You are on page 1of 18

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan –
Ang aklat na Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ay naglalayong malinang ang kasanayan at kaalaman sa
panimulang pananaliksik ng mga mag-aaral na Senior High School batay sa
bagong kurikulum ng K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon. Sinasanay ang
mga mag-aaral na maging mapanuri tungkol sa iba-ibang usapin sa kanilang
paligid, sarili, pamilya, kapaligiran, lipunan, kultura, at sa daigdig sa
kabuuan. Sa pamamagitan ng simpleng dulog modyular na ginamit sa bawat
aralin, inihahanda ang mga mag-aaral na maging lohikal at kritikal sa
pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto na kanilang magiging batayan sa
pagbuo ng isang makabuluhang pag-aaral.
Nakabatay ito sa mga kasanayan sa pagkatutong itinatakda ng Kurikulum
para sa K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon.
Nagtataglay ng mga babasahin, mga gawain, mga
pagtataya, at mga pagpapahalagang iniangkop sa
kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang higit
namaging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili,
nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at
makapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga
pagsubok at realidad ng totoong buhay.
Pamantayang Pangnilalaman:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig
Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
Layunin:
 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang
tekstong binasa Week 1 F11PB – IIIa – 98
 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa Week 1 F11PT – IIIa – 88
Suriing mabuti ang bawat larawan sa ibaba
at tukuyin ito.

Mangunguna Festival
St. James Parish Church
Bolinao Integrated School
MGA URI NG
TEKSTO
1.Argumentatib
- ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na
kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang
pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. Naglalayon din
ang tekstong ito na mapatunayan ang katotohanan nang
ipinapahayag at ipatanggap sa bumabasa ang
katotohanang ito.
Halimbawa nito ay mga editoryal.
2. Impormatib
- naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong
impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos
ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at
kaisahan.
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay mga kasaysayan
at mga balita.
3. Deskriptib
- nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang
tao, bagay, lugar, at pangyayari. Sa madaling sabi,
ang tekstong ito ay may layuning maglarawan ng
isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba
pa.
4. Persweysib
- tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.
Naglalayon ang uri ng tekstong ito na
kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang
isyu.
Halimbawa nito ay ang mga nakasulat na
propaganda sa eleksyon at mga advertisement.
5. Naratib
- isang tekstong naglalahad ng magkakasunod-
sunod na pangyayari o simpleng nagsasalaysay.
Ang halimbawa nito ay mga akdang
pampanitikan. Layunin ng tekstong ito na
magsalaysay o magkuwento batay sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
6. Prosidyural
- ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong
pagkakasunod-sunod ng malinaw na hakbang
sa pagsasakatuparan ang anumang gawain.
Layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng
sunodsunod na direksiyon at importansiya sa
mga tao upang tagumpay na maisagawa ang
mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na
paraan.
PANUTO: BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA PAHAYAG SA IBABA. ISULAT ANG SAGOT SA ¼ NA
PAPEL.

•1. Makipagtalo upang mapatunayan ang katotohanan at


nang maipahayag at matanggap ng bumabasa ang
katotohanang ito.
•2. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga
tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman
ng tao.
•3. Mga serye ng impormasyon tungkol sa isang bagay
4. MAAARING MAGTAGLAY NG ANEKDOTANG
NAGLALARAWAN NG MGA TAUHAN, EKSENA AT MGA
DETALYE NG MGA PANGYAYARI.
5. MAGLAHAD NG MGA KONSEPTO, PANGYAYARI, BAGAY
O MGA IDEYANG NANGHIHIKAYAT SA
MAMBABASA.
6. ANG MAMBABASA AY TILA DIREKTANG NAKASAKSI SA
MGA PANGYAYARING INILALAHAD SA
PAMAMAGITAN NG MASINING NA PAGLALARAWANG
GINAGAMIT NG MANUNULAT.
Batay sa mga larawang nakita kanina sa
simula ng aralin, pumili ng isang larawan
at sumulat ng isang uri ng teksto
(argumentatib, impormatib, deskriptib,
persweysib, naratib at prosidyural).

You might also like