You are on page 1of 14

4

EPP - ICT
Markahan 4 - Modyul 5:
PAGGAWA NG DOKUMENTO NA MAY
LARAWAN GAMIT ANG WORD PROCESSING
TOOL
EPP – ICT – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Markahan 4 – Modyul 5: Paggawa ng Dokumento na may Larawan Gamit ang
Word Processing Tool
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jenny Mae B. Tubil
Editor: Mark Dave M. Vendiola, Reynald M. Manzano
Tagasuri: Jun Rey M. Gubaton, Mark Dave M. Vendiola, Reynald M. Manzano
Tagalapat:
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis, Ed.D. Maricel S. Rasid
Joelyn M. Arcilla, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed. D.
Antonio B. Baguio, Jr., Ed. D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
4
EPP - ICT
Markahan 4 - Modyul 5:

PAGGAWA NG DOKUMENTO NA MAY


LARAWAN GAMIT ANG WORD PROCESSING
TOOL
Alamin

Sa makabagong panahon, ginagamit ang kompyuter sa pagsulat ng


iba’t ibang uri ng dokumento. Nagiging mas mabilis ang pagsulat nito dahil
na rin sa Word Processing application.
Sa araling ito, gagawa ka ng dokumentong may larawan gamit ang
kompyuter. Tutuklasin mo ang command tools na maaaring gamitin upang
makabuo ng isang dokumento.
Layunin:
1. Nakagagamit ng mga basic features ng word processing tool.
2. Nakagagawa ng isang produkto gamit ang word processor.
3. Nakapagbabahagi ng kaalaman sa paggamit ng word processor sa
iba.

Subukin

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan?


Maglagay ng tsek ( ) sa hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na ito o
ang thumbs down icon kung hindi pa.

KASANAYAN/KAALAMAN
1. Gamitin ang font tools para baguhin
ang hitsura ng font
2. Maglagay ng larawan sa dokumento
3. Gamitin ang basic formatting tools sa
pag-aayos ng hitsura ng larawan sa
dokumento gamit ang word
processor
4. Gamitin ang angkop na alignment
para sa dokumento.
5. Mag – save ng dokumento.

1
Aralin PAGGAWA NG DOKUMENTO NA MAY

5 LARAWAN GAMIT ANG WORD


PROCESSING TOOL

Balikan

Masasabi mo ba ang pagkakaiba ng dalawang larawan? Isulat sa iyong


kuwaderno ang bahagi ng larawan B na naiba sa larawan A.

https://bit.ly/3u9c70M

Ang larawan sa itaas ay minsan nang ginamit ng pamahalaan upang i-


promote o itaguyod ang Pilipinas. Maaaring mapaganda ang isang larawan
kung gagamitan ito ng photo editing tool.

Tuklasin

Basahin ang trivia.

2
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Kailan unang nagkaroon ng limbagan sa Pilipinas?
2. Ano ang mabuting naidulot ng pagkakaroon ng limbagan?

Suriin

Subuking gumawa ng maikling dokumento gamit ang word processor.


Sundan ang mga hakbang sa ibaba:
1. Buksan ang MS Word. Magbukas ng bagong dokumento. Pansinin
ng gaya ng spreadsheet application at graphic software, ang word
processing application ay mayroon ding tools, ribbon at tabs.

TAB
S

RIBBON TOOL
S

I-click ang iba’t ibang tabs at tingnan ang tools sa nakapaloob sa


ribbon.
2. Mag-type ng salita o mga kataga sa blankong dokumento.

3. I-highlight ang salita sa pamamagitan ng pag-click sa unahang


bahagi ng salita at i-drag ang mouse hanggang sa dulo ng bahagi ng
salita.

4. Palitan ang text style. I-click ang alinman sa tatlong button


na ito.

Ano ang nagging pagbabago kung gagamitin ang tatlong button ng text
formatting na ito?

3
5. Baguhin ang kulay ng text sa pamamagitan ng pag-highlight dito at
i –click ang . Piliin ang nais na kulay.

6. Ipagpatuloy ang pagta-type ng mga pangungusap.

7. I-set ang alignment ng pangngusap sa pamamagitan ng paglalagay


ng cursor sa simula ng pangungusap at i-click ang alinman sa
buttons na ito . Ano ang nangyari sa pag-click sa mga
alignment buttons?

8. Mag-insert ng larawan sa pamamagitan ng pag-click sa button na ito


sa Insert Menu.

9. Kumuha ng larawan sa naka-save na file.


10. I-format ang larawan sa pamamagitan ng pag-double click dito.
11. Narito ang picture tools na maaaring gamitin sa pag-edit ng larawan.

12. Pumili ng angkop na format mula sa Picture Styles.


13. I-click ang text wrapping tool at pumili ng text wrapping style.
Pagmasdan ang mangyayari sa larawan.

14. Ipagpatuloy ang pagdiskubre sa word processor.

4
Pagyamanin

Handa ka na bang gumawa ng dokumento sa word processing


application gamit ang iyong kasanayan sa kompyuter?

Ang Pilipinas ay di lamang mayaman sa likas na yaman.


Ito rin ay mayaman sa masasarap na pagkain na talagang
maipagmamalaki natin sa ibang bansa.

Isa sa maaaring simulang negosyo ng isang batang


entrepreneur na katulad mo ay ang
negosyo sa pagtitinda ng pagkain.
Gumawa ng isang flyer na
nagpapakilala sa iyong negosyo.

https://bit.ly/3t6SaGm, https://bit.ly/3u79Oer, https://bit.ly/3aOomYZ

Gawain A
Ang larawan sa ibaba ay isang halimbawa ng flyer na nag-aanunsyo.

Masarap…
Masustansya…
Magaan sa Bulsa…

Php 2.00/pc

Sagutin ang sumusunod:


1. Anong pagkain ang inaanunsyo sa flyer?
2. Anong impormasyon ang makikita sa flyer?
3. Paano naging epektibong manghihikayat ang flyer?

5
Gawain B: Magplano Ka!
Bago magsimulang gumawa ng flyer, kinakailangang planuhin mo
ang ilalagay dito. Pag-aralan ang sumusunod na tanong:
1. Anong pagkain ang iyong ihahanda? Ano-anung palamuti ang
kinakailangan upang mapaganda ang presentasyon ng pagkain?
2. Anong pangalan ang mainam na gamitin para sa iyong produkto?
Mapanghikayat ba ito?
3. Ano ang magiging layout ng flyer?

Gamitin ang Planning Pyramid upang matulungan ka sa pagpaplano.

Anong mensahe ang nais


mong iparating sa iyong flyer?

Anong imahe ang gagamitin


mo upang maiparating ito?

Ano – anong command tools


ang gagamitin mo upang
mabuo ang flyer?

Ilagay ang iyong plano sa Idea Board sa ibaba:

IDEA BOARD

6
Isaisip

Maaaring lalo pang mapagaganda ang isang larawan


kung lalagyan ito ng iba’t ibang disenyo. Ang tamang paggamit
ng kulay, hugis at text ay napakahalaga upang mas maging
https://
epektibo ang nilalayong disenyo. bit.ly/2P
v62wi

Isagawa

Handa ka na bang gumawa ng iyong flyer? Sundan ang sumusunod


na hakbang:
1. Kumuha ng larawan ng mga pagkain gamit ang iyong cellphone o
digital camera. (Kung wala ang mga ito, maaaring magdownload
ng libreng larawan sa internet.)
2. Magbukas ng bagong dokumento gamit ang word processing
application.
3. I-type ang pangalan ng iyong produkto at i-layout ito sa flyer sa
pamamagitan ng alignment tool.

Ang Hamon:
Subuking mag-insert ng Word Art mula sa Insert Menu toolbar.
Pumili ng word art style at mag-type ng salita sa Edit Word Art Text
Box.

7
4. Magdagdag ng iba pang impormasyon sa flyer.
5. Pagandahin ang mga larawan at i- layout ito sa flyer gamit ang
wrapping tool.
6. I-save ang proyekto.

BALIKAN!
Balikan ang nabuo mong larawan at suriin ito. Lagyan ng tsek ang
angkop na sagot sa checklist.

OO HINDI
1. Nagawa baa ng lahat ng ipinapagawa sa
iyo?
2. Nagawa baa ng mga pagbabagong nais
mong gawin sa iyong flyer?
3. Naging mas kaaya-aya baa ng disenyo sa
paggamit at pagsasama –sama ng mga
kulay, hugis at text?
4. Naging mabisa baa ng nalikhang flyer sa
paghahatid ng mensahe?

Tayahin
Kompletuhin ang sumusunod na pangungusap:

1. Ang pinakamahalagang natutuhan ko sa araling ito ay


_______________.
2. Ang kasanayan na kailangan ko pang linangin ay
____________________.
3. Ang pakiramdam ko sa pagsasanay ko sa paggamit ng word
processor ay __________________________.

8
Karagdagang Gawain

KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Maglagay
ng tsek ( ) sa hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs
down icon kung hindi pa.

KASANAYAN/KAALAMAN
1. Gamitin ang font tools para baguhin
ang hitsura ng font
2. Maglagay ng larawan sa dokumento
3. Gamitin ang basic formatting tools
sap ag-aayos ng hitsura ng larawan
sa dokumento gamit ang word
processor
4. Gamitin ang angkop na alignment
para sa dokumento.
5. Mag – save ng dokumento.

Susi sa Pagwawasto

kasagutan
ibang kasagutan. iba’t ibang
magkaroon ng iba’t magkaroon ng
-Maaaring -Maaaring
kasagutan
Pagyamanin iba’t ibang
Balikan magkaroon ng
kasagutan -Maaaring
ibang kasagutan. iba’t ibang
magkaroon ng iba’t magkaroon ng Tayahin
-Maaaring -Maaaring

Subukin Tuklasin

9
Mga Sanggunian

Aklat

Samadan, Eden F, Marlon L Lalaguna, Virgilio L Laggui, and Marta R


Benisano. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4:Kagamitan Ng
Magaaral. Pasig City: Vibal Group Inc., 2015.

Websites

“Boy Thinking Clipart - Thinking Boy Cartoon Png Transparent Png


(#1941236) - PikPng.” PikPng.com,
www.pikpng.com/pngvi/mwJmmw_boy-thinking-clipart-thinking-boy-
cartoon-png-transparent-png/.

“File:Pilipinas Kay Ganda.jpg.” Wikipedia, Wikimedia Foundation, 11 May


2014,
en.wikipedia.org/wiki/Pilipinas_Kay_Ganda#/media/File:Pilipinas_kay
_ganda.jpg.

PNGHUT.com. “Chicken Soup Tomato Vegetable Clip Art - Cupasoup - Stewed


Clipart Transparent PNG.” PNGHUT.com,
pnghut.com/png/KwMZv4r6UF/chicken-soup-tomato-vegetable-clip-
art-cupasoup-stewed-clipart-transparent-png.

“Vector Pink Cupcake with Colorful Sprinkles.” 123RF,


www.123rf.com/photo_8926589_vector-pink-cupcake-with-colorful-
sprinkles.html.

588ku. “Hand Painted Bread Machine Slice Of Bread Bread Machine, Bread
Clipart, Home Appliance, Toast PNG Transparent Clipart Image and PSD
File for Free Download.” Pngtree, pngtree.com/freepng/hand-painted-
bread-machine-slice-of-bread-bread-machine_3905126.html.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like