You are on page 1of 1

Sa unang materyal, makikita ang pang-aabusong ginawa ng ama sa

kanyang mga anak at asawa. Pumasok din sa isipan ko kung bakit hindi na lang
iwan ng nanay ang kanyang asawa dahil sa maling pagtrato sa kanila ng anak
niya. Nakakaawang isipin na natitiis pa ng nanay ang pananakit ng kaniyang
asawa sa kaniya at sa kanilang anak. Pero kung titignan mo sa ibang pananaw,
wala silang pagpipilian nang dahil sa kahirapan. Isa sa mga rason kung bakit
marami pa rin ang mahihirap ay dahil sa kakulangan ng edukasyon. Laganap
ang ganitong sitwasyon sa Pilipinas. Kung mabibigyang-pansin ng
administrasyon ang ganitong problema, tiyak na matutulungan silang
makaahon sa kahirapan.

Sa pangalawang materyal, makikita ang isang menor de edad na pineke


ang kanyang edad upang makapagtrabaho sa ibang bansa para matustusan
ang pangangailan ng kanyang pamilya. Ito ay ilegal ngunit kinakailangang
gawin para sa pamilya. Imbis na mag-aral ay naisipan na lang niyang mag-
ibang bansa upang makatulong sa pamilya. Dito makikita ang mahinang
kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, kung bakit maraming Pilipino ang
nangingibang bansa--at dahil kulang at mababa ang sahod doon. Mas pipiliin
na lang ng iba na mawalay sa kanilang pamilya per naibibigay at natutustusan
ang kanilang pangangailangan imbis na tumira sa Pilipinas at tiisin ang
mababang sahod na baka hindi pa sapat para buong pamilya.

You might also like