You are on page 1of 1

WRITTEN

REPORT
SUBMITTED BY: GROUP 5 (RIZAL)
SUBMITTED TO: MRS. MARY ANN
VILLAFUERTE

BLUE COLLAR JOB


1. Magandang araw po sa inyo, maari po bang malaman ang inyong pangalan, pati na rin ang inyong
kurso?

Ako si Maisie Trixy S. Calabia, grumaduate ng Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics sa
CCC at Master of Arts in Education Major in Mathematics sa LSPU.

2. Maraming salamat po sa pagtugon sa unang katanungan. Ano naman po ang nagtulak sa inyo o naging
motibasyon upang piliin ang trabahong inyong pinasok?

Napili ko ang propesiyon ng pagtuturo dahil nakikita ko sa sarili ko na ito yung passion ko. Nung bata kasi
kami, kapag nagtteacher-teacheran kami, ako yung teacher, nadala ko siya hanggang sa paglaki ko. Pero,
gusto ko talagang matulungan ang mga bata, gusto kong i-angat yung kaalaman nila at maging bahagi ng
tagumpay nila sa mga susunod na panahon.

3. Ano-ano naman po ang mga hamon na inyong kinaharap na nagsilbing tungtungan niyo upang inyong
maipakita ang kahalagahan sa paggawa?

Sa totoo lang, itong propesiyon namin, hindi siya madali. Nakakapagod, mahirap, at ang nakikita ko
talagang hamon ay marami pang bata ang left-behind. Marami pang nahihirapan sa mga basic math. Dahil
dito, kailangan mo ng extra effort na bilang guro, gagawin ko ang lahat para mai-angat yung kaalaman
niya at hindi ko hahayaan na andon lang siya sa level na yon.

4. Ano naman po sa inyong palagay ang talagang layunin kung bakit nagtatrabaho ang tao?

Syempre, bukod sa pinakangdahilan ay ang kumita ng pera para matustusan ang pang-araw-araw na
pangangailangan, marami pang ibang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang isang tao. Una, para ma-
improve yung talents and skills mo. Pangalawa, para ma-ishare mo yung knowledge at kakayahang meron
ka. Pangatlo, para matulngan mo ang mga estudyante pati na rin ang sarili mo. Kasi sa propesiyong ito,
hindi lamang mga bata ang natututo. Pati kaming mga guro natututo rin kami sa kanila.

You might also like