You are on page 1of 5

15 Hulyo 2019

Bb. Rose Anne Yu


(Manager Arm 2 ng Jolibee)
Ayala Malls Clover leaf, Quezon City

Mahal na Bb. Yu:


Sumainyo ang Kapayapaan! Nabasa ko po sa inyong facebook page na kayo ay naghahanap ng
isang tagasuri na OJT at bilang isang mag-aaral ng Accountancy, Business and Management
mula sa ______________________________, pamilyar poi to sa aking kakayanan. Batid ko
pong tinataglay ko ang mga hinahanap niyong kwalipikasyon para sa naturang posisyon, hindi po
kayo magsisisi kung inyong ipapaubaya sakin ang naturang trabaho dahil ako po’y masipag,
matiyaga at dedikadong tao pag dating sa trabaho.
Ipapakita ko po ng buong husay ang aking kasanayan sa pagsusuri at analitikal na kahusayan.
Tingin ko po na ang aking talent at kasanayan na maaaring makatulong sa paglago ng inyong
kompanya.
Handa po akong dumalo sa isang interbyu sa oras na konbinyente sa inyo. Maaaring makipag-
ugnayan na lamang po kayo sa akin sa oras na inyong itinakda.
Umaasa po akong mapansin ninyo ang aking sulat at masaya ko pong aabangan ang sandaling
makarinig po ako ng balita galling sainyo.
Lubos na Gumagalang,

_____________________
(Aplikante)
15 Hulyo 2019

Bb. Arylyn O. Pangatungan


HR Manager
Mcdonald’s Food Corporation
Gagalangin St. Tundo, Manila

Mahal na Bb. Pangatungan:

Magandang Araw Po!


Nabasa ko po sa inyong website ang anunsyo na nangangailangan ng karagdagang cashier sa
inyong kompanya na Mcdonald’s. Ako po ay interesado sa inyong anunsyo dahil gagamitin ko po
ang aking kaalaman at karanasan sa aming paaralan.
Nais ko pong mag OJT sa inyo ng dalawang linggo upang mas mapa-unlad ang aking kakayahan
sa pagiging cashier sa inyong kompanya. Bukod doon, may kaalam din po ako sa paggamit ng
Microsoft Office at Photoshop na baka ito’y makatutulong sa inyo bilang isang manager ng
kompanya.
Sana’y ang liham na ito ay makarating sa inyo at mabigyan ako ng opportunidad na maging
cashier ng dalawang linggo sa inyong kompanya. Gagawin ko po ang aking mga responsibilidad
at makatulong sa inyong kompanya.
Lubos na Gumagalang,
Mohammad Divan R. H.Omar
(Aplikante)
15 Hulyo 2019

Bb. Mary Farr


Manager
Philippine First Insurance Company, Inc.
Ayala, Makati

Mahal na Bb. Farr:

Magandang Araw Po!


Napag-alaman ko po sa inyong Booklet Jobs in Manila na ang inyong kompanya ay
nangagailangan ng isang accountant at bilang isang estudyante ng ABM (Accountancy, Business
and Management) pamilyar na sa aking sariling kakayanan, ang tungkuling ito ay hinihiling ko
pong inyong ipaubaya sa akin. Batid ko po na tinataglay ko ang mga hinahanap ng inyong
kompanya para sa nabanggit na posisyon. Kung mamarapatin ito maipapakita ko ang aking
dedikasyon dahil ito ay aking pangarap at kakayahan upang gampanan ang aking tungkulin.
Lubos kong ipapakita ang aking kahusayan dahil sa tingin ko po na ang aking pagkahilig sa
pagtratransak ng report at ang aking napag-aralan ay may malaking maitutulong sa inyong
kompanya. Naniniwala ako na sa aking naranasan, pagkahilig at natutunan ay sapat upang
kwalipikado sa posisyon.
Kalakip po ng aking liham ang aking resume para sa inyong konsiderasyon. Umaasa po ako na
inyong mapapansin ang aking sulat at magiting at buong puso kong tatanggapin ano man ang
inyong maging desisyon.
Lubos na Gumagalang,
Euneze Gem S. Lucas
(Aplikante)

You might also like