You are on page 1of 1

St.

Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

FILIPINO SA IBA’T-IBANG DISIPLINA


GABAY SA PAGREREVYU PARA SA MIDTERM EXAMINATION

SIKOLOHIYANG PILIPINO
- bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng Pilipino, batay sa kabuuang paggamit ng kultura at wikang
Filipino.
Virgilio Enriquez
- Itinuturing na ama ng sikolohiyang Pilipino
- Nag-aral ng post-graduate studies sa ibang bansa

6 na mungkahi ng kategorya sa pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino

Kamalayan – tumutukoy sa damdami’t kaalamang nararanasan


Ulirat – tumutukoy sa pakiramdam sa paligid
Isip – tumutukoy sa kaalaman at pag-unawa
Diwa – tumutukoy sa ugali, kilos o asal
Kalooban – tumutukoy sa damdamin
Kaluluwa – daan upang mapag-aralan ang tungkol sa budhi ng tao

Tatlong Anyo ng Sikolohiya sa Pilipinas

Sikolohiya sa Pilipinas
- Lahat ng mga pag-aaral, libro (textbook), at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino.
- Halimbawa: Ang aklat na galing sa ibang bansa at inilagay sa isang silid-aklatan dito sa Pilipinas ay maaring
maging isang bahagi na ng silid-aklatang iyon. Kaya ito ay may kinalaman sa kabuuang sikolohiya ng ating
bansa kasama na ang mga sariling sikolohiya at ang sikolohiya na nadala ng dayuhan sa bansang Pilipinas
maging ito man ay sa anong paraan at anyo.

Sikolohiya ng mga Pilipino


- Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino.
- Halimbawa: Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat-etniko kung saan ay may kanya-kanyang
nakaugaliang mga kultura kung kaya’t itong nagkakaiba’t -ibang pangkat etniko ng Pilipinas ay ang bumubuo sa
tinutukoy na Sikolohiya ng mga Pilipino.

Sikolohiyang Pilipino
- Nilalayong anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
- Sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino.
- Halimbawa: Ang isang kulturang ipinaiiral ng isang pamilya sa kanilang tahanan ay batayan sa sikolohiyang
Pilipino na nagbibigay ng matatag na katunayan sa pagkakaroon ng sariling kultura na tinutukoy dito.

Sa maikling salita:
Sikolohiya sa Pilipinas – bisita sa bahay
Sikolohiya ng mga Pilipino – tao sa bahay
Sikolohiyang Pilipino – maybahay

- Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay may aspetong maihahalintulad sa tao sa bahay na dalaw lamang samantalang ang
Sikolohiyang Pilipino ay kahalintulad sa taong bahay sapagkat dapat na kusang tanggapin muna o pag-isipan upang
mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal, metodolohikal, at empirikal ng nasabing sikolohiya.

Pahina 1 | 1

You might also like