You are on page 1of 1

extong Nanghihikayat o Persweysiv -Layunin ng textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang

mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga
mambabasa na pumanig sa manunulat.
Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa •Mga pangangatwirang hahantong sa isang lohikal
na konklusyon
Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na maging kapani-paniwala at may
kredibilidad ang paglalahad

Ilang halimbawa: Mga patalastas Talumpati

Mga Elemento ng Tekstong Nanghihikayat Ayon kay Pilosopong Aristotle, may tatlong (3) elemento ang
panghihikayat; Ethos- ang karakter,imahe,o reputasyon ng manunulat/tagapagsalita -hango sa salitang Griyego na
nauugnay sa salitang Etika ngunit higit na angkop ngayon sa salitang Imahe. -Ang Ethos ang magpapasya kung
kapani- paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang Tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.

Logos- ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita Salitang Griyego na Logos


ay tumutukoy sa pangangatwiran na nangangahulugang nanghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman o
may katwiran ba ang sinasabi upang mahikayat ang mga tagapakinig kung ito ba ay totoo.

Pathos-emosyon ng mambabasa/ tagapakinig .Ito ay tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o


tagapakinig.

You might also like