You are on page 1of 1

BIONOTE

Si Mary Abigail D. Soliva ay kasalukuyang nag-aaral sa Caraga


State University bilang isang Grade 12 STEM na estudyanteng puno
ng responsibilidad, kasipagan, at lakas ng loob. Isa siyang dating mag-
aaral sa Agusan National High School, na napabilang sa STE
Curriculum, na nakakuha ng With High Honor na marka. Siya ay
hinahangaan ng karamihan sapagkat siya’y may magandang kalooban
gaya ng pagiging matulungin, maunawain, at mabait sa kaniyang
kapwa estudyante. Dahil dito, siya’y nanalo bilang isang Presidente sa
kanilang seksyon sa unang araw ng pasukan, at ang kapwa mag-aaral
niya’y ginabayan.
Nang dumating ang panahon sa pagpili ng kanilang representative para sa Central Student
Government (CSG) ng CSU-SHS ay siya’y tumakbo bilang isang presidente na handang gawin
ang lahat para sa ikabubuti ng iba. Sa kabutihang palad ay siya’y nanalo sa posisyong presidente
ng CSG dahil nakuha niya ang loob ng karamihan at nakita nilang may potensyal ito sa
pamumuno. Hindi naman niya nabigyan ng huwad na pag-asa ang mga tao sa kanilang paaralan
sapagkat nagagawa niya ito ng tama at maganda ang bawat aktibidad at mga kaganapan sa loob.
Dahil dito, ang kaniyang mga gawa bilang isang mabuting mamumuno ay nabigyang-pansin sa
ibang tao, bukod sa CSU, at inimbitahan itong maging isang spokesperson sa TUDLO BXU. Sa
podcast na ito ay isinalaysay rin niya kung ano nga ba ang mga katangian na dapat taglayin ng
isang lider.
Bukod sa pagkakasangkot niya sa mga kaganapang ito ay hindi niya napapabayaan ang
kaniyang pag-aaral. Siya ay napabilang sa dean’s list ng kanilang paaralan noong Grade 11 pa
lamang. Kinuha rin niya ang STEM na strand dahil sa kaniyang planong maging isang Nurse sa
hinaharap. Sinabi rin niyang naging inspirasyon niya ang kaniyang pamilya, kaibigan at ang
Panginoong maykapal para maipagpatuloy ang gustong landas na makatulong sa kaniyang
kapwa.

Ipinasa ni: Jasper Lloyd S. Mission


12 – St. Ezekiel Moreno
Ipinasa kay:

You might also like