Professional Documents
Culture Documents
Konseptong Papel
Konseptong Papel
2018
Anu-ano nga ba ang mga hilig ng kabataan? Tinatawag itong larong Pinoy, mga laro na
maaaring laruin sa kalsada o sa bakuran lamang. Karaniwang bata na may edad lima
hanggang sampung taong gulang, o higit pang naglalaro nito noon. Sa kasalukuyan
bilang na lamang ang bilang ng mga kabataang kilala ang mga larong ito, dahil sa
paglaganap ng teknolohiya. Mga pagbabago at mg imbensiyon na tao rin ang may
gawa. Nabubura na ang marka ng yeso sa daan, napunit na ang mga lata sa basurahan,
nagkalat na ang mga goma sa imbakan, at pabata ng pabata ang dumaranas ng dati ay
mailap na karamdaman.
Dahil sa teknolohiya nag-alpasan ang ibat-ibang suliranin,karamihan ukol sa
kabataan, magiging makabuluhan kung pag-aaralan ang epekto ng teknolohiya sa mga
larong Pinoy upang mabatid ng lahat ang halaga nito sa lipunan at kulturang
Pilipino.