You are on page 1of 29

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 1

Kabanata 1

SULIRANIN AT KAILIGIRAN

Sa kabanatang ito, nagbigay ang mananaliksik ng pagpapaliwanag tungkol sa paksang

sasaliksikin. Inilahad din ang suliranin at latyunin ng pag-aaral na isinagawa, bakit ito ang

napiling saliksikin, kahalagahan ng pag-aaral, kaligirang pangkasaysayan na mayroon sa paksa,

saklaw at li itasyon, balangkas teoretikal at katuturan ng mga salitang ginamit bilang batayan

ng pag-aaral at inaasahang kahihinatnan nito.

Panimula

Ang Wika sa pinakamagandang bihis nito ay maraming tinutugayggay na larang. Sa

larangan man ito ng pang Akademiko, pang Komunikasyon o sa larangan ng mga nauusong

Online Games sa panahon ngayon. Gamit na gamit ang wika, lalo na sa kagustuhan ng bawat

isa na makapagpalitan sila ng mga salitang maypakinabang sa kanilang komuidad na

kinabibilangan. Kaya naman, hindi natin maitatangi na ang wika ay isang behikulong

instrumento sa prosesong ating pinagdadaanan sa ating pagkatutuo. Lalo na sa panahon

ngayon na nagsulputan na ibat-ibang instrumento na hindi lamang nagtuturo ng pang-

Akademikong larang. Subalit nagbibigay daan sa pagpapalaganap ng makataong

pakiki-pagunayan sa bawat isa.

Sa panahon ngayon marami ng nauusong mga Online Games. Kung saaan ang

kalimitan ng mga naglalaro ay kabataan. Sa paglalaro nila nito ay nagkakaroon sila ng isang

espsayo kung saan limot nila nag mga nagyayri sa pangkatotohanang aspeto ng pamumuhay.

Hindi maitatanging sa paglalro nila ng mga Online Games na ito ay nabibihisan sila ng bisang

tinataglay nito. Ngunit sa kabilang banda naman ang nagdudulot ang kanilang paglalaro ng
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 2

labis na pagkahumaling sa proseso ng pagkakabuo at pakikipagugnayan sa iisang dimension

lamang. At dito papasok ang pagkaekabuo ng kanilang mga sariling kultura, paniniwala, at

higit sa lahat ang wikang gingamit nila upang sila ay magkaintindihan. Ang wikang ito ay

masasabing instumento dahil ang wikang kanilang ginagamit ay nabubuo ang isang kultura na

kung saan nagkakaroon sila ng iisang layunin. Iisang pangarap na mapabuti ang kanilang

komunidad na kinabibilangan. Iyan naman talaga ang mithiin ng bawat komunidad lalo

na sa panahong binabalot ng pagsubok.

Masasabing sa panahon ngayon kung saan patuloy ang paglago ng mga pambansang

aspeto. Tulad na lamang ng larangan ng Internet ay pati na rin ang mga bansang nauuri sa

pangatlong daigdig ay nabibihisan ng bias ng internet at ng wikang dala ng larong ginagamitan

nito. Ang instrumento ng internet ay masasabing doble kara. Dahil sa paggamit mo nito ay

palaging nakaamba ang dalawang anak na mabuti at mabait, Ang paglalaro ng Online Games

ng mga Kabataan ay nagsisilbing lunsaran ng kanilang libangan at pagkatuto. Masasabi natin

ang larang ng Online Games ay isang bagong dimension kung saan maaaring matuto ang mga

Kabataan. Maaaring hindi sa larang pang-Akademiko. Ngunit sa larang ng pakikipag kapwa

tao. Masasabing may tulong na dulot ang paglalaro sa aspeto ng buhay panlahat.

Paglalahad ng Suliranin

Naging daan ang Online Game bilang instrument sa pagdalumat ng pagkakatuklas ng

bagong barayti ng Wikang Filipino. Maging ang Industriya ng Internet Café na kilala ngayon

ng masa bilang Computer Shop. Mula rito lumitaw ang ilan sa mga suliranin sa paksang ito na

nais pag-aralan ng mananaliksik:

1. Paano nakapekto ang Industriya ng Internet Café na mas kilala ngayon bilang

Computer Shop sa pagkaaktuklas ng ibat-ibang Online Games?


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 3

2. Ano ang espasyo ng Online Game na DoTA sa Pilipinas?

3. Paano hindi o magiging baryti ng Filipino ag Wika ng DoTA?

Balangkas Konseptwal

Ang lahat ng pananaliksik ay gumagamit ng mga teorya na magsisilbing batayan at

gabay ng mga mananaliksik upang maging malinaw ang tutunguhin ng pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang MAG FAFARM LANG AKO! : ISANG

PAGDALUMAT SA WIKA NG ONLINE GAME NA DOTA BILANG BARAYTI NG

WIKANG FILIPINO ay tutuon sa larangan ng Online Game at Barayti ng Wika.

Sa pagsusuri sa Online Game na DOTA ay gagamitin ang teorya nina John Von

Nueman, samanatalang aalamin naman kung papaano natutunan ng mga Pilipino ang isang

barayti ng wika sa pamamagitan ng teorya ni John Piaget na Theory of Cognitive Development

at Social Contructivism ni Lev Vygotsky.

Mula sa akda ni Hayes, 2019 kanyang muling ipinaliwanag kung ano ang Game Theory

ni John Von Nueman. Ani niya,

Game Theory is a theoretical framework for conceiving of


social situations among competing players. In some aspects,
game theory is the science of strategy, or at least the optimal
decision making of independent and competing actors in a
strategic setting. Hayes, Investopedia, 2016

Sa kanyang pagpapakahulugan matatagni ang kaisipan tungkol sa mga Online Game

na nauuso at tinatagnkilik ng mga Pilipino.Dahil nga kalimitan dito ay hindi lamanga sa Social

Space gusting Manalo bagkus gingusto din nilkang Manalo sa pustahan. Ayon nga kay Abel,

2016 kasama ang pagpupistahan kaya mas lalong tinatangkilik ng mga Pilipino ang paglalaro

ng mga Online Games.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 4

Sa kagustuhan ng mananaliksik na maturan ang kung paano nakakamtan ng mga

Pilipinong manlalaro ang bagong barayti ng wika, minabuting pinili na gamitin ang Theory of

Cognitive Development at ang Social Contructivism Theory. Sa pagpapaliwanag ni McLeod

(2018), mula sa kanyang muling pagpapaliwanag ng Contructivism Theory kanyang sinabi na,

Piaget’s Theory of Cognitive Development explains how a


child constructs amental model of the world. He disagreed with
the idea that intelligence was a fixed trait, and regarded
cognitive development as a process which occurs due to
biological maturation ang interaction with the environment.
McLeod, simplypsychology, 2018

Sa pagpapakahulugan na ito ni Piaget tungkol sa kanyang teorya maitutulay ito sa

pamamaraang nagagawa ng mga manlalaroong Pilipino kapag sila ay naglalaro na. Sa puntong

ito masasabi na nagagamit nila ang wikang nakabatay sa pangangailangan ng espasyong

kanilang kinabibilangan. Samantala naman gagamitin din ng mananaliksik ang Social

Contructivism Theory ng Soviet psychologist na si Lev Vygotssky. Ang teorya naman ni

Vygotsky ay tinatalakay na,

Every function in the child’s cultural development appears


twice: first, on the social level and later on, on the individual
level; first, between people(interpsychological) ang then inside
the child (intrapsychological). This applies equally to
voluntary attention, to logical memory, and to the formation of
concepts. All the higher functions originate as a cultural
relationships between individuals. Berkely, 2019

Samantala naman, gagamit ng tinatawag na Pragmtics sa punto kung saan kailangan

ng suriin ang bagong tuklas na barayti ng Wikang Filipino. Ito ay babatay sa Speech Act

Theory ni John R. Searle na magpopokus sa pagkakagamit ng pragmatics sa pagbuo ng bagong

anyo ng wika na magiging barayti ng Filipino.

Balangkas Konseptwal
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 5

Ang balangkas na ito ang magpapaliwanag sa magiging daloy ng pag-aaral

gamit ang mga lapit at lapat ng mga teorya na gagamitin ng mananaliksik. Magiging

gabay ang balangkas na ito upang lalong matugaygay ang ninanais tunguhin ng pag-

aaral na ito.

Pilipinong Manlaalro

Online Game na DOTA Wika ng Online Game


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 6

Game Thoery ni John Theory of Cognitive


Von Nueman Development by:John
Piaget at ang Social
Contractivist Theory ni
John Vygotsky

Pragmatics

Bagong Tuklas na
Barayti ngWikang
Filipino: (Speech Act
Theory)

Ipinapakita sa balangkas na ito ang magiging daloy ng pag-aaral kung saan ang teorya

ng Online Gaming na Game Theory at ang teorya na gagamitin sa paraan ng pagkakatuto ng

wika ng mga Pilipino ay ang Theory of Cognitive Development by:John Piaget at ang

Social Contractivis Theory ni John Vygotsky. Sa huli gagamitin ang Teorya ng Speech

Act Theory na magpopokus sa Pragmatics na siya naming tutukoy sa pagkakabuio ng

bagong barayti ng Wikang Filipino.

Sa huli, susuriin sa pag-aaral kung papaano nasasabi na tulay ang Online Game

sa pagkabuo at pagkadiskubre ng bagong barayti ng Wikang Filipino sapamamagitan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 7

ng mga pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pananaliksik na siyang

magsisilbing awtput o kalalabasan ng pag-aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon

Ang sasaklawin ng pag-aaral na to ay ang dalawang larangan sa lipunang Pilipino. Ang

isa ay ang bagong usbong na Online Games at ang isa naman ay ang barayti ng wika. Ang

dalawang larangan na ito ay siyang sasalamin sa mga Pilipinong nagiging yumakap at

naglinang sa kanyang bagong kultura na nakaapekto sa takbo ng kanyang wikang ginagamit.

Sa tulong ng lapat ng mga konseptong gagamitin sa mga pinagbatayang pag-aaral ng

mananaliksik, susurii at tatalakayin ng mananaliksik ang mga nasabing programa sa

pamamagitan ng pagkalap ng mga datos on-line upang masuri kung papaano ng ba

nakikipagtalstas ang isang mamamayang Pilipino lalo na kung siya ay nasa espasyo ng

paglalaro ng Online Game tulad na lamang ng DOTA.

Ang mga impormasyong nakalap at gagamitin bilang tulong sa pag-aaral ay mula sa

elektronikong midya at mga aklat mula sa silid aklatan ng PUP. Sta mesa manila. Gayundin

nangalap din ang mananaliksik ng mga dyornal at disertsyon sa internet.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang MAG FA FARAM LANG AKO! : ISANG

PAGDALUMAT SA WIKA NG ONLINE GAME NA DOTA BILANG BARAYTI NG

WIKANG FILIPINO ay naghahangad na mabigyang halaga ang mga sumusunod:

Mag-aaral ng BAtsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Ang pag-aaral na ito ay maaring

kanilang maging basehan sa mga susunod nap ag-aaral na may kinalaman din sa paksang

tinatalakay. Maaari din naman nila itong mapaunlad sa mga susunod na panahon.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 8

Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging basehan ng mga mananliksik sa

aspetong pagkakaparehas sa mga paksa na kanilang maaaring gamitin. Kaya naman mgiging

malaking tulong ito sa kanila. Sa kabilang banda naman maaari rin itong maging basehan ng

mananliksik bilang pagkukunan ng ibang datos lalo na kung mayroong kinlalaman ito sa napili

nilang paksa.

Pilipinong Naglalaro ng Online Game na DOTA. Magiging matalino sa paggamit at

pagpapakalat ng mga ideya ng paksa sa ibang manlalaro upang siladin ay mamumlat sa

iniluluwal na bagong barayti ng wika sa pamamagitan ng pagtangkilik at paglalaro ng Online

Game. SAmantala, makakatulong din naman ang pag-aaral na ito dahil sila ang pangunahing

pokus ng pag-aaral, sila din naman ang tumatangkilik ng paglalaro ng Online Game na DOTA.

Maaaring maging daan ang pag-aaral na ito upang mabigyan sila ng karagdagang impormasyon

o kaliwanagan sa paggamit, pagtangkilik at boung pagyakap sa Online Game na DOTA.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Barayti ng Wika- Wikang sinasalita ng mga magkakaibang tao

DoTA- Online Game na nilalari at niyakap na ng mga Pilipino

Intenet Café- Industriyang nagiging instrument sa lunsaran ng bagong barayti ng wika

Online Game- Larong sumulpot dahil sa pag-unlad ng industriya ng Internet Café na kilala

bilang Computer Shop ngayon

Sosyolek- Wikang sinasalita ng mga taong nauuri sa kanilang sosyal na estado sa lipunan

Wika ng Dota- Wikang Sinasalita ng mga taong naglalaro ng DoTA


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 9

REBYU NG MGA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa parte na ito ng papel ay ilalahad ng mananaliksik ang mga kaugnay na lokal at banyagang

pag-aaral at maging lokal at banyagang literatura ayon sa mga pakasa na kanilang inilatag.

Ang Industriya ng Computer Shop bilang instrumento sa pagkakatuklas ng

Online Gaming sa Pilipinas

Hindi na matatawaran ang paglago ng mga industiya ng mga Computer Shop at sa

Pilipinas. Tila ito ay isang mga kaboteng nagsisisulputan . Kahit saan sigurong parte mapa

Batanes man yan o hangang Julo laganap na laganap na ang industriyang ito. Ayon kay

Mahinay, 2018 “Netopia widely remained as the Intenet Café for anyone already alive back

then, opened it’s first public branch in Katipunan back in 1997”.

Makikita na hindi na bata ang industriya ng Internet Café o Computer Shop bilang

isang social agent na nagbibigay libang sa mga Pilipino. Sa kabilang banda naman masasabi

ng tagapagsimula ng Meneski na Rhonald Robins mula sa artikulo ni MAhinay, 2018 na,


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 10

Netopia was the biggest name in the long period of time, but it
does’nt mean Netopia was the first internet café in the country
ever. Even we are’nt sure that was, and they weren’t even the
first along KAtipunan. That honor would fall down to Blueskies
Katipunan, formely known as Computer@Espresso. Mahinay,
fhm, 2018

Makikita na sa pagkakabuo at pag-unlad ng Industriya ng Internet Café o Computer

Shop sa Pilipinas ay mas lalong umigting ang pagkamal ng Espasyo ng Onlimme Games sa

bansang Pilipinas. Sabi nga muli nang tagapagsimula ng Meneski na Rhonald Robins mula sa

artikulo ni Mahinay, 2018 na, “While Internet Cafes were ostensibly for browsing the internet,

it was the opportunity for online and Lan gaming that drove their explosive expansion.”

Samantala naman mula sa pakikipagpanayam ni Ash Mahinay sa may-ari ng unang

Internet Café sa Katipunan na “Blueskies Internet Café naibahagi may-ari kung papaano nila

nadiskubre na maaaring maging lunsaran ng kasiyahan at kaperahan ang Industirya ng Online

Games. Ayon sa tala ni Mahinay, 2018 mula sa pakikipagpanayam sa may-ari ng Blueskies,

Our business was really automotive spare parts. The internet café
was just a hobby that also grew into a business. Initially, we had
Makintosh Pcs sa cyber café. Ang browsers naming IE ang
Netscape Navigator-there were no games.” It didn’t take long
before Yuchioco added gaming to their offered services: “Siguro
1995, one year after.”The unused second floor was set up with
computers to run LAN games such as Warcraft, Diablo,
StrarCraft, Red Alert, and Command at Conquer. Mahinay, fhm,
2018

Matuturan talaga na naging mahalagang instrument ang pagkakaroon ng Industriya

ng Internet Café o Computer Shop sa ngayon upang madiskubre na hindi lamang pala sa

paghahanap ng mga bagay na walang kasagutan ng internet. Bagkus ito ay nagsisilbing

lunsaran ng iba-tibang larang. Sa sisteng ito ay ang Online Game sa Bansang Pilipinas.

Ang Online Game sa Bansang Pilipinas


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 11

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Pilipinas ay nabibilang sa ikatlong daigdig.

Ang pagkakasali na ito ng Pilipinas ay nagresulta sa sobrang kahirapan, kalungkutan at

kabiguan. Ang mga malulungkot na katangian na ito ay siyang nagtutulak sa mga Pilipino na

humanap ng mga bagay na magbibigay sa kanilang ng kaunting ginhawa sa buhay. Kaya

naman maluwag na tinanggap ng mga Pilipino ang larangan ng Online Gaming sa Pilipinas.

Kilala ang mga Pilipino bilang mga malikhain dhil dito nakakagawa tayo ng mga

bagay na hindi lamang nagbibigya ng kapakinabangan bagkus nagpapalsap ng kasiyahan dahil

sa gandang mayroong ito. Isa sa magandang halimbawa ay ang pagkaaktuklas ng mga Online

Games. Kung noong dati ay mayroong tinatawag na Nintendo ngayon ang madalas na marinig

na nialaro sa online gaming ay ang mga larong tulad ng DoTA. Mula sa papel ni Merwyn

Abel kanyang itinala ang mga Online games na nilalaro ng mga manlalarong Pilipino.

Maraming aro ang sumikat sa mundo ng gaming dito sa Pilipinas


katulad ng Counter Strike, Defense of the Ancients (DotA)
Reighn of Chaos Warcraft III, Frozen Throne, RAN Online,
Ragnaraok Online, 02Jam, Cabal, Freestyle, StarCraft, Speacial
Force, CrossFire at marami pang iba. Abel, 2016

Madadalumat sa ipinahayag ni Abel na talagang mabilis na natanggap ng mga Pilipino

ang larangan ng Online Gaming.

Sa kanyang pang pagdadagdag kanyang napansin na naka apekto ang pagpasok ng

ika dalawampung siglo at ang industriya ng mga computer shop sa maluwag na pagtanggap

ng Online Games bilang kanilang libangan. Lolo na halos lahat ng target na mga consumer ng

kanilang industriya ay ang mga kabataan. Bukod pa diyan nakaapekto din ang presyo na

kanilang itinala dahil ito ay tumutugaygay sa katayuang pangsosyal ng kanilang mga target

na Pilipinong manlalaro. Ang pahayag na ito ay naturan ng mananaliksik mula sa

pagpapahayag ni Abel.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 12

Sa pagpasok ng ika-21 na siglo, maraming mga computer shop


ang makikita sa kahit saan mang lugar sa bansa. Ang mga
pampublikong establisyemento katulad ng mga paaralan, mall
simbahan, at iba pa ay napapaligiran o napapalibutan ng mga
computer shop kaya naman nagkaroon ng ilang probisyon n
anaglilimita at/o pumipigil sa mga computer shop na maitayo
malapit sa mga nasabing establisyemento. Gayunman, kahit pa
nalimita na ang mga ito ay madalas pa ring pinupuntahan ng mga
Pilipino ang mga ito sapagkat mura ang singil sa bawat oras na
paglaalro at pagrerenta ng computer. Abel, Wika ng Manlalarong
Pilipino:Pagsusuri sa pinagmulan at Saysay ng mga Salitang
Ginagamit sa Mundo ng DoTA2 at LOL, 2016

Makikita na sa pag-usbong ng panahon ganun dina ng pag-usbong ng teknoolohiya.

Gyundin naman ay an gpagtangkilik sa industriya ng Computer Shop na siyang pantulong na

instrument upang laolong tangkilikin ng mga Pilipinong Manlalaro ang pagyakap sa Online

Game. Sa pagdaragdag ni Abel (2016), kanyang tinalakay ang kompetisytung nagnyayari sa

loob ng espasyo ng Online Gaming. Ani niya,“Maraming pustahan ang nagaganap sa pagitan

ng mga magkakaibigan o mgkakatunggali sa mga larong maaaring maglaban-laban. Kliwa’t

kanang kompetisyun din an gang nagaganapsa mga computer shop na siyang iniisponso

mismo ng mga namamahala ng mga laro.”

Mapapnsin sa pahayag ni Abel 2016, na hindi lamang basta libnagan para sa mga

Pilipino ang DOTA. Bagkus ito ay isang larong kinakailangan ng matinding paggamit ng

estratehiya upang maalpasan at mabalikwas ang kalabang kopunan. Nang sa gayun ay Manalo

ang kinabibilangang pangkat

Sa paglalahat masasabing ang larangn ng Online Game ay maluwag na nitakap at

pinapasok ng mga manlalrong Pilipino bilang parte ng kanilang kultura. Maganda kung iisipin

ang pagkakayakap nila dito dahil nagamit nila ito sa isang maaayos na pakikipagkapwa sa

mga kakampi gayun din namnan maging sa kanilang kalabang pangakat.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 13

Ang Larong Online na DoTA

Sa dinami dami ng mga nauusong Online Game sa Pilipinas ay isa ang DOTA sa

tinangkilik ngmga masamg Pilipino. Ayon kay Conception (nd), mula sa kanyang kanyang

papel kanyang tinalakaya ng pagiging ppopular ng larong DOTA noong taong 2009. Ani niya,

“Sa huling ulat ng gossipgamer.com noong 2009, ang computer game na Defense of The

Ancients o DoTA ang pinakpopular na nillaro ng mga kabataang Filipino sa mga computer

café.”

Sa pagdaragdag makikitang maluwag talagang natanggap ng mga Pilipino ang larong

DoTA lalo na ng mga kabataang lumaki sa Digital Age. Samantala, masasabing hindi nauna

ang online game na DoTA. Gayundin naman hindi ito nahuli. Mula sa pepl ni Abel (2016),

kanyang itinuran ang pinagmulan ng larong online na Dota. Ani niya,

Ang Defense of the Ancient o DoTa ay isang multiplayer online


battle arena o MOBA mod na ginawa para sa larong
WARCRAFT III: Reign og Chaos na hawak ng kompanyang
BIzzard Entetainement at nang maglaon ay naiilipat din sa
lkarong Warcraft III: Frozen Throne ng parehong kompanya. Si
“IceFrog” n aisang game designer ang siyang may hawak ng mod
na ito na hanggang ngayon ay tago pa rin ang identoidad sa
publiko ngunit patuloy pa rin ang kaniyang kontribusyon sa
pangalwang bersiyon ng DoT Ana DoTA2. Abel, Wika ng
Manlalarong Pilipino:Pagsusuri sa pinagmulan at Saysay ng mga
Salitang Ginagamit sa Mundo ng DoTA2 at LOL, 2016

Sa pagdaradag pa ni Abel (2016), kung papaano nagsimula bilang parte ng

WARFCRAFT III lamang ang DoTA. Hanggang sa ngayong isa na iotng larong popular

katulad na lamang ng WARCRAFT.

Taong 2003 nang unag ilabas ng isang mapmaker sa


WARCRAFT III na si Eul sa publiko ang DoTA mod na hango
sa isang mapa na Aeon of Strife mula sa larong STARCRAFT.
Nagkaroon ng maraming bersiyon ang nasabing mapa ngunit ang
sumikat na bersiyon aybang ginawa nina Meian at Ragn0r na
tinatawag na DoTA Allstars. Taong 2004 nang hawakan ni Steve
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 14

“Guinsoo” Feak ang nasabing mapa magmula sa bersiyong 3.xx


hanggang 5.xx. TAong 2005 nang unang ilabas ang bersiyong
6.xx at sa pagkakataong ito ay umalis si Guinsoo at ipinagkaloob
ang nasabing mapa kina Neichus at IceFrog ang mga
pagbabagong iikot sa nasabing mapa. Sa kasalukuyan ay nasa
bersiyong 6.88 na ang mapa at hawak na ng kompanyang Valve
ang nasabing laro. Sinabi ni Abel (2016)

Makikita na hindi basta-basta ang inagdaanan ng larong DoTA upang mahiwalay at

makilala bilang ibang pangalan sa industriya ng Computer Shop at sa Online Gaming.

Sa pagdaragdag dinipina naman ni Conception (wp), kung ano ang kahulugan ng larong

DoTA sa paaano paraan ito nilalaro. Gayundin tatalakayin kung ano ang mithiin ng mga

naglallaro nito at ang buong takbo ng Online Game na DoTA.

Ang larong DoTA o Defense of the Ancient ay isang custom


scenario game na ms popular sa terminong “map” sa
WARCRAFT III. Layunion lang naman ng bawat “team” sa
DoTA, ay ang sirain ang mga “ancient” ng kalabang kopunan.
Maglalaban ang dalawang team ng mayroong tig-limanag
“player” bawat isa. Sinbabi ni Conception (wp)

Sa kanyang pagdaragdag, ipinaliwanan naman nya kung papaano laruin ang Online

Game na DoTA .

Upang magawa ang paglalaban, ang bawat isang player ay


mamimili ng isang “hero” na kinakailangang gamitin. May
tintawag ding “creeps” sa DoTA, na mga “A. I” unit upang
magtulungan ang bawat team na sirain ang ancient ng kalaban.
Sa daloy ng laro, lumalaksa ang bawat hero sa pamamgitan ng
pagpatay(kill) sa mga kalabang hero, pagbasag sa mga
tore(tower) ng kalabang koponan, pagbili ng mga gamit(items)
gamit ang naiipong pera(gold) ng bawat player mula sa kailang
napatay ng mga enemy hero at creeps. Conception, (wp)

Makikita sa pagtutulay tulay ng mga paraan ng paglalaro lumalapat ang konsepton

ng Game Theory kung saan kailangan gumamit ng isang strategis play upang maungusan ang

kalabang koponan. Makikita rin sa tinutugaygya ni Concetion na ginagamitan ng

pagiintelektwaisa ang mga bawat galaw sa paglalro nito. Lolo na kung ang pinaka mithi ng

pinangagalingang koponan ng isang player ay Manalo.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 15

Sa paglalahat masasabing isang larong nangangailangan ng isang konsepto ng wika

at komunikasyon ang larong DoTA. Hindi pwedeng mahina ka dahil magigigng iba ang

tingin ng iyong kakampi at ng ibang manalalaro sa iyo. Kaya nama lumalabas na sa paglalaro

ng DoTA ay nakakbuo ng isag komunidad ang ang bawatkoponan kung saan makikitang

mayroon silang batas na sinunsunod, liunggatiin na nais makamit, sa pamamagitan ng wika

at pakikipagkomunika ay mallampasan nila ng hamon ng kanilang mga katunggaling

koponan.

Ang Espasyo ng Wika at Komuniksyon sa Komunidad ng Online Game na

DoTA

Napakahalga ng sa isang komunidad ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan. Sa

ganitong paraan mas magtutulay ito sa kaunlaran ng nakararami. Sa paglaalro ng DoTA ay

nakabuo sila ng isang komunidad. Ito ay malalimang masisisyasat sa tinugaygay ni

Conception.

Bilang isang komunidad, dumaraan ang mga nagklalaro ng


DoTA mula sa communal common ground patungung
conversational common ground.(Clark, 2004). May mga babae
at lalaki, propesyunal at mag-aaral, May taga-Maynila, at taga-
probinsyang mga manlalaro ngunit lahat sila’y nagkakaunawaan
sa mga ginagamit nilang salita habang naglalaro ng DoTA.
Conception, (wp)

Makikita sa nais iparating ni Conception (wp) na mayroon talagang isang

pinagkakaunawaan ang mga taong naglalaro ng DoTA. Nakakbuo sila ng isang komunidad.

Sasakto ang pagpapakahulugan na ito ni Conception (nd) sa tinuran na kahulugan ni Phil

Bartle tungkol sa Teknolohikal na dimension ng Komunidad na isinalin ni Melanie

Arriesgado. Ayon kay Bartle (nd), “Ang bawat komunoidad ay hindi kinakailangan dumaan

lahat sa yugto ng pangangaso, pagtitipon, pangangalakal sa aspetong pisikal at marami pang

iba. Dahil maaaring ang ibang yugto ay hindi mapagdaanan.”


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 16

Gaya ng sa Espasyo ng DoTA hindi naman lahat ng nagaganap sa larong ito ay totoo

dahil pumapailalnglang lamang sila sa tinatawag na Cyber Space. Ang mundo kung saan ang

maga bagay ay inatatakbo ng utak ng isang Artificial Inteligence. Ang maaaring matugaygay

sa poahayag na ito ni Bartle (nd), na may tiyansa at malaki ang posisbilidad na mayroong

isang komunidad na gingalwan ang mga naglalaro ng DoTA dahil sila y ngkakaroon ng

interaksyon sa isat-isa sa espasyo ng Online Gaming. Madidikit ito ngayon sa isang konsepto

ng Espasyo ni Lefebvre (2007) kung saan tinutukoy niya na, “Ang konseptong Spatial

Practice, ito ay ang pagsasama-sama ng ibat’ibang sabddyek sa isang espasypo. Nagkakaroon

ng relasyon sa pagitan ng miyembro ng lipunan at espasyo.”

Hindi ba’t sa pahayag na ito masasabi nating may komunidad talagang nabubuo ang

mga manlalarong Pilipino na tunatangkilik sa Online Game na DoTA. Dito matatagni ang

konsepto ng kahalgahan ng wika at komunikasyon sa laro ng DoTA dahil hindi na lamang ito

isang Online Game bagkus nagresulta sa isang komunidad na mayroong kkulturang niyayakap

ng mga naglalaro nito.

Mapunta naman tayo sa Espasyo ng Wika at Komunikasyom. Isa sa pinakamahalgang

bagay sa isang komunisad ay ang pagakaunawaan. Papasok ngayona ng importansya ng Wika.

Ayon kay Lumbera sipi ni Carpoi mula sa librong Kominikasyon sa Akademikong Pilipino

kanyang tinuran ang pagpapakahulugan ni Beinvenido Lumber sa wika bilang isang mabisang

instrumentro,

Instrumento aito aupang maipahayag at maipabatid ang


pangangailangan ng bawat tao. Inihalintulad niya ang wika sa
hininga, ang ibig sabihin-walang buhay kung walang wika.
Kakabit ng tao ang pagkakaroon ng wikang magagamit sa
pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa kapwa. Lumbera sipi
ni Carpoi, (wp)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 17

Matatagni sa pahayag na ito ni Lumbera na talagang makapangyarihan ang wika.

Nagiging isa itong mabisang instrumeto upang mapagugnay-ugnay ang mga bagay na

magkakalayo at lalong paglapitin ang mga bagay na magkakalapit na. Masasabi nga talagan

buhay ang wika dahil nilalakbay nito ang bawat sisidlan hindi lamang ng utak ng isang tao

bagkus ang mga puso at damdamin upang magkaugnay-ugnay. Ito ang dapt ipamutawi ng mga

naglalaro ng DoTA na hindi lang laro ang dapat ang hanapin sa pagtatagumpay bagkus pati

ang maayos na pakikitungo sa bawat isa.

Kung pag-uuasapan naman ang komunikasyon tila ito ang pinaka mahalga kapag nasa

esppasyo kayo kung saan hango lamang sa ilusyon ang lahat. Sa aspeto ng Llarong DoTA

mahalga an gang ginagampanang tungkulin ng komuniksyon sa bawat isa . Mapa kabilang

koponan man ito o sa inyong koponan. Ayon kay Carpoi (nd), mula sa kanyang libro na

Komunikasyon at Akademikong Pilipino kanyang itinala ang kahulugan ng komunikasyon.

Ayon sa kanya,

Ang komunikasyon ay ang pagpapalitang tugon sa pagitan ng


ibat’ibang lahi ng tao sa bawat bahagi ng mundo. Ibinabahagi ng
bawat tao ang kaniyang saloobin sa kanyang kapwa upang
malaman nito ang ipapabatid na mensahe at hahantong ito sa
gantihang kilos na magdudulot ng palitang-tugon ng mensahe sa
bawat isa. Carpoi, (wp)

Masisiyasat sa pagpapakahulugan ni Carpoi, (wp) na sa espasyo ng DoTA ang

tinutukoy niyang “Inat-ibang lahi” ay tinutulay ang mga ibat-ibang uri ng tao na naglalro ng

DoTA at ang “gantihan kilos” ay tumutugaygay sa pagkakaroon ng marubdob na palitan ng

mga winiwika ng mga naglalaro nito.Mula pa rin sa akda ani Carpoi (nd) kanyang idinagdag

na, Ayon kay Webster sipi ni Carrpoi (wp) ang salitang Komunikasyonay isang akto ng

pagpapalitan ng ideya, impormasyon at iba pa.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 18

Marerepresenta naman ngpagpapakahulugan ni Webster ang tila pin aka sentrong

tinuturan ng proseso ng komunikasyon sa isang Online Game tulad ng DoT Ana kailangan ng

pagpapalitan ng mga ideya ng magkakakampi. Gayun din naman a ng pagbubusog sa utak ng

ibat’ibang impormasyon tungkol sa paglalro ng Online Game na DoTA.

Sa malalimang pagsusuri masasabiung mahalga talaga ang espasyo ng wika at

komunikasyon sa komunidada na nabuo ng mga naglalro ng DoTA. Ito ang nagsisilbing

lunsaran ng isang mabuting pagkakaunawaan at pagkakapatiran ng mga naglalaro nito.

Ang Wikang Filipino at ang Barayti nito

Malayo na ang tinurol ng Wikang Filipino mula ng gawin itong opisyal na

katawagan sa Wikang Pambanasa noong taong 1973 sa 1973 Constitutionat taong

1987 sa 1987 Constitution. Kaya lamanga nanatiling matamlay ang paglago nito kahit

na ba patuloy na isanabuhay ng Wikang Filipino ang naksaad sa 1987 konstitusyon

na nagsasaan na ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na

wika sabansa. Nakasaad din na magiging pantulong ang mga iba pang katutubong

wika upang mapaunlad ang Wikang Pambansa. Nakakalungkot lamang kung iisipin

na maging sa kasalukuyan ay nababansot pa rin ang ating Wikang Pambansa. Subalit

sa kabilang banda ay nakatutuwa pa rin dahil may mga taong nananatili at

nagsusulong ng Wikang Filipino . Kabuhol din ay ang patuloy nilang kagustuhan

nilang mapaunlad ito. Sa akda ni Rubrico (nd), kanyang naibahagi ang palagay ng

mga tagapagsulong ng wika tungkol sa dapat kilalaning wikang pambansa. Una ay

ang pahayag ni Dr. Ernesto A. Constatantino kanyang itinuran na, “Ang Pinili naming

wika na idebelop bilang wikang Pambansa natin, ang tinatawag naming linggwa
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 19

prangka o Filipino.” Ayon naman sa Itinuran ni Alegre sipi ni Carpoi “He expresesses

that “contemporary Manila Tagalog as the basis of Filipino. “He calims that Tagalog

is developing into the national language as it isa the lengua franca of the non-Tagalog

provinces”.

Sa dalawang pahayag na ito ng tgapagsulong ng Wika makikita ang kaibahan

sa dalawang pananaw. Ngunit mababatid mon a mayroon silang isang layunin na

paunlari ang wikang sariling atin. Hindi anamntalaga kailangan pang pagbasehan ang

Ingles dahil ito ay wika na nag-uuri. Kung gusto at kung kinakakilngan dapat gumawa

pa ng mga batas na patuloynna magsusulong ng mga wika sa Pilipins. Ngunit sa

kabilang banda, mas maayos pa rin kung magkakaroon ang bansa ng isang wikang

maituturing na panlahat. Hin di hadlang kung taga saan ka man, bagkus ang

poinahahalagahan aya ng magkaunawaan ang bawat isa.

Talakayin naman natin ang Baryti ng Wikang Filipino. Mula sa aklat ni Carpoi

et. al, (nd), kanyang ibinahagi ang lagay ni Pamela Constantino sa pagkakaroon ng

Barayti ng Wika, ayon kay Pamela Constantino,

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng


teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng
pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-
uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga
indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan,
interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Constantonp P. sipi
ni Carpoi
Mapapnsin sa toeryang ibinahgi ni Pamela Constantino na may basihan para matawag

na baryti ang isang wika at ito ang daapat ipamutawi ng mga nagsusulong ng mga bagong

baryti ng wika. SA kanyagn pang pagdadagdag, Ibihagi ulit sa libro ni CArpoi et. al, (nd) ang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 20

dalaeang dimension pinang-gagalingan ng mga barayti ng wika na nabuo ni Pamela

Constantino. Ito ay ang Dimensyong Sosyal (sosyolek) at ang Dimensyong Heograpikal

(diyalekto).

Sa pagbabahagi ni Carpoi et. al, (nd), kanyang ibinahagi ang pag-aaral ni Dr. Jessie

Rubrico tungkol sa tatlong baryasyon ng Wika ang Diyalekto, Sosyolek at Register.

Ang Diylekto ay baryasyon ng wika na nalilikha dulot ng


dimensyong heograpikal. TInatwag din itong wikain ng iba.
Samantalang ang Sosyolek ay baryasyon ng wika na dulot ng
dimensyong sosyal. Ang esensiya ng wika ay panlipunan
spagkat patuloy itong dumadaloy sa dikursong panlipunan ng
mga grupo ng tao. Pangatlo at huli ang Rehistro ng Wika. Bawat
pangakat ng tao ay may kanya-kanyang code na ginagamit sa
pakikipagtalastasan . Ito ang nagsisilbing rehistro ng wika nila
sa espesyalisado lamang sa kailang pangkat. Rubrico sipi ni
Carpoi, (wp)

Matuturan sa ibinahagi na ito ni Dr. Rubrico na mayroong espasyo ang pag-aaral at

pagtugaygay sa halaga at kahulugan ng mga ibat-ibang barayasyon ng wika. Kaya naman

mahalga na patuloy ang pagsulong at pag-papaunlad nating sa ating mga wika bilang isang

tayong multinggwal na bansa. Hindi lamang tayo magpokus sa isa. Bagkus ating iyuon ang

ating pag-iisp para sa lahat. Dahil klahat ng wikang sinasalita sa bansa ay kabuhol ng ating

kultura.

Ang Wika ng DoTA bilang Barayti ng Wikang Filipino

Lahat ng bagay na ginawa ng sa mundong ito ay mayroong katangiang natatangi sa

iba. Maging ang wikang ating sinasalita. Ang mga wikang ito ang nagsisilbing tulay nila upang

magkaunawaan at magkaintindihan. Ngunit kung ating iisipin mahalaga din naman itong

maibahagi sa iba upang ang wikang kanilang naimbento ay hindi maging maka-uri. Nang sa

gayun ay maging lunsaran ito ng pambansang pangkaayusan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 21

Upang madepena ang kahulugan ng wika naghanap ang mananalikik ng mga pag-aaral.

Isa na rito ay ang paepl na pinamagatang, Ang Papel ng Wikang sa Gitna ng Pagkakaiba-iba

ng mga Wika sa bansa na sinulat ni Lydia B. Liwanag (wp). Dinepena ni Liwanag ang Varayti

ng WIka.

Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging


katangian na nauugnay sa particular na uri ng katangiang
sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang
partikular na varyasyon o varayti ng wika. Ito rin ang
pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa
bansa. Maaarong ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri
at anyo ng salita. Liwanag, (wp)
Masasabing pasok ang pahayag ni Liwanag sa Wika ng DoTA dahil ang wikang

sinasalita dito ay mga salitang nakapaloob sa kanilang nabuong komunidad. Liban diyan

maituturi na natatangi sa iba ang Wika ng DoTA dahil ito ay nagiging lunsaran ng

pagkakaunawaan ng mga manlalaro ng Online Game na DoTA.

Ang Wika ng DoTA ay masasabing isang phenomenon kung saan maaari iotng

manatili at maglaho na lamang na parang bula. Mauugnay ang ganitong estado ng Wika ng

DoTA mula sa pahayag ni Conrad sipi ni Liwanag. Nagbigay soon si Conrad ng dalawang uri

ng varayti ng wika. Ang permanents para sa mga tagapagsalita/tagapagbsa at ang iklawa ay

ang pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kanya itong

ipinaliwanag.

Kabuilang sa mga varyting permanente ay dayalekto at


idyolek. Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at
katayuan sabuhay. Nakikita ito kaugnay ng
pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension:espasyo, panahon,
at katayuang sosyal. Samantalang ang pansamantalang
varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamitang
wika. Kasama dito ang register, mode at estilo. Ang Register
ay varayting kaugnay ng oanlipunang papel na
guinagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 22

Ang Estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng


nagsasalita sa kausap. Maaaring formal, kolokyal, at
intermeyt o personal. Ang Mode ay ang varayting kaugnay
sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita
o pasulat. Conrad sipi ni Liwanag, (wp)
Masasabing ang mga halimbawa ni Conrad sipi ni Liwanag ay malaking tulong upang

tuluyang malaman ang pagiging barayti ng Filipino ang Wika ng DoTA. Paano ng ba sinasalita

ang Wika ng DoTA at sa anong paraan makikta ang pagkakabuo nito bilang isang barayti ng

wika. Ito ngayon ang binigyang importansya ni Conception.

Sa kaso naman ng mga kilos o galaw na ginagaw ng bawat


manlalaro habang naglalro ng DoTA, hinihingi ang
konteksto sa paglalaro nito ang mabilisang pag-uusap ng
bawat team upang maisagawa ng tama ang kanilang mga
plano at bawat kilos upang matalo ang kalabang team.
Conception, (wp)

Sa kaso na inilatag ni Conception makikita nagmumula lahat sa kilo ang lhat. Kung saan

sihyang magbibigay tugon sa ispan ng mganlalaro na bilisan ang kanilang pananalita. DAhilsa

ganitong paraan nagreresulta ito sa pagpapaikli ng mga salitang gamit sa DoTA. Nagbigay ng

halimbwa dito si Conception ng isang kombersayon na nangyayri sa dalawang player na

naglalro ng DoTa na pinaiikli ang mga salita.

<player 1> nasa gubat siya nag fa-“farm”

<player 2> tara “ward” ka sa “ilog”.

<player 1> ikaw una mag “stun”

<player 2> kaso onti pa “life” ko

<player 1> kaya yan. May “heal” ako.

Kung papansini ang mga salitang nasa loob ng mga kuwit ay ang mga salitang pinaikli

ng mga manlalaro. Sa player 1 ang ibiog sabihin ng nag fa-farm ay paglibot sa buong map

upang pumatay ng mga creeps na siya magbibigay sa isang hero na karagdagang lakas. Sa
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 23

totoong bihis ng buhay ay isang parte ng pagmamy-ari kung saan maaaringmagtanim ng mga

binhi. Sumunod naming dadalumatina ay ang paggamit s salitang “life” upang magrepresenta

sa buhay na mayroon na lamang siya sa loob ng laro. Sa toong pakahulugan ang salitang “life”

ay tumutukoy sa kabuoang aspeto na dinanas na o mayroon na ang isang tao. Masasabing

nagingign malikhaiin ang mga manlalaro sa ganitong aspeto ng pagpapaikli lalo na at nakabase

ang kanilang paraan ng komunikasyon sa bilis ng galaw ng kanilang mga pinagaganang hero.

Sa kabialng banda naman bukod sa aspetong pagpapaikli ay ang pagbuo sa salita na

ginagamit sa DoTA ay nilalagyan ng mga manlalaro ng timpla ng kulturang maka-Pilipino.

Kung saan importanteng-importante na maitagni nila ang isang salitang bibihisan sa kulturang

mayroon an gating basa.

May kultural na dahilan ang paglalaro at/o pagbabago-bago sa


mga salitang nasa itaas. Mas nagiging malay ang mga naglalaro
sa totoong katumbas nito sa pananaw sa mundo ng karanasang
Filipino. Tingnan halimbawa ang “Elune’s Arrow” na tinawag
nilang “Jumong,” sa DoTA isa itpong skill ng hero na
sinPriestess of the Moon. Isa itong klase ng panang malaki na
ibinabato niya sa kalabang hero. Kung maaalala, naging sikat sa
Pilipinas ang Koreanovelang “Jumong” na kung saan ang bida’y
isang magaling na archer. Nagkaroon ng pagkakailanlan at
muling representasyon ng pag-unawa sa konsepto ng “pana” nina
“Jumong” at “Preistress of the Moon”. Conception, (wp)

Makikita na sa halimbawang binigay ni Conception mas lalong umigting ang

posebelidad ng pagiging brayti ng Wikang Filipino ang Wika ng DoTA. SA madaling sabi

malaki ang ambag ng isang taong naglalaro ng DoTA na impluwensyahan ng kanyang wika

ang isang baguhan wlang alam dito. Dahil na nga rin sil ay isang komunidan. Kung saan ang

pinaka layunin ay Manalo sa lahat ng hamon. Kinakailangan ang iisang wikang maiintindihan

ng lahat. Masasbing mabibilang ang salita ng DoTA sa sosyolek. Dahil ang mga taong siyang

nakapagsasalita nito ay mga taogn naglalaro ng DoTA. Mayroong paimbabaw na lalim ang

sosyal na katayuan. Dahil hindi ka naman pwedeng basta lang makipag-usap sa isang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 24

pangkaraniwang kombersayon na sasabihin mo ay nag-fa-farm ka. Ibig sabihin kinakailangan

munang mapabilang ka sa komunidad ng mga naglalaro ng DoTA upang lubusan at tuluyang

maintindihan ang kanilang Wika. Maihahalintulad ito sa salita ng Bekemon bago tuluyang

maintindohan ang kalaliman ng kanilang winiwika ay marapat makia-anib o makiisa ka sa

kanilang mga lunggatiin at ipinaglalaban. Wala mang pinipiling kasiraan ang paglalaro ng

DoTA o antas sa lipunan, kinakailangan matuto ka munang maglaro ng DoTA upang malalim

na matugaygay ang salitang kanilang ginagamit sa pag-lalaro.

Masasabing ang Wika ng DoTA bilang barayti ng Filipino ay malayo pa ang

lalakbayin para ito ay maisangkot sa pangkalahatang apeto. Sa anumang uri ng estado na

walang inu-uri at sinusuring mga standard upang matutunan ang wikang kanilang ginagamit.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 25

Kabatana 3

METODOLOHIYA

Sa kabantang ito inilahad ng mananliksik ang metodolohiyang kanyang ginamit sa

pag-aaral. Ang disenyo ng pananaliksik, paraan ng pagsusuri/paglalatagng datos pinagmulan

ng mga datos at mga etikal na konsiderasyon.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang MAG FA-FARM LANG AKO! :ISANG

PAGDALUMAT SA WIKA NG ONLINE GAME NA DOTA BILANG BARAYTI NG

WIKANG FILIPINO ay isang kuwalitatibonn pananaliksik na ialahad sa diskriptibong

pamamaraan upang masusing masiyasat ang kung maaari nga bang maging barayti ng Wikang

Filipino ang Wika ng DoTA na nilalaro ng mga Pilipino.

Paraan ng Pagsusuri at Paglalatag ng Datos

Ang mga paraang ginamit ng mananaliksika ay pagkalap ng mga data sa mga piling

artikulo at disrtasyon na nagmula sa internet. Gayundin ginamitan din ng manaanaliiksik ng

obserbasyon at masusing pakikinig sa pamamagitan ng panonood sa ng mga batang o

Pilipinong naglalaro ng DoT Ana pinanuod sa YouTube.

Pinagmulan ng Datos
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 26

Upang makakalap ng mga datos ang mananaliksik, nagpunta ito sa piling libraygaya

ng Ninoy Aquino Libray sa PUP sta. Mesa at Sa Quezon City Library. Gayundin gumamit ng

mga elektronikong babasahin ang mananliksik upang makakalap ng datos.

Kabanata 4

RESULTA AT PAGTATALAKAY

Sa kabanatang ito, inilahad ng mga mananaliksik ang nakuhang mga datos mula sa

kuwalitatibong bihis ng pananaliksika t sa tulong ng diskriptibong pag-aanalisa sa mga

nakalap ng mga datos na umabay sa pagsipat at pagdalumat sa mga konseptong inilatag.

Ang Industriya ng Internet Café bilang instrumentoi sa pagkakatuklas ng Online Game

Mula sa mga datos na nakalap napatunayan ng mananaliksik na naging istrunmento

ang Industriya ng Internet Café na kilala ngayon bilang Computer Shop sa pagdiskubre sa

Online Game na maaaring laruin ng mga Pilipino. Masasabing ito ay isang mahalagan ggabay

upang ang libangan ay maging isang sikat na palibangan ng Pilipinong nakadaranas ng mga

hirap sa buhay. Subalit sa kabialng banda napautnayan ding naginglunsarang ng mga

masasamang gawi ang industriyang ito tulad ng pagpupustahan at paglalagay ng mga ito

maapit sa eskwelahan na nagresulta sa mga kabataang mahumaling nang lubos dito.

Ang Espasyo ng Online Game na DoTA sa Pilipinas bilang lunaran ng bagong barayti ng

Wika

Mula sa mga nakalap na datos napatunayan ng mnanaliksik na naging lunsaran ang

Online Game na DoTA upang madiskubre ang bagong barayti ng Wikang Filipino. Maitatagni

sa paraan ng pagbiibhis ng salita at sa pag-aangkop sa kulturang Maka-Pilipino at Maka-


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 27

Filipino. Sa ganitong turan nadalumat ng manaliksik na maaring magluwal ng barayti ng wika

ang pagyakap sa paglalaro ng Online Game na DoTA. Nadalumat ng Mnanaliksik na hindi

maaring magng baryti ang Wika ng DoTA dahil ang estraktura nito ay hindi pa ganap na aayos

sa panlahatang konsepto kung saan walang inuuri. DAhil lumabas sa pananaliksik na upang

matuto ang isang tao ay klailangan muna nitong matutunan ang paglalro ng Online Game na

DoTA. Liban diya n kahit na maituturing na Katangi-tangi ang bihis at anyo ng Wika ng DoTA

hindi pa rin ito papasang bilang bagong baryti ng wika dahil hindi ito maglulunsad ng isang

wikang intelektwalisadong magagamit sa pangaraw-araw na aspeto ng buhay.

Paanon magiging baryti ng Filipino ag Wika ng DoTA

Mula sa mga nakalap na datos magiging baryti ng Filipino ang Wika ng DoTA kung

ito ay magiging isang wikang maaaring maging lengua franca. Ito ay batay sapagtuturan ni Dr.

Ernesto Constantino. Upang madepena na isang barayuti ang Wika ng DoTA kailangan ay

maging panlahat muna ang aspeto at kabuuan ng Paglalaro nito. Sa ganitong paraan hindi

mauuri ang mga ibang tao na hindi marumong maglaro ng DoTA. Masasabing ang Wika ng

DoTA ay kakailanganin pang dumaan sa mahabang paraan ng pag-iidentipika ar pas-susuri ng

sa gayon ay maging angkop ang Wika ng DoTA para sa lahat ng Antas. Maari nasa nag maging

barayti ito kung hindi lamang sa paglilimita ng mismong pinag-ugatan ng Wika, na ang Online

Game na DoTA.

Kabanata 5

LAGOM NG NATUKLASAN, KONKLUSYON


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 28

AT REKOMENDASYON

Nilalaman ng kabantang ito ang natuklasan sa pag-aaral kung saan inilahad ang pinaka

ubod ng resulta ng pananaliksik, ang naging kongklusyon na nagbigay diin sa mga natuklasan

at rekomendasyon na siyang magbibigay ng panibagong ideya para sa mga pinahahalagahan

ng pag-aaral na ito.

Lagom ng Natuklasan

Ang Online Game b ilang lunsaran ng barayti ng Filipino ay naglulunsad ng

isang barayting Wika ng DoTA na hindi pa masyadong sala para magampanan ang

konsepto na panlahat. Liban diya natuklasan din ng mananaliksik na kailangan pa ng

mahabang proseso upang tuluyang madepena ang Wika ng DoTA bilang barayti ng

Wikang Filipino.

Konklusyon:

Sa paglalahat ang pag-aaral na ito ay naging gabay upang maditermina na hindi pa

handa ng Wika ng Dota upang mapabilang sa mga kilalang brayti ng Wika dahil na rin sa

kadahilanang ito ay may konsepto ng pag-uuri. Dahil hindi mo naamn pwedeng matutunan ng

isang araw ang Wika ng DoTA kinakailangan na matuto muna ang mga hindi naglalaro ng

DoTA upang maging mas mabisa ang lapat anito sa mga gusting matuto ng WIka ng DoTA.

Ngunit kung mamarapatin ang dapat gawin ng mga Pilipinpo nagayon ay tuluyang

paunlarin at isuong kung ano ang wikang naririto. Maaari sigurong palakasin at paunlarin ang

Wika ng DoTA nang sa gayung paraan ay maging angkop ito sa relasyon ng Wika at

Komunikasyon.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 29

Masasabi ng mananaliksik na malayo pa ang tutunguhin ng Wika ng DoTA bilang

barayti ng Wikang Filipino. Hindi naman dapat madaliin ang mga paghubog dito. Ang

kailangan gawi ay dahandahanina ng pag-aangkop ng Wika sa mga mamamayang Pilipino.

Ang salitang Magfa-farm ay masasabing hindi pa buo upang maging isang lunsaran ng isang

intelektwalisadong Komununikasyon at maging instrument sa pag-papaunlad ng isang

Intektwalisadong Wika. Maging Pambansa man o mga Wikang mayroong baryasyon.

Rekomendasyon

Para sa mga mananaliksik

Magiging malaking tulong ito upang maging pantulong batayan sa mga ideya o mga

papel na kanilang gagawin.

Para sa mga manlalarong Pilipino,

Malaki ang magiging silbi nito sa mga manlalaro upang magkaroon ng batayan sila sa mga

susunod na paggamit ng kanilang mga salita at paraan ng pakipagkomunika.

Para sa tagasulong ng Wika

Magiging malaking tulong ang pananaliksik na ito upang malaman nila na mayroong mga

barayti ng wika na malaki ang maaaring maging tulong sa pagpapaunlad ng Filipino. Na

kinakailangan lamang ng masusing pagdalumat sa kponsepto at bupong pagkakabuo nito na

naging bahagi na ng kulturang Pilipino.

You might also like