You are on page 1of 10

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

• KAHALAGAHAN NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO


• DALAWANG (2) URI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
• MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG SA PAGSULAT NG ISANG ARGUMENTO
Ano ang kahalagahan ng tekstong
argumentatibo?

 ito ay nagpapahayag ng katwiran o nagpapakita ng tunggalian at pahiwatig. Ito ay


batay na rin sa katotohanan o lohika. Madalas ginagamit ito sa isang paksang may
pumapabor at hindi pabor. Binibigyan nila nito ng tamang katwiran base na rin sa
kanilang nasaliksik, o di kaya mula sa sariling karanasan bilang isang ebidensiya.
 Ito ay naglalayong mapatunayan ang katotohanang nais ipahayag sa mga
mamababasa. Naglalahad ito ng proposisyon na nangangailangan na
pagdiskusyunan o pakakaroon ng pagtatalo  base sa nais na patunayan sa teksto.
DALAWANG URI NG TEKSTONG
ARGUMENTATIV

 PUNA
kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay, at mga ideya sa
pansariling pag-iisip, paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga.
 SAYANTIFIK
kung ito ay nag-uugnay sa mga konsep sa isang tiyak na sistema ng
karunungan at pag-iisip upang ang kinalabasang proposisyon ay ma-
verify.
MGA HALIMBAWA
NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
 Debate    - karaniwan na nating nasasaksihan ito nitong nakaang halalan
mula sa mga  kandidato.
 Editoryal- nakikita ito sa mga dyaryo, magsin at mga babasahin.
 Balagtasan- ito ay pagpapaplitan ng opinyon at kuru-kuro ng dalawang
panig na magkaiba ang opinyon ssa isang tema. Nagmula eto sa pangalan
ni Franciso Balagtas
 Fliptop -isa itong palitan ng mensahe na idiadaan sa RAP sa kasalukuyang
panahon.
MALING URI NG PANGANGATWIRAN
(Fallacies of Reasoning)
 1. ARGUMENTUM DE HOMINEM -isang nakakahiyang pag-atake sa personal na
katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay.
 2. ARGUMENTUM AD BACULUM -pwersa o awtoridad ang gamif upang maiwasan ang
isyu at tuloy maiplano ang argument.
 3.ARGUMENTUM AD MISCORDIAM -upang makamit ang awa at pagkampi ng mga
nakikinig/bumabasa, ginagamit ifo sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa
damdamin at kaisipan
 4. NON-SEQUITOR -sa ingles ay ibig sabihin ay IT DOESN'T FOLLOW. Pagbibigay ito
ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
 5. IGNORATIO ELENCHI -gamitin ito sa mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya.
Ito ay kilala sa ingles na circular reasoning o paligoy-ligoy kaya walang patutunguhan.
 6. MALING PAGLALAHATdahil lamang sa ilang sistema, sitwasyon nagbibigay na agad
ng isang konklyusong sumasaklaw sa pangkalahatan.
 7. MALING PAGHAHAMBING -karaniwang tinatawag na usapang lasing ang ganitong
uri sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit hindi naman sumasala sa matinong
konklusyon.
 8. MALING SALIGAN -nagsisimula sa maling akala na syang naging batayan.
Ipagpatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran.
 9. DILEMMA -naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon
lamang at wala nang iba pang alternatibo.
 10. MALING AWTORIDAD -naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa
isyung kasangkot.
 11. ARGUMENTUM AD IGNORANTIAM (Bandwagon Fallacy) -ito ay nagpapalagay na
hindi totoo ang anumang napatutunayan kaya totoo ang anumang hindi
napagsisinungalingan, tinanggap ang argumento, sapagkat madami ang sumangayon.
 12. STRAW MAN FALLACY -binago ang pagkakasabi ng isang tao para mas mabilis
umatake.

You might also like