You are on page 1of 2

A ng paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay

nangangahulugan rig pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga


pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag.
Maaaring ang mga pahayag ay naipapamalas sa ugnayan ng
dalawa o higit pang taong nag-uusap. Maaaring magpahayag din
nang mag-isa, gaya sa mga interbyu, talumpati, o pagkukuwento.
Samakatuwid, ang mataas na kasanayan sa wika rig isang tao ay
pina-tutunayan din sa kaniyang kapasidad na makilahok sa mga
kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo.

Ano ang Kakayahang Diskorsal?


Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso  ay
nangangahulugan ng “pag-uusap at palitan ng kuro” (2010). Mula
rito, mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa
kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika. 

Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay


ang kakayahang tekstuwal  at ang kakayahang retorikal .
Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng ibang teksto gaya ng mga
akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba
pang pasulat na komunikasyon. Sa kabilang bands, ang
kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang
indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang
kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at
makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.

Kung ang isang bisita sa programang pantelebisyon ay sumasagot


lamang nang paisa-isang salita sa mga tanong ng tagapanayam,
mahuhusgahan siyang mahina sa kakayahang diskorsal, partikular
sa kakayahang retorikal, at malamang ay hindi na muling
maimbitahan. Gayundin naman, ang isang taong hindi binibigyan
ng pagkakataon ang iba na magsalita o palagiang nagpapahayag
hinggil sa paksang taliwas sa pinag-uusapan ay masasabi ring may
suliranin sa ganitong kakayahan. Ayon kay Grice (1957, 1975; sipi
kay Hoff 2001), may dalawang batayang panuntunan sa
pakikipagtalastasan. Ang unang tuntunin ay ang pagkilala sa
pagpapalitan ng pahayag . Ang ikalawa naman ay
ang pakikiisa , na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa
kantidad, kalidad, relasyon, at paraan ng kumbersasyon:

Panuntunan sa Kumbersasyon (Grice


1957, 1975)
Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang
sangkap sa paglikha ng mga pahayag
ang kaugnayan  at kaisahan . Ang kaugnayan ay tumutukoy sa
kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o
pahayag sa paraang pasalita o pasulat. Tingnan ang halimbawa:

A: Ang kalat naman dito!


B: Aayusin ko lang ang mga libro.

Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o


leksikal ang mga pahayag. Gayunman, ang palitan ng pahayag ay
may kaugnayan dahil naunawaan ni B ang pagkadismaya ni A at
mula rito ay tumugon nang nararapat.

You might also like