You are on page 1of 2

ACTIVITY PROPOSAL SA SIKOLOHIYANG PILIPINO

GROUP 2

Pamagat ng Aktibidad:

GAME SHOW: SAYK TRI EY, HANDA KA NA BA?

Rationale ng Aktibidad:

Hindi maikakaila na simula nang umusbong ang mga game shows sa Pilipinas ay talaga
namang tinangkilik agad ito ng masa dahil sa marami ang naaabot ng telebisyon ukol rito.
Hanggang sa ngayon na patuloy ang paglago ng teknolohiya ay mas marami lalo ang
tumatangkilik rito. Kung kaya’t napakaraming uri ng game shows ang umusbong sa bansa na
mayroong iba’t-ibang obhektibo, aspeto, paraan, layunin at talaga namang ginagamitan ng
stratehiya mapa mental man o pisikal na kakayahan ng isang manlalaro o kalahok para manalo
sa isang paligsahan o game show.
Sa aktibidad na ito, masusubok ang kaalaman ng mga kalahok batay sa mga tanong na
ibabahagi ng host, mas mapapausig nila dito ang kanilang ideya sa mga sa nasabing topic.
Mailalahad sa bawat round ang talino at husay ng mga kalahok kung gaano kalawak ang
kaaalaman sa Sikolohiyang Pilipino. Isama pa rito ang saya na hatid ng pagtuklas sa mga
kasagutan at pagpapatatag ng kaalaman.

Layunin ng Aktibidad:

1. Maghayag ng mga impormasyon na makakatulong sa pagpalawig ng kaalaman sa


Sikolohiyang Pilipino.

2. Malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa Sikolohiyang Pilipino.

3. Mailabas ang bilis ng isip, pagiging malikhain sa pagsagot ng mga katanungan at


mapatatag ang kalooban ng bawat estudyante na lalahok upang manatili hanggang sa
dulo ng laro.

Alituntunin ng Aktibidad:

Mga kailangan upang makasali sa laro:

 Laptop, computer, tablet o cellphone


 Mobile data o Internet Wi-Fi
Proseso ng laro:

1. Pindutin ang link at i-type ang code na ibibigay.

2. I-type ang pangalan at hintayin ang signal ng host para sa pagsisimula ng laro.

3. Pindutin ang sa tingin mong tamang sagot patungkol sa Sikolohiyang Pilipino sa loob ng
nakalaang oras.

4. Sagutin ng tama ang mga tanong upang magkaroon ng puntos.

5. Kung sino ang may pinakamataas na puntos ang siyang mananalo at makakatanggap
ng papremyo.

You might also like