You are on page 1of 4

Olo-olo Norte, Santiago

Ilocos Sur, 2707


Ika-23 ng Oktubre 2029
Emilio S. Torres
Human Resource Officer
Sino-Phil Economic Exchange Center Inc.
Unit 3A,3/F Corinthian Plaza
Paseo de Roxas, Makati City

Kagalang-galang na Ginoong Torres,


Pagbati!

Ako po si Heide J. Palma na nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa


Saint Louis University, Baguio City sa taong 2026. Samakatuwid ay nakapasa din ako sa Board
Examination at isa na akong Certified Public Accountant. Mayroon na din po akong tatlong
taong eksperiyensa sa pagtatrabaho sa banko.

Nais ko pong mag-apply sa inyong kompanya bilang isang accountant. Makakasiguro po


kayong mapangangalagaan ng mabuti ang perang dadating at mahahawakan para sa ikakaunlad
ng buong kompanya. Ako po yung taong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay dahil isinasapuso
ko ang pagiging tapat sa trabaho. Malugod ko pong tatanggapin lahat ng trabahong inyong iaatas
sa akin.

Maraming salamat po sa inyong pagtugon.


Lubos na sumasainyo,

HEIDE J. PALMA
HEIDE J. PALMA
Olo-olo Norte, Santiago, Ilocos Sur
0936-7273-896
heidejpalma2016@gmail.com

LAYUNIN

Mapahusay ang aking mga kasanayan sa larangan ng kursong Accountancy sa pamamagitan ng


pagtatrabaho sa isang kompanyang kilala at maaasahan na makakatulong sa akin na paghusayin
ang aking propesyon para mapabilang sa isa sa mga magagaling na accountant sa ating bansa.
PERSONAL NA DATA
Petsa ng Kaarawan: December 20, 2001
Edad: 27 years old
Kasarian: Female
Pagkamamamayan: Filipino
Relihiyon: Roman catholic
Katayuan sa sibil: Single
Taas: 5’7”
Timbang: 48 kgs.
Wika/Dayalektong ginagamit: English, Filipino, Ilocano

EDUKASYON
Bachelor of Science in Accountancy
Major in Financial Management
Saint Louis University
Baguio City
May 2026

Santiago Catholic School


Santiago, Ilocos Sur
April 2020

Olo-olo Elementary School


Santiago, Ilocos Sur
March 2015

NATANGGAP NA PARANGAL
Cum Laude
Dean’s Lister

With Honors
Deportment Awardee
Co-curricular Awardee
With Honors
Best in Mathematics

MGA DINALUHANG SEMINARS AT TRAININGS


Saint Louis University – Annual Accounting Students Convergence
Tema: Updated and Advancements in the Accountancy Profession (UAAP)
Petsa: January 30, 2025

Review, Exercises, Drills, and Simulations (REDS) School of Business Administration


And Accountancy JPIA
Lugar: Saint Louis University Baguio
Petsa: December 20, 2025

On-the-Job-Training
Lugar: Landbank of the Philippines, Baguio City
Petsa: February 16, 2024

CPA Summer Review 2026 (Seminar on Income and Business Taxation)


Venue: Saint Louis University
Petsa: May 8, 2026

ORGANISASYON

Miyembro
Philippines Institute of public Accountant
2023- kasalukuyan

Miyembro
Junior Philippine Institute of Accountants, Saint louis University Baguio Chapter
2020-2026

MGA KASANAYAN
Magaling sa paggawa ng mga presentasyon
Magaling sa pagbuo ng mabisang plano
Magaling sa pagdidisenyo

Sa pamamagitan ng mga impormasyon na nakalahad sa itaas, pinapatutuhanan ko na ang


lahat ng impormasyon na nakatala ay totoo at tama sa abot ng aking kaalaman at paniniwala.

__________________
Lagda
Olo-olo Norte, Santiago
Ilocos Sur, 2707
Ika-30 ng Oktubre 2029

Emilio S. Torres
Human Resource Officer
Sino-Phil Economic Exchange Center Inc.
Unit 3A,3/F Corinthian Plaza
Paseo de Roxas, Makati City

Mahal na Ginoong Torres,

Maligayang pagbati!

Ako po si Heide J. Palma na nag-apply bilang accountant sa inyong kompanya. Ako po


ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa akin bilang parte ng inyong kompanya.
Gagawin ko po lahat nang aking makakaya upang magawa ang trabahong iaatas sa akin.

Gaya nga po nang aking nakarang liham malugod ko pong tatanggapin ang lahat ng
ibibigay niyong trabaho. Nakasisiguro po kayo na bawat gawain na inyong ipapagawa sa akin ay
matatapos sa takda nitong oras at maayos. Papahalagahan ko po ang aking mga kasamahan sa
loob ng opisina sa pamamagitan ng pagtulong at pag-unawa sa kanila.

Maraming salamat po sa pagtanggap at pagpalain kayo ng Panginoon.

Lubos na gumagalang,

HEIDE J. PALMA

You might also like