You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ________________

Paaralan: _________________________________________Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Makakagawa ng Poster para sa Katotohanan sa Pagkuha ng
Impormasyon Tungo sa Tamang Desisyon

I. Panimula
Sa panahon natin ngayon, marami ang nagiging biktima ng maling
impormasyon dulot ng mabilis na pagtangkilik o pagkahilig ng mga tao sa
social media. Nasanay na ang mga tao lalo na ang mga kabataan na sumagap
ng iba’t-ibang impormasyon sa media. Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman
na sa bawat lumalabas sa internet o sa dyaryo, radyo at telebisyon ay totoo.
Marami pa rin ang nalilinlang ng maling impormasyon.

Kung ang hinahanap mong impormasyon ay makakatulong sa iyo sa

paggawa ng tamang desisyon, marapat lamang na maglaan ng panahon sa
pagkuha ng impormasyon sa iba’t-ibang uri ng media upang ito ay matiyak
na may katotohanan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nakalaan ang gawaing pagkatuto na ito sa pagiging bihasa ng mga mag-
aaral na makagawa ng poster para sa katotohanan sa pagkuha ng
impormasyon tungo sa tamang desisyon. (ESP6PKP-Ia-i-37)

III. Mga Layunin

Sa katapusan ng mga gawain sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. makapagbibigay ng tamang impormasyon batay sa poster;
2. makasusunod sa mga hakbang sa paggawa ng poster; at
3. mabibigyang halaga ang katotohanan sa pagkuha ng impormasyon.
IV. Pagtalakay
Ang poster ay simple ngunit nakakahalinang paraan para maiparating
ang nais mong ibahaging kaalaman. Isa itong paraan upang magbigay ng
malinaw na impormasyon gamit ang mga epektibong salita at larawan.

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng poster:

1. Gawing malinaw at siguraduhing madaling basahin. Dapat maging

malinaw at eksakto ang impormasyong nais ibahagi. Pumili ng kulay para
sa background na hindi nakakasira sa mensahe ng iyong poster. Ang estilo
ng font ay dapat madaling basahin. Siguraduhin ang kulay at sukat ng
font ng letra ay hindi magkakapatong-patong. Ang mga larawan at simbolo
ay dapat na nangangahulugan sa iyong gustong ibahaging mensahe.

2. Ayusin ang iyong poster upang mapabuti ang itsura nito. Kumuha ng
tamang kaalaman upang makapagbigay ng malinaw na impormasyon.
Pumili ng saktong sukat at larawan batay sa laki ng mga letra.
Pagsamahin ang mga salita at larawan. Pumili ng kulay at estilo ng font
na makapagbibigay ng malinaw na mensahe. Maglaan ng espasyo para sa
mga salita at larawan. Ang espasyo ay mahalaga sa paggawa ng poster.

3. Piliin itong maging simple para madaling tandaan ng makababasa.

V. Mga Gawain
Gawain # 1:
Panuto: Basahin ang kuwento tungkol sa paggawa ng tamang pasiya
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang impormasyon at sagutin ang
mga tanong pagkatapos.

Tamang Impormasyon Tungo sa Tamang Pasiya

(Mula sa Batayang Aklat 6 “Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon”)

Isang araw, pinulong ni Gng. Sta. Maria ang kaniyang mga mag-aaral
tungkol sa panukala ng Samahan ng mga Magulang na pagbibigay ng
donasyon sa kanilang klase.

“Mga mag-aaral, ang Pangulo ng Samahan ng mga Magulang

na si Gng. Felipe ay magbibigay ng mga donasyon. Maari lamang tayong
mamili sa dalawa: computer o mga set ng mga makabagong aklat”, banggit ni
Gng. Sta. Maria.

Bilang pangulo ng klase, pinulong ng mga mag-aaral at kinuha ang

kanilang mga panig para sa kapasiyahan ng buong klase.

2
“Kung ako ang tatanungun ninyo, sabi ni Angel, Mas mainam ang
computer na magagamit ng buong klase kaysa sa mga aklat. Marami na
naman ang mga aklat na ipinahiram sa atin.”

“Mas nagtatagal ang mga aklat at maari pang magamit ng mga susunod
sa atin kaysa sa computer na madaling masira,” ang suhestiyon ni Bella.

Bago tayo magdesisyon, maaring mangalap muna tayo ng mga

impormasyon sa kabutihang maidudulot ng pagkakaroon ng computer at mga
aklat.

Masusing nagtalakayan at nagpalitan ng suhestiyon ang mga mag-

aaral tungkol dito.

Magkakaroon tayo ng botohan sa kung ano ang pipiliin natin. Itaas ang
mga kamay ng mga may gusto ng makabagong aklat? Isa, dalawa, tatlo…
dalawamput-apat. Ilan naman ang may gusto ng mga set ng makabagong
aklat? Isa, dalawa… dalawamput-dalawa ang pumili. Nangangahulugan na
computer ang ating hihilingin kay Gng. Felipe.

Ayon sa desisyon ng klase. Sang-ayon ako sa naging pasiya ng lahat.

“Iyan ang gusto ko sa mga mag-aaral ko, nagkakaisa. Gamitin lamang

natin nang tama ang ibibigay sa atin, tiyak na matutulungan tayo nito higit
lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon,” ang nakangiting sabi ni Gng.
Sta Maria.

Mga Tanong:

1. Bakit nagpulong ang klase ni Gng. Sta. Maria?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Paano ipinakita ng mga mag-aaral ang matalinong pagpapasiya?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano-ano ang kabutihang maidudulot sa mga mag-aaral ang donasyon

sa kanila sa pangangalap ng wastong impormasyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3
4. Kung ikaw ay miyembro ng klase, ganoon din ba ng iyong magiging
pasiya? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Paano maisasabuhay ng mga mag-aaral na katulad mo ang

pagmamahal sa katotohanan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain # 2:
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salitang
pinagkukunan ng impormasyon batay sa mga sumusunod na depinisyon.

1. Isang makina o electric device na ginawa para mapabilis ang mga

gawain tulad ng pagbibilang o pagkokompyut.

RTUCMOEP = ________________________________

2. Tinatawag din na peryodiko o pahayagan.

Y D O A R IY = ________________________________

3. Pinaikling salita na international networking kung saan ginagamit ng

mga tao upang mas madaling makakuha ng mga impormasyon.

ITNERTEN = ________________________________

4. Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag ng mga

gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.

TLEESIBNOY = ________________________________

5. Isang teknolohiya na pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat

(signals) sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na
may frequency na mas mababa kay sa liwanag.

OYRAD = ________________________________

4
Gawain # 3:
Panuto: Gumawa ng tamang impormasyon batay sa poster. Maaari
kang magsaliksik sa internet o sa iba pang sanggunian.

___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA SANAYSAY

Makabuluhan ang nilalaman ----5
Magkakaugnay ang mga ideya ----5
Tamang gamit ng impormasyon ----5
Kabuuan - -15

Gawain # 4:

Panuto: Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng poster.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
Gawain # 5:
Panuto: Gumawa ng poster kung papaano makakaiwas sa COVID-19.
Sundin ang hakbang sa paggawa ng poster.

RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER

Pamantayan Deskrisiyon Puntos
Konsepto Malinaw na naipahayag ang
5
konseptong nais iparating
Paksa May pangunahing kaisipan kung
5
saan umiikot ang poster
Paliwanag Makabuluhan ang paliwanag.
Gumamit ng akma at tamang 5
salita sa poster.
Pagkamalikhain Angkop at kaaya-aya ang ginamit
na kulay, disenyo, at ang 5
pagkakasulat
Pagsunod sa mga Sumunod sa mga hakbang sa
hakbang sa paggawa paggawa ng poster. 5
ng poster
Kabuuan 25

VI. Pagsusulit
Panuto: Basahin ang sanaysay.

Katotohanan Dapat Manaig

(Constancia Paloma)

Sa ating buhay, minsan ay may dumarating na napakaraming tukso

para magtago ng katotohanan at bigyan ng kasiyahan o pabor ang sarili.
Pinagtatakpan ang mga pagkakamali upang mailigtas lamang ang sarili.

6
Subalit dahil masipag sa pagpapaalala ang ating sariling konsyensiya,
apektado pa rin tayo, gaano man kaliit ang ginawa nating pagtatago sa
katotohanan. Ang ilang pakiramdam bunga ng pagsisinungaling ay pagkalito,
takot, agam-agam, pagkagalit sa sarili at pagsisisi. Nasasaktan din tayo sa
ating pagsisinungaling kapag malapit sa ating puso ang pinagkaitan o hindi
natin nabigyan ng katotohanan. Sa isang banda, ang bunga naman ng
pagsasabi ng katotohanan ay pagkakaroon ng payapang isip at damdamin,
magaan at panatag na kalooban.

Sa gitna ng tukso sa pagtatago ng katotohanan, kinakailangang manaig

ang katotohanan. Ang pagmamahal sa katotohanan ay makatutulong sa atin
upang makapaglaan tayo ng sapat na panahon tungo sa pagbabago at maging
permanenteng bahagi ng ating pagkatao ang pagsasabi ng katotohanan sa
lahat ng pagkakataon.

A. Batay sa sanaysay, gumawa ng poster tungkol sa iyong ideya ng

pagmamahal sa katotohanan sa pagkuha ng impormasyon. Lagyan ng
pamagat ang iyong poster na gagawin.

VII. Pangwakas
Repleksyon:
Sumulat ng sanaysay na naglalaman kung paano mabibigyang halaga
ang katotohanan sa pagkuha ng impormasyon.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
VIII. Sanggunian

Larawan hinango sa google.com. Accessed on September 2020. Mga

Hakbang sa paggawa ng poster.
https://www.slideshare.net/prismabanners/steps-to-make-an-
effective-poster-12752715

Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 S.Y. 2020-

2021. Accessed on May10, 2020.
https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential-learning-
competencies_1.html

Peralta, Gloria A. EdD. At Ylarde, Zenaida R. Batayang Aklat 6. “Ugaling

Pilipino sa Makabagong Panahon” Pasig City: Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR)

Peralta, Gloria A. EdD. At Ylarde, Zenaida R. Manwal ng Guro 6. “Ugaling

Pilipino sa Makabagong Panahon” Pasig City: Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR)

8
9
Isaalang-alang
A. Isaalang-alang ang Rubriks sa
ang Rubriks sa pagwawasto.
pagwawasto.
Pagsusulit Gawain 5
1. Gawing malinaw at siguraduhing madaling basahin. Dapat maging malinaw at
eksakto ang impormasyong nais mong ibahagi. Pumili ng kulay para sa
background na hindi nakakasira sa mensahe ng iyong poster. Ang estilo ng font
ay dapat na madaling basahin. Siguraduhin ang kulay at sukat ng font ng letra
ay hindi magkakapatong-patong. Ang mga larawan at simbolo ay dapat na
nangangahulugan sa iyong gustong ibahaging mensahe.
2. Ayusin ang iyong poster upang mapabuti ang itsura nito. Kumuha ng tamang
kaalaman upang makapagbigay ng malinaw impormasyon. Pumili ng saktong
sukat at larawan batay sa laki ng mga letra. Pagsamahin ang mga salita at
larawan. Pumili ng kulay at estilo ng font na makapagbibigay ng malinaw na
mensahe. Maglaan ng espasyo para sa mga salita at larawan. Ang espasyo ay
mahalaga sa paggawa ng poster.
3. Piliin itong maging simple para madaling tandaan ng nakababasa.
Gawain 4
Isaalang-alang ang 1. Computer
Rubriks sa 2. Diyaryo
pagwawasto. 3. Internet
4. Telebisyon (Maaring
5. Radyo magkakaiba ang
sagot ng mag-aaral)
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Jamie I. Rodriguez
Patnugot: EsP LAS Pool of Writers
Ervie D. Yumul, Mary Joan C. Tayag, Ludivina B. Bauzon,
Ofelia O. Mangila
Tagasuri ng Nilalaman: Myrna M. Valencia, EdD
Myla V. Nicdao, EsP Ulong Guro-I
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas
Grupo ng Tagapaglinang: Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO V
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

10

You might also like