You are on page 1of 1

Gng. Shirley R.

Alcantara
Human Resource Manager
JBW Managed Services and Consulting Corporation
3rd floor Pointwest, UP-AyalaLand TechnoHub Quezon City

19 Rose Street, Holy Spirit


Quezon City, Metro Manila
Disyembre 14, 2022

Gng. Alcantara:

Isang mapag-palang araw, nabasa ko po ang inyong anunsyo sa Trabahanap noong Nobyembre 18,2024
na nangangailangan kayo ng isang Accounting Clerk sa inyong kompanya. Ako po ay sumusulat sa inyo
dahil nababatid kong pasok ang aking mga katangian sa mga hinahanap niyo. Nais ko sanang isumite
ang aking aplikasyon sapagkat ako’y mag-aaply sa naturang trabaho.

Ako po ay isang dalaga, dalawampu’t isang taong gulang at nagtapos ng aking kolehiyo sa National
College of Business and Arts sa kursong Bachelor of Science in Accountancy noong ika-Abril 15, 2024.
Ako po ay masipag, matiyaga at marunong makihalubilo sa kapwa. Isa pa sa aking katangian ay ang
pagiging responsable sa lahat ng bagay na iniaatas saakin. Matitiyak ko po na magagampanan ko ang
mga gawain at trabaho sa inyong kompanya upang maging isang kapaki-pakinanang na empleyado.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume na naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa aking
pagkatao at mga katangian na magsisilbing basehan ng inyong pag-eebaluweyt sa akin upang maging
kwalipikado.

Handa akong magtungo sa inyong opisina para sa isang personal na panayam at para mapatunayan ko
ang aking sarili at ang hangarin na matanggap sa posisyon na inyong hinahanap. Ipabatid niyo nalang po
saakin ang mga detalye kung anong oras at petsa ang inyong nanaisin.

Sumasainyo,

Shane Ivory D. Claudio

You might also like