You are on page 1of 1

Setyembre 23, 2028

GNG. VICTORIA R. LOPEZ


Clinic Manager
Prescription Psychiatrists and Psychologists
Makati, Metro Manila, Philippines

Mahal na Gng. Lopez:

Nabasa ko po sa inyong facebook page petsang Setyembre 21, 2028, na nangangailangan ng


isang Sikologo ang inyong klinika. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon
na iyong hinahanap at kinakailangan ay aking tinataglay, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sa
nasabing posisyon o trabaho.

Ako po ay isang dalaga, dalawampu’t anim na taong gulang, at nagtapos po ako ng tersiyaryo sa
Unibersidad ng Pilipinas- Diliman noong 2024 bilang Summa Cum Laude sa kursong Batsilyer
ng Agham sa Sikolohiya. Ako po’y masipag, maunawain, responsable, mapagkakatiwalaan at
marunong makihalubilo sa kapwa. Sa katunayan ako po ay mayroon ng mga karanasan sa mga
trabahong maiuugnay sa posisyong Sikologo gaya ng pagiging isang Counselor.

Dahil sa mga trabahong aking naranasan ay marami ang nadagdag sa aking kaalaman at
nakatulong ito sa akin upang malinang at mahasa pa ang aking mga kakayahan. Sa bawat
kompanyang aking pagtratrabahuhan ay hindi lamang ang aking sariling pag-unlad ang aking
iniisip. Sapagkat layunin ko rin ang makatulong sa pag-unlad at pagpapabuti ng kompanya at ng
aking mga makakasalamuha sa aking pagtratrabaho. Bunga ng aking mga karanasan at kaalaman,
naniniwala ako na ako’y magiging isang produktibo at epektibong Sikologo na makakatulong at
handing magsilbi sa inyong klinika.

Kalakip ng liham na ito ay ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan
para sa isang panayam, na naaayon sa petsa at oras na inyong nanaisin.

Maraming salamat!

Sumasainyo,

RITCHELLE MAVERICK R. GAYAC


Aplikante

You might also like