You are on page 1of 3

Aralin 1: Kabutihang Panlahat

Gawain 5: Awareness Campaign

Bilang isang kabataan na nakatutugon sa pangangailangan


ng pamayanan, bumuo ng infographics
na nagpapakita ng mga hakbang kung paano makatutulong upang maiwasan ang
pagkalat ng Covid-19 Virus. Ilagay ito sa bahagi ng bahay na maaaring makita at
mabasa ng lahat bilang paalala.

Maaaring gawin ito sa short bond paper, pagkatapos ay kunan ng litrato habang
nakalagay sa isang parte ng bahay.
Ang magiging grado ay naka base sa rubric.

Aralin 2: LIPUNANG POLITIKAL -


Gawain 1: Venn Diagram

Batay sa iyong naunawaan sa unang aralin, punan ang Venn Diagram ng mga
angkop na impormasyon. Sa kaliwang bahagi ng diagram, isulat ang ang naunawaan
mong konsepto ng lipunan at sa kanang bahagi naman nito ang iyong pagkakaunawa
sa salitang politika. Sa gitnang bahagi naman ay isulat ang iyong pagkakaunawa sa
salitang Lipunang Politikal.
Gawain 2: Photo Collage

1. Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan

-lumang magasin -mga larawan na may sukat na 2x2

-gunting -panulat

-malinis na papel -pandisenyo (gamit ang recycled materials)

-pandikit -pangkulay

2. Gumawa ng isang photo collage na naglalaman ng profile ng samahang iyong


kinabibilangan. Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod:

a. pamilya c. klase sa paaralan

b. barkada d. organisasyong kinaaaniban, at iba pa

3. Isulat ang kanilang mga pangalan at maaring malakip ng kanilang larawan.

4.Mahalagang maipakita sa paglalarawan kung paanong namumukod-tangi ang


bawat isa sa pangkat.

5. Tiyaking maipakikita ang pagkamalikhain sa isasagawang gawain.

6. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod:

a. Paano nakatutulong ang inyong pagkakapare-pareho sa pagiging isang

matatag na samahan?

b. Paano naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang mapanatili


ang magandang samahan?

Gawain 5:

1. Gumawa ng isang poster na magpapakita ng mga hakbang upang makamit ang


kabutihang panlahat sa pamamagitan ng maliit ngunit epektibong kakayahan na
magmumula sa iyo.

2. Idikit ito sa loob ng iyong kwarto upang madaling makita at matandaan. (Hal.:
Simula ngayon, magkukusa akong gawin ang mga bagay na sa aking palagay ay higit
na makatutulong sa aking kapwa at sa lipunan.)

Maaaring gawin ito gamit ang bond paper.


Aralin 3: Lipunang Pang-Ekonomiya
Gawain 3 :

Batay sa mga bagong kaalaman na natutunan mo, ano ang pagkakaiba ng


pantay sa patas? Anong konsepto ang maaari mong mabuo gamit ang larawan sa
ibaba?
Ilagay sa iyong kwaderno ang iyong sagot.

Gawain 5:
 
Gamit ang bond paper, bumuo ng isang maikling dokumentaryo na
magtataya ng lipunang ekonomiya sa iyong barangay na kinabibilangan.
Marapat na
mailagay sa dokumentaryo ang mga sumusunod na konsepto:

1.  Proyekto ng barangay na nailunsad.


2.  Layunin ng proyektong ito.
3.  Naging bunga ng pagsasagawa ng proyektong ito

You might also like