You are on page 1of 1

Rasyonale:

Dapat ito gawan ng pananaliksik dahil sa sobrang dami ng mga takdang-aralin at proyekto na ibinibigay sa mga
estudyante ay nakakadulot ito ng stress, pisikal at kaisipan na problema sa kalusugan ng isang estudyante ay
mailalagay sa peligro ayon sa Mayo Clinic Staff(2019). Ang mgs estudyante na hindi makayanan ang stress sa
akademiko ay maaaring makapagresulte ng psycho-social at mga kahihinatnan sa pangkalusugan sa emosyonal
pahiwatig ni Joeie Cuerpo. Dulot ng sobrang daming Gawain sa eskwelahan ang mga estudyante ay umiinom ng
maraming kape at nasosobrahan sila sa sobrang caffeine na siyang nagpapa aktibo sa kabalisahan sa pag iisip at
iyon ay kasali sa siteasyon na nagdudulot ng sakit ng ulo, kasama na pati ang mga problema sa pamilya at
personal at sa paaralan.

Ang hindi pagpasa sa tamang oras at hindi maayos ang kalidad ng isang produkto o proyekto ay isa sa mga
paraan para malaman na ang workload ay sumosobra na (Centre, K., 2002 ). Ayon kay Orla Ní Shúilleabháin (2013),
Ang paggamit ng wastong oras at pag iwas sa procrastination ay makakatulong na mas maging malikhain at mas
maging produktibo ang isang estudyante. Ang average na oras ng paspasok ay 8:00 am ng umaga at ito’y
nagdudulot ng hindi sapat na oras ng pagtulog. Ang sapat na tulog ay nakakpagbigay ng maayos at magandang
pisikal,mental, sisyolohikal na estado sa mga estudyante at ang hindi pagtulog ng sapat ay makakaresulta ng
pagkahina ng resistansya at pagbagsak ng grado ( Ackermann, K, PhD, )

You might also like