa hanay A. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_C_1. Mabagal at sinaunang paraan ng pagpapadala ng mensahe A. Post Office


_E_2. Paraan ng pag-papadala ng mensahe gamit ang Internet B. E-Mail Address
_D_3. Button na dapat i-click para makasulat ng E-Mail C. Snail Mail
_B_4. Lugar kung saan nakakatanggap ng E-mail D. Mag-email/Compose
_A_5. Opisina na nagaayos at nag-oorganisa ng mga pisikal na sulat E. E-Mail

MAILA I. LIWANAG/BERNABE ELEMENTARY SCHOOL

You might also like