You are on page 1of 1

Joenel C. Yagonia Grade 12- St.

Odo
Filipino sa Piling Larangan

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa saloobin at pananaw ng mga estudyante


patungkol sa epekto ng mga tambak na gawain sa paaralan sa pisikal, mental, at
emosyonal na kalagayan ng bawat estudyante. Ang pamanahong-papel na ito ay
ang tungkol sa mga posibleng dahilan, epekto at solusyon sa pagkakaroon ng
tambak na mga gawaing pampaaralan sa mg estudyante.

Ang mga estudyante ng St. Scholastica’s College Tacloban Inc. ang mga
“respondents” ng pag-aaral. Makikita ng lahat kung gaano kaimportante ang
posibleng suliranin ang pagkakaroon ng tambak na gawaing pampaaralan sa
pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan ng mga estudyante. Para sa mga
respondente, maibabahagi nila ang kanilang mga saloobin, reaksyon, mungkahi,
kaalaman at mga komento ukol sa isyung ito.

Lumabas sa pag-aaral na maraming mga estudyante ang nakakaranas ng


“stress”, “anxiety”, at “depression” dahil sa tambak na gawain. Nais din nila na
magkaroon ng inspirasyon na gagamitin nila sa kanilang pag aaral. Lumabasdin sa
surbey na malaki ang epekto nito sa pag-aaral at kalusugan ng mga estudyante.
Mahalaga rin na alam nila ang mabuti at masamang dulot nito sa mga estudyante
at sa kanilang pag-aaral.

You might also like