You are on page 1of 19

CHRISTIAN SAMARITAN HEALTH SERVICES AND TECHNICAL SCHOOL INC.

Tirso Neri – Pabayo Street, Divisoria Cagayan de Oro City

“ANG PANANALIKSIK NG ALAMAT”

IPINASA SA PAARALANG CHRISTIAN SAMARITAN SCHOOL BILANG


PAGSASANGKATUPARAN NG ISANG GAWAIN SA KOMUNIKASYON

NAGPASA:
Capin, Jasmine
Formentera, Mikyla
Torida, Daren Stephen

PINAGPASAHAN:
G. Jason James Ramirez

Disyembre, 2023
BATAYANG NILALAMAN

TSAPTER 1: PAGLALARAWAN NG SULIRANIN.........................................................1


PANIMULA.......................................................................................................................1
1.1 LAYUNIN NG PAG-AARAL....................................................................................2
1.2 PAGLALAHAD NG SULIRANIN.............................................................................2
1.3 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL.........................................................................3
1.4 SAKLAW AT DELIMITASYON................................................................................3
1.5 LIMITASYON.......................................................................................................... 3
1.6 BATAYANG TEORETIKAL.....................................................................................4
1.7 BATAYANG KONSEPTUAL...................................................................................4
TSAPTER 2: PAGSUSURI NG KAUGNAYANG LITERATURA.....................................6
2.1 PAGSUSURI NG KAUGNAYANG LITERATURA MULA SA PILIPINAS................6
2.1 PAGSUSURI NG KAUGNAYANG LITERATURA MULA SA IBANG BANSA.........8
TSAPTER 3: METODOLOHIYA....................................................................................10
3.1 LUGAR NG PANANALIKSIK................................................................................10
3.2 MGA RESPONDE.................................................................................................11
3.3 PANGANGALAP NG MGA DATOS......................................................................12
TSAPTER 4: MGA DATOS...........................................................................................13
TSAPTER 5: PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON................................................27
PASASALAMAT

Nais naming magpasalamat sa mga taong tumulong sa aming pananaliksik at sa mga


estudyanteng sumuporta sa amin. Kami ay talagang nagpapasalamat. Nais din naming
pasalamatan ang aming guro, si G. Jason James Ramirez, sa paggabay sa amin sa
aming pananaliksik. Kung wala ang tulong niya, hindi kami makakatapos at
makakagawa ng maayos. Binigyan niya kami ng tiwala na makumpleto ang aming
pananaliksik. Higit sa lahat, gusto naming pasalamatan ang aming mga magulang sa
paghikayat sa amin na manatiling positibo, at sa iba pang mga guro na tumulong sa
amin habang ginagawa namin ang aming pananaliksik. At panghuli, gusto naming
magpasalamat sa Diyos sa paggabay at pagprotekta sa amin. Kung wala ang lahat ng
mga taong ito, hindi kami magiging matagumpay sa aming pananaliksik.
TSAPTER 1

PAGLALARAWAN NG SULIRANIN

PANIMULA:

Ang panitikan ay mga sulatin at mga akda na nagpapahayag ng mga diwa,


damdamin, karanasan, at kaisipan ng mga tao (www.padayonwikangfilipino.com/ano-
ang-panitikan/). Ito ay maaaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang. Ang
salitang panitikan ay nagmula sa “pang-titik-an,” na nangangahulugang “literature”
(https://filipino.net.ph/panitikan/). Ang panitikan ay repleksyon ng buhay at kaugnayan
ng tao sa daigdig, sa lipunan, at sa Diyos (Escritoria, 2022). Ang panitikan ay isang uri
ng sining na nakapaloob ang mga akdang may nais ipakita at ipahayag. Maaaring
matagpuan sa anyong pasulat, pabigkas, o paaksyon ang panitikan ngunit ito’y may
natatanging anyo o porma (France, 2018). Ayon naman kay Larissa, (2023) ang
panitikan ay hindi lamang simpleng pagsulat ng mga salita sa papel. Ito ay paglalakbay
patungo sa malalim na kahulugan ng buhay, kultura, pamahalaan, relihiyon, at iba pang
mga aspekto ng eksistensya. Sa pamamagitan ng mga akdang ito, nahuhubog natin
ang ating pagkaunawa at pakikisalamuha sa mundo sa pamamagitan ng mga salitang
sumasalamin sa damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot,
at pangamba.

Ang alamat ay isang uri ng kwento na naglalaman ng mga misteryosong


pangyayari o pinagmulan ng mga bagay. Karaniwan itong may mga diyos o diyosa,
mga tauhan, at mga lugar na may mga kapangyarihan o katangian na hindi karaniwang
makita sa tunay na buhay (https://techno2.net/alamat/). Ang mga kwentong alamat ay
kadalasang nagmumula sa sinaunang paniniwala, mitolohiya, o tradisyon ng isang
kultura o komunidad. Ito ay isang uri ng panitikang Pilipino o klase ng kuwento. Ang
Ingles ng alamat ay legend o folklore (https://pinoycollection.com/alamat/). Ang alamat
ay itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang
isang bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na

1
buhay pa rin hanggang ngayon. Kahit na walang makakapagpatunay kung totoo ba
talaga ang mga sinasabi sa mga alamat, iilan lamang ang mga taong nagtatanong
tungkol sa katotohanan ng mga ito (Garzon, 2019). Dinadalumat sa kasalukuyan ang
alamat bilang bagay na nagpapasaysay ng panahon nang may kritikal na pagsasalalay
sa ekolohiya. Sa pagtalunton sa ilang pag-iisip na kanluranin hinggil sa mito, isinasalin
ito bilang “alamat,” na pinasasaysayan bilang masidhing sandali ng pagsasalaysay, na
parating nakikitaon sa kabagayan. Itinutulak ang ekolohikong ugnayan ng alamat at
sangkabagayan sa pagpapahalaga sa mga ito bilang ang nagsasalaysay at
nagpapasaysay para sa isa’’t isa. Sa ganang ito, nilalansag ng alamat ang mga
karaniwang pag-uuri ng panahon bilang “banal” at “dahay,” para sa halip magtaya sa
isang pagdalumat ng panahon, sa metonimikong “kasalukuyan” na parating maalamat,
at samakatwid, parating nakabaling sa lalim at materya (Benitez, 2020).

1.1 LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung ano nilalaman ng alamat. Ang


alamat na naiambag dito ay ang mga isinulat ni Marites Alvarez. Nais ng pag-aaral na
ito na suriin at maunawaan ang mga aspeto, tema, at mensahe na makikita sa alamat
na isinulat ni Marites Alvarez. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga teksto at
pangunahing ideya sa kanyang akda, layunin nito na maipakita ang kahalagahan ng
alamat bilang bahagi ng kultura at panitikan.

1.2 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Layunin ng pag-aaral na ito ay higit na maunawaan ang “Alamat ng Pinya” sa


pamamagitan ng pag-uugnay ng iba’t ibang element ng pagsusuri.

1. Ano ang mensahe ng alamat na isinulat ni Marites Alvarez?


2. Ano ang tema ang ginamit ng alamat na isinulat ni Marites Alvarez?
3. Paano ipinakita ang teoryang realismo sa alamat na isinulat ni Marites Alvarez?
4. Paano ipinakita ang teoryang romantisismo sa alamat na isinulat ni Marites
Alvarez?
5. Papaanong inilarawan ang teoryang moralismo sa alamat na isinulat ni Marites
Alvarez?

2
1.3 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa mga alamat na may ilang mga mahahalagang
aspeto:

Para sa mambabasa. Maging bukas ang kanilang mga kaisipan, maging


malawak ang kanilang kaalaman, at higit sa lahat ay may matutunan silang mabuting
aral.

Sa kaalaman ng mga mananaliksik. Mas lalalim ang pag-unawa sa mga


alamat. Ito ay magbibigay-daan sa mga mananaliksik na masuri ang mga datos at
makabuo ng masusing analisis.

Para naman sa mga guro. Madadagdagan nila ang kanilang mga pamamaraan
sa pagtuturo at makapaghanap ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang
estratehiya. At magdudulot ng mas epektibong pagtuturo at pag-aaral para sa kanilang
mga mag-aaral.

1.4 SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay tungkol sa mga alamat at nakatuon lamang sa


mga alamat na isinulat ni Marites Alvarez, na ngayon ay susuriin ng mga mananaliksik
sa mga sumusunod na baryabol ang tema, mensahe at teoryang nabanggit.

Naglalaman ang pagsusuring ito ng ilang delimitasyon. Ang mga mananaliksik ay


malayang pumili ng uri ng alamat sa bawat gawain na susuriin, at ang mga
mananaliksik ay malayang gumamit ng kompyuter at aklat upang mapadali at tumulong
sa pagsusuri ng kanilang mga dokumento.

1.5 LIMITASYON

Ang bawat pag-aaral ay may mga limitasyon na katulad ng pagsusuring ito, na


maaaring matukoy sa pamamagitan ng mga kahinaan at komento ng mga
mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay maaaring isang limitasyon ng pag-aaral na ito.
Ang paghahanap ng may-akda at mga akdang isinulat niya at ang paghahanap ng

3
impormasyon ay isa sa mga bagay na hindi madali dahil mahihirapan kang magahanap
ng mga kinakailangang sanggunian na gagamitin. Isa sa mga problemang kinakaharap
ng mga mananaliksik ay kung paano makakakuha ng mga respondent dahil wala sila sa
bawat oras ng kanyang oras.

1.6 BATAYANG TEORETIKAL

Ang pagsusuri ay hindi lamang nakatuon sa mga baryabol na nangingibabaw


dito, kundi pati na rin sa dalawang teoryang nasa akda ni Marites Alvarez. Ang
dalawang teorya ay moralismo at realismo.

Una ang realismo, ayon kay (Ki, 2021) ang teoryang relismo ay ang paniniwala
sa katotohanan na mayroon sa mundong ito ay kilala bilang realismo. Ito ay may
kakayahang magbago o manatili sa parehong lokasyon. Pinahahalagahan ng realismo
na ang isang kahulugan ng isang bagay ay hindi lamang sapat sa mga kahulugan nito,
ngunit mayroon ding mas malaking kahulugan.

Pangalawa ang moralismo, ayon kay (Limbo, 2015) ang teoryang moralismo ay
ipinapalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi
lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabambuhay at unibersal na mga
katotohanan at mga di mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.

1.7 BATAYANG KONSEPTUAL

Iginuhit ng mananaliksik ang rosas na sumisimbolo ng akda na isinulat ni Maritez


Alvarez sa alamat.

Ang teoryang moralismo at realismo sila ang bumubuo ng rosas sapagkat


napakaloob sa piling akda ni Marites Alvarez na kapag diniligan natin ang halamang
rosas at inalagaan ay namumulaklak at naihahalintulad na marami pa tayong
matutuklasan kung susuriin natin ng mabuti.

Ang istilo ay inihahalintulad ng mga mananaliksik sa mga tangkay ng rosas dahil


ay nagsisilbing naka-usbong parin at nakatayo.

4
Ang mensahe naman ay mahahalintulad ng mananaliksik sa dahon sapagkat
maiuugnay ito sa pag-usbong at pag-asa, nagpapakita na kahit na magdaan ang mga
panahon ng pag iyak o pagkawala, maaaring nagkaroon ng pag usbong at pag asa sa
hinaharap.

5
TSAPTER 2

PAGSUSURI NG KAUGNAYANG LITERATURA

Sa bahaging ito ng pananaliksik, tatalakayin natin ang mga kaugnayang literatura


ukol sa alamat. Ang alamat ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng iba't ibang mga
grupo sa buong mundo. Upang maunawaan ang konsepto ng alamat at ang
kahalagahan nito sa mga lipunan, mahalaga na suriin ang mga pag-aaral, akda, at
pananaw ng mga mananaliksik hinggil dito.

2.1 PAGSUSURI NG KAUGNAYANG LITERATURA MULA SA PILIPINAS

Ang alamat ay isang tradisyonal na kwento o salaysay na naglalarawan ng mga


mahahalagang pangyayari, tauhan, at mga elemento ng isang kultura. Ipinapakita nito
ang mga pinaniniwalaan, kaugalian, at mga pangarap ng isang lipunan. Sa panitikan,
ang alamat ay isinasaad sa paraang makabuluhang nagbibigay-diin sa mga
simbolikong elemento at aral nito. Ayon kay Nicanor G. Tiongson (2017), ang alamat ay
may malalim na koneksyon sa pag-iral ng mga sinaunang kabihasnan at nagpapakita
ng kanilang pananampalataya at kultura. Nakakatulong ang mga alamat sa
pagpapahayag ng mga halaga, aral, at pag-iral ng isang kultura. Ayon kay F. Landa
Jocano (2010), ang mga alamat ay nagiging mahalaga dahil nagbibigay ito ng
pagsasanay sa mga tao ukol sa kanilang kultura, moralidad, at kasaysayan. Ang mga
alamat ay nagpapahayag ng mga ideya tungkol sa kung paano mabuhay nang tama at
may kahulugan, at kung paano magtagumpay sa harap ng mga pagsubok. Ayon kay
Jose Rizal (1887), ang alamat ay naglalaman ng mga pangarap, halaga, at karanasan
ng mga tao sa isang partikular na lugar. Ang alamat ay isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagaysa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao
atpook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan (Yason, 2015).

Alam naman natin na malaki ang naiambag ng alamat sa kulturang Pilipino.


sapagkat sa ganitong paraan natin nababatid kung saan nagmula ang mga
tao,bagay,lugar at mga katawagan. Bagama't isa lang itong haka-haka para sa
karamihan pero may mga mapupulot naman tayong aral dito. Ang mga alamat din ang

6
nagiging instrumento natin upang mapalawak pa ang ating sariling imahinasyon. Isa din
ito sa mga bagay na maipagmamalaki nating mga pilipino dahil ang pagbabasa ng mga
alamat ay paminsan-minsan naka-aapekto sa atin, sapagkat iniisip natin na ano kaya
marahil ang gagawin natin kung tayo ang nasa katayuan ng tauhan? Sa ganyang
paraan natatanto natin ang mga leksyon at ang mga bagay na dapat na nating gawin
upang maitama natin ang ating mga pagkakamali. Masasabi talaga natin na tunay na
mahalaga ang bawat alamat. Kaya naman nararapat lamang na panatilihin at
ipagpatuloy ang paglaganap nito sapagkat marami pang mga henerasyon ang
naghihintay na matuklasan ang iba't ibang uri ng mga kwento na nanggaling sa ating
mga ninuno (Legados, 2014).

Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng


mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Bagama't karaniwan nang sinasabi
bilang "totoo" na mga kuwento, ang mga alamat ay kadalasang naglalaman ng mga
supernatural, kakaiba, o napaka-imposibleng element
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Alamat). Ang mga alamat ay mga kwentong pumapaligid sa
mga sinaunang kultura ng ating bayan. Sa pamamagitan ng mga salaysay, ito’y
naglalahad ng mga kuwento tungkol sa mga diyos, diyosa, bayani, at mga mahiwagang
nilalang. Sa ilalim ng mga salaysay na ito, naihahayag ang kagandahan ng ating kultura
at ang pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino
(https://www.sanaysay.ph/ano-ang-alamat/). Ang alamat o legend ay isang uri ng
tradisyonal na kwento tungkol sa isang tao o lugar. Madalas itong tinatanggap bilang
makasaysayan na nanggaling sa mga ninuno ngunit hindi matitiyak na ang kwento ay
may purong katotohanan. Ang alamat ay may kasamang katotohanan sa kwento gaya
ng pangunaing tauhan ngunit kadalasang pinagrabe ang pagkakakwento dito. Ang
alamat ay kadalasang tungkol sa mga gawaing kabayanihan ngunit maari ding tungkol
ito sa kasamaan (https://gabay.ph/alamat/). Alamat ang tawag sa pasalitang literatura
na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Mga simpleng istorya ito na
nagsasalaysay kung saan nanggaling ang maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran.
Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at
sa pinanggalingan ng mga hayop at halaman. Ang alamat ay isang bahagi ng malawak
na kwentong bayan. Lalong nagkakahugis ang mga ideya ng kapaligiran kung may mga

7
ganitong pasalitang literatura na naisusulat at naikukuwento sa mga kabataan. Sinasabi
na bukod sa nakaaaliw ito sa mga mambabasa ay nakapagtuturo rin ito ng aral upang
makamit natin ang kabuuang kaunlaran (https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/).
Mga alamat, mito, at diyos-diyosan—ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng kagila-
gilalas na mundo ng mitolohiya. Ito ay hindi lamang isang pagsasalaysay ng mga
kwento, kundi isang larangan ng pag-aaral na nagbibigay ng makabuluhang pag-unawa
sa mga kaisipan, pagpapahalaga, at pagkilala sa ating nakaraan at kasalukuyan
(https://filipino.net.ph/mitolohiya/).

2.1 PAGSUSURI NG KAUGNAYANG LITERATURA MULA SA IBANG BANSA

Ang alamat ay mga tradisyonal na kwento o salaysay na madalas na naglalaman


ng mga diyos, mga bayani, at mga supernatural na nilalang. Ginagamit itong mga
paliwanag para sa mga likas na pangyayari, ang pinagmulan ng mundo, at ang mga
kaugalian at paniniwala ng isang lipunan. Ayon kay Joseph Campbell (1949), ang mga
mito ay "ang lihim na pinto kung saan umaagos ang walang katapusang enerhiya ng
kalawakan tungo sa pagpapakita ng kultura ng tao. Ang mga sikolohista at mga iskolar,
tulad ni Carl Jung (1964), ay naglaan ng panahon upang tuklasin ang sikolohikal na
aspeto ng mga alamat. Inihayag ni Jung ang konsepto ng "kolektibong di-siksik na
kamalayan," na nagpapahiwatig na ang mga alamat ay simbolikong pagpapahayag ng
pang-unibersal na karanasan ng tao at mga arketype na nagkakasundo sa sikolohiya
ng tao. Ang mga alamat ay umiiral sa iba't ibang anyo sa iba't ibang kultura sa buong
mundo. Ang mga komparatibong mytologo tulad ni Mircea Eliade (1959) ay nag-aral ng
mga pagkakatulad at pagkakaiba sa mga alamat mula sa iba't ibang kultura, na
nagpapalakip sa mga pangkaraniwang tema at arketypong naglalampas sa heograpikal
at temporal na mga hangganan. Isang simbolikong kuwento, karaniwang walang tiyak
na pinagmulan at kahit papaano'y tradisyunal, na tila naglalakip ng tunay na mga
pangyayari at ito'y espesyal na kaugnay sa relihiyosong paniniwala. Ito ay hinahanap
mula sa simbolikong pag-uugali (kulto, rituwal) at simbolikong mga lugar o bagay
(templo, mga imahe) (Bolle, 2023). Ang isang alamat ay maaaring ituring bilang isang
tradisyunal na kwento o kuwento ukol sa isang pangkasaysayang pangyayari, tao, o
lugar, na maaaring kasama ang mga himala o sobrenatural na pangyayari. Ang mga

8
kuwentong ito ay ipinapasa mula sa henerasyon hanggang henerasyon at kadalasang
naglalayong magturo ng mga aral sa moralidad, ipaliwanag ang mga natural na
pangyayari, o magbigay aliw (Claire, 2023).

Ang alamat ay isang karaniwang tradisyunal na kuwento ng tila hayskuladong


makasaysayang mga pangyayari na naglalayong ipakita ang bahagi ng pananaw ng
mundo ng isang tao o ipaliwanag ang isang gawain, paniniwala, o likas na kaganapan
(https://www.merriam-webster.com/dictionary/myth). Ang Mythopedia ay isang
kumpletong online na ensiklopedya na nakatuon sa pag-aaral ng mga mito, alamat, at
kuwentong bayan mula sa iba't ibang panig ng mundo. Nagbibigay ito ng malawak na
koleksyon ng mga artikulo, pagsusuri, at mga sanggunian tungkol sa iba't ibang
tradisyon ng mitolohiya, kasama ang kanilang pinagmulan, simbolismo, at kultural na
kahalagahan. (https://mythopedia.com/). Pinapanatiling laganap, pinoprotektahan, at
ipinapagpatuloy ng Joseph Campbell Foundation ang trabaho ng mitolohiyang
dalubhasa na si Joseph Campbell. Ang kanilang website ay nagbibigay ng iba't ibang
mapagkukunan, kasama ang mga artikulo, video, at materyales na pang-edukasyon, na
naglalayong suriin ang mga unibersal na tema at padrino na matatagpuan sa mga mito
sa iba't ibang kultura at panahon. (http://www.jcf.org/). Ang Oxford Research
Encyclopedia ng Relihiyon ay nagbibigay ng malalim na mga artikulo at mga
pananaliksik tungkol sa iba't ibang aspeto ng relihiyon, kasama na ang pag-aaral ng
mitolohiya. Tinatalakay nito ang iba't ibang tradisyon ng mitolohiya, ang kanilang
kasaysayan, at epekto sa kultura, literatura, at relihiyosong mga gawain.
(https://oxfordre.com/religion/). Ang website ng American Folklore Society ay
nagbibigay ng mahahalagang mapagkukunan tungkol sa pag-aaral ng folklore at
mitolohiya, sa Estados Unidos at internasyonal. Nagbibigay ito ng access sa mga
akademikong artikulo, publikasyon, at impormasyon tungkol sa mga kumperensya at
mga pangyayari na kaugnay ng larangang ito. (https://www.afsnet.or).

9
TSAPTER 3

METODOLOHIYA

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Ayon


kay (Pizana, 2014) tumutukoy sa metodolohiya ang metodo, iskema, plano para
matapos ang isang gawain.

Amg disenyong ginagamit sa pag-aaral na ito ay kuwalitatibo. Ayon kay (Denzin


at Lincoln, 2000) ang kuwalitatibong pananaliksik ay nagsusuri sa mga bagay na natural
na pamamaraan o pangyayari. At ang kuwalitatibong pananaliksik ay naraming uri, at
isa sa mga uri nito ay palarawang pamaraan o deskriptong pamaraan.

Batay naman kay (Pineda, 1963) na ang paglarawang pananaliksik ay isang


imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan tungkol sa isang bagay o
paksa. Mayroong dalawang uri ng panlarawang pamaraan, isa dito ay ang pagsusuri ng
dokumento.

Ayon naman kay (Silva, 2013) ang pagsusuri ng dokumento ay ang pagsusuri ng
mga nagsusulat ng rekord at mga dokumento.

3.1 LUGAR NG PANANALIKSIK

Ang lugar ng pananaliksik ay isa sa pinakamahalagang elemento ng pananaliksik


na kung saan makikita ang responde at dito rin matatagpuan ang napiling lugar ng
mananaliksik, ang Christian Samaritan Health Services and Technical School. Ang
Christian Samaritan Health Services and Technical School ay matatagpuan sa Pabayo,
Tirso-Neri St. Brgy. 9, Cagayan de Oro City sa probinsya ng Misamis Oriental na kung
saan matagapuan sa Mindanao. Ang Cagayan de Oro City ay ang kabisera na
lalawigan ng Misamis Oriental kung saan ito ay kabilang sa rehiyon ng Northern
Mindanao o Rehiyon X.

10
Ang lugar ng pananaliksik ay isa sa pinakamahalagang elemento ng pagsusuri o
pag-aaral sapagkat dito magaganap ang pangangalap ng datos mula sa napiling
responde ng mananaliksik ang Christian Samaritan Health Services and Technical
School.

3.2 MGA RESPONDE

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang


sinasaliksik, kinakailangan ng mga respondente na sasagot sa mga katanungan. Ayon
kay (Dooley, 2014) ang respondente ang pagkuha ng sampol ng populasyon na
maaaring gawan ng pag-aaral o kaya’y tutugon sa talatanungan ng pananaliksik.

Sa pagpili ng responde, gagamitan ng mananaliksik ang sampling technique.


Ang sampling technique ay isang prosesong isinagawa sa pagpili ng gagawing
kinakatawan na bahagi ng isang populasyon at napiling kalahok ay tatawagin namang
sampol (Taquerro, 2003). Ayon kay (Dirain, 2014) ang sampol ang kinatawan ng isang
populasyon.

May dalawang uri ng sampling at ang gagamitin ng mananaliksik ay non-


probability sampling. Ang non-probability sampling ay ang hindi pagkapantay-pantay ng

11
tiyansa sa lahat ng parte (Dirain, 2014). May dalwang uri na kung saan ang gagamitin
ng mananaliksik ang convenience sampling.

Ang convenience sampling, ito ay ang paglikha ng sampol o tagatugon pabor sa


katayuan o kalagayan ng mananaliksik (Taquerro, 2017) at ang nakakuha ng sampol ay
ang mga sumusunod: Enan Julio Quindo, Daisy Jean Sabuerro, at Liyhan Ivory Lim.

3.3 PANGANGALAP NG MGA DATOS

Upang mapadali ang pagkuha ng mga datos ng isang mananaliksik gagamit ang
mananaliksik ng talatanungan o kwestyunan.

Ayon kay (Banaril, 2016), sa talatanungan nakalagay ang mga impormasyong


pagbabatayan ng mga kasagutan sa pananaliksik. Dapat taglayin dito ang pagiging
maikli, malinaw at maayos upang maging tumpak ang makukuhang datos o
impormasyon.

Ang uri ng talatanungan na ginamit sa mananaliksik ay ang open-end format na


kung saan ang mga responde ay may kalayaan na ipahayag ang kanilang mga sagot sa
mga katanungan ayon sa kanilang sariling pag-unawa.

12
TSAPTER 5

PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON
Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat
ng Rosas” sa Teybol 1.1, ayon sa kanyang bisa sa isip ang naisip niya matapos
basahin ang alamat ay napakagandang paglalahad nito tungkol sa rosas, maging sa
karakter ni Rosa ay maayos na naipakita ang talambuhay niya. Ayon sa kanyang bisa
sa damdamin ang naramdaman niya pagkatapos basahin ang alamat ay napakalungkot
dahil hindi nirespeto ni Cristobal ang desisyon ni Rosa na hindi siya mag-aasawa kaya
hindi nakatimpi si Cristobal, inagaw niya si Rosa at pinatay. Ayon naman sa bisa sa
asal ang nakaloob daw sa alamat na ito sa asal ay nagtataglay ng mensahe na kahit
ano mang hirap, huwag natin kalimutan ang mag-dasal sa Diyos upang tayo ay may
gabay.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Makahiya” sa Teybol 1.2, ayon sa kanyang bisa sa isip ang kaniyang nasaisip
matapos basahin ang alamat ay nakabase din ito sa totoong buhay kung saan ay ang
mga tao din ay namimili kung sino ang kanilang tutulungan. Ayon sa kanyang bisa sa
damdamin ang kaniyang naramdaman pagkatapos basahin ang alamat ay nalungkot
kasi si makahiya ay namimili kuing sino ang kanyang tutulungan. Ayon naman sa bisa
sa asal ang nakaloob sa alamat na ito ay asal na nagtataglay ng mensahe na dapat
wag pipiliin kung sino ang tutulungan, dapat pantay-pantay lang kahit di mo pa kilala
ang iyong tutulungan.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Dama de Noche” sa Teybol 1.3, ayon sa kanyang bisa sa isip ang nasaisip niya
matapos basahin ang alamat ay napagtanto kung hinding hindi nabubura ang mga ala-
ala sa minamahal. Laging nasaisip ang kanilang ala-ala nito kahit sa mga taong
nakasaksi ng kanilang pagmamahalan. Ayon sa kanyang bisa sa damdamin ang
kaniyang naramdaman pagkatapos niyang basahin ang alamat ay malungkot dahil sa
pinagdadaanan nilang dalawa. Ayon naman sa bisa sa asal ang nakaloob sa alamat na

27
ito sa asal ay nagtataglay ng mensahe na tsaka mo na talaga mararamdaman ang pag
sisisi sa huli o kung ikaw ay nawalan tsaka na napapahalagahan.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Rosas” sa Teybol 2.1. Ang tema ng Alamat ng Rosas ay nagpapakita ng
pananampalataya sa Diyos at hindi paggalang sa desisyon ng isang tao.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Makahiya” sa Teybol 2.2. Ang tema ng Alamat ng Makahiya ay nagpapakita ng di
patas ng pagtrato.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Dama de Noche” sa Teybol 2.3. Ang tema ng Alamat ng Dama de Noche ay
nagpapakita ng pag aalala sa minamahal.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Rosas” sa Teybol 3.1. Ang istilo na ginamit ng may-akda sa alamat ay pasalaysay.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Makahiya” sa Teybol 3.2. Ang istilo na ginamit ng may-akda sa alamat ay
pasalaysay.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Dama de Noche” sa Teybol 3.3. Ang istilo na ginamit ng may-akda sa alamat ay
pasalaysay.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Rosas” sa Teybol 4.1. Ang teoryang ginamit sa alamat ay realismo at ito’y
pinapatunayan ng linyang “Ngunit si Cristobal na isang mahigpit niyang mangningibig
ay di makakapayag na di mapasakanya ang dalaga, at tinangka niyang agawin si Rosa
at dinala ito sa hardin.”

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Makahiya” sa Teybol 4.2. Ang teoryang ginamit sa alamat ay moralismo at ito’y
pinapatunayan ng linyang “Tinulungan ng isang diwata ang langgam at pinarusahan ng
diwata ang punong ligaw.”

28
Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat
ng Dama de Noche” sa Teybol 4.3. Ang teoryang ginamit sa alamat ay romantisismo at
ito’y pinapatunayan ng linyang “Mahal kita. Ibig kong paglingkuran ka pa. Ngunit
kinukuha na ako ni Bathala.”

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Rosas” sa Teybol 5.1. Ang aral ng makukuha sa Alamat ng Rosas ay sa anumang
hirap huwag natin kalimutan na may Diyos na gumagabay sa atin at maging mabuti
tayo sa kapwa.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Makahiya” sa Teybol 5.2. Ang aral na makukuha sa Alamat ng Makahiya ay huwag
mamili sa iyong tutulungan dapat pantay-pantay ang iyong dapat tulungan.

Ayon sa aming pag iinterpreta sa sagot ng aming responde sa akdang “Alamat


ng Dama de Noche” sa Teybol 5.3. Ang aral na makukuha sa Alamat ng Dama de
Noche ay pahalagahan mo ang nasaiyo ngayon upang hindi mo pagsisihan sa huli kung
ito’y wala na.

29
30

You might also like