You are on page 1of 1

7863 Al Harith Ibn Al Habbab, Ad Dhubbat

Riyadh, KSA
Pebrero 23, 2021

G. JULIUS BULAONG
Titser sa Personal Development
Al Taj International School
Sulaimaniyah Street, Riyadh, KSA

Mahal na Ginoong Bulaong:

Magandang araw po Ginoo! Ako po si Jomanah C. Dao mula sa Grade 11 – Alpha na


mag-aaral sa inyong asignaturang Personal Development. Humihingi po ako ng
paumanhin sapagkat ako po ay liliban sa inyong klase mula Pebrero 24–25. Ang
dahilan po nito ay inimbitahan po kaming pamilya ng dating kaklase ng aking ina na
mag-Dubai para sa kanilang reunion. Humihingi po ako ng pag-unawa at
konsiderasyon sa pagliban ko ng dalawang araw.

Kung mayroon man po akong napalampas na mga aktibidad at pagsusulit, maari niyo
po ba akong bigyan ng pagkakataon na makuha at masagutan sila sa susunod na
linggo? Nais ko rin po kasing habulin ang mga napalampas kong mga aktibidad.
Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon. Muli, ako po ay humihingi ng
paumanhin sa pagliban sa inyong klase. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong
oras sa pagbabasa ng liham na ito. Maraming salamat po uli at pagpalain tayong lahat
ng Diyos.

Sumasainyo,
Jomanah C. Dao

You might also like