You are on page 1of 1

Pebrero 22, 2021

GNG. CHRISTINE FAJARDO


Human Resources Department
STI College Baguio – Baguio City, Philippines

Mahal na Ginang Fajardo:

Maligayang pagbati!

Sumusulat ako sa inyo upang isumite ang aking aplikasyon para sa STI Academic
Excellence Scholarship. Sa kasalukuyan, ako’y isang Senior High na mag-aaral mula
sa Al Taj International School, Riyadh, KSA. Kalakip sa liham na ito ang isang kopya
ng aking mga marka sa unang semestre para sa inyong konsiderasyon. Kalakip din
ang isang kopya ng aking mga marka sa high school bilang patunay ng aking
kasipagan sa aking pag-aaral.

Isa ako sa mga nangungunang mag-aaral sa aking pangkat at sa kabuoan ng aking


pag-aaral. Naging aktibong miyembro rin ako ng mga organisasyon sa aking paaralan.
Naniniwala ako na ako’y karapat-dapat na mapili dahil alam ko sa aking sarili na ako’y
isang masipag na mag-aaral at nagagawa ko ang lahat sa pinakamahusay na paraan
na aking maibibigay.
Interesado ako sa kursong Computer Science at ang inyong paaralan ay isa sa mga
pinakamahusay sa paghawak ng kursong ito. Ang pagiging isang mag-aaral sa inyong
paaralan na nakapasok sa pamamagitan ng scholarship ay isa sa mga nais kong
maipagmalaki.
Salamat sa inyong oras at konsiderasyon. Kung nangangailan kayo ng karagdagang
impormasyon tungkol sa aking aplikasyon, maari niyo akong tawagan sa aking selfon
number 0537-133-082 o kaya magpadala ng mensahe sa aking email address
jomdao24@gmail.com. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong oras sa pagbabasa
ng aking aplikasyon. Nawa ay magkaroon ito ng positibong tugon mula sa inyo.
Pagpalain tayong lahat ng Diyos.

Lubos na gumagalang,

Jomanah C. Dao

You might also like