You are on page 1of 1

Mahal na G.

Villarubia:
(2 ESPASYO)
Isang pagbati!
Nabasa ko po sa websayt na jobstreet.com.ph na nangangailangan ang inyong paaralan ng isang guro sa
preschool. Ninanais ko pong mapabilang na isa sa inyong mga aplikante sa nabanggit na posisyon.
Bilang isang nagtapos sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, at
pamilyar sa aking sariling kakayahan, ang tungkuling ito at hanay ng mga kasanayan ay hinihingi ko pong inyong
ipaubaya sa akin. Batid ko po na tinataglay ko po ang mga hinahanap ng inyong paaralan para sa nabanggit na
posisyon. Kung mamarapatin ninyo pong ipagkaloon saakin ang trabahong ito, upang maipakita ko sainyo ang
aking angking dedikasyon at kakayahan.
Tiyak ko pong maipapakita ko sa inyo ang aking kasanayan sa pagtuturo at pangangasiwa sa mga bata. Para po sa
akin, ang aking edukasyon, kasanayan, at karanasan ay sapat para sa inyong kinakailangan at tingin ko po na ang
aking talent ay maaari pong makatulong sa inyong kumpanya.
[sanggunian]
Kalakip po sa liham na ito ang aking curriculum vitae. Handa po akong dumalo sa isang interbyu sa oras na
konbiyente sa inyo. Mangyaring makipag-ugnayan na lamang po kayo sa akin sa oras po na inyong itatakda.
Umaasa po ako na mabibigyan ninyo ng atensyon ang aking liham at masaya ko pong aabangan ang sandaling
makatanggap po ako ng balita galing sainyo.
Matapat na sumasainyo,

Nagtapos po ako ng kursong noong March 27, 2022. Naging student assistant po ako sa computer laboratory ng
aming paaralan. Bilang student assistant, nalinang po ang aking kasanayan sa ibat ibang gawain tulad ng
computer trouble shooting, networking, web designing at nang mahusay na pakikitungo sa tao.
Pagkatapus na pagkatapos ko po ng kursong Computer Science ay agad akong natanggap sa IBM, Philippines kung
saan ako ay naglingkod bilang Web Page Designer/Developer. Ikinararangal ko pong sabihin na ang aking
paglilingkod sa IBM, Philippines ay higit na nagpaunlad ng aking kaalaman, kakayahan at mga karanasan sa
larangan ng Web Page Designing at Development.
Bunga ng aking mga karanasan at kwalipikasyon, naniniwala po akong malaki ang aking maibabahagi sa lalong
ikauunlad ng inyong kompanya.
Para sa mga iba pang imformasyong nais ninyong mabatid tungkol sa aking katauhan at kakayahan ay maaari po
kayong sumangguni sa resume na kalakip ng aking liham.
Umaasa po ako na inyong tatawagan sa lalong madaling panahon para sa personal na intervyu at mabigyan ng
pagkakataong maipamalas ang aking kakayahan.
Maaari po ninyo akong tawagan gamit ang numerong 09183359980 o kaya ay sulatan sa 485 Coral St. Don Bosco
Compound, Tayuman, Maynila o sa e-mail address na ian_miguel@yahoo.com.
(2 ESPASYO)
Matapat na sumasainyo,
(4 ESPASYO)
Michaela Micole M. Derelo

You might also like