You are on page 1of 3

Bagama’t isang negatibo at ‘maladaptive’ na kasanayan, ang

‘procrastination’ o pagpapaliban na gawain ay kinakitaan din ng positibong dulot

sa mga indibidwal lalo na sa mga mag-aaral na nagsasagawa ng kasanayang ito.

Kaugnay sa mga isinagawang pag-aaral nina Schraw, Wadkins, at Olafson (2007)

ang ‘procrastination o pagpapaliban ng gawain ay may maganda ding maidudulot

sa mga mag-aaral sa aspektong kapag ang isang mag-aaral ay napapadali sa

mga gawain o pinagmamadali ay mas maganda ang naipapakita nilang resulta

sa kanilang ginawa kaysa sa mga hindi nagmamadali sa kanilang gawain.

Dagdag pa, ang mga mag-aaral na nagpapaliban ng gawain na sa mismong oras

ginagawa ang isang bagay ay sila pa ang nakakagawa ng maayos na tungkulin

(Vacha at McBride, 1993). Ang mga pag-aaral na ito ay binigyang importansya

na ang pagpapaliban ng mga gawain ay may positibong kalalabasan salungat sa

mga tradisyonal na nakagisnan na ang pagpapaliban ay isang negatibong

kasanayan. Dagdag pa rito, isang mahalagang implikasyon para sa mga guro na

dapat ay makita nila sa kanilang kamalayan na ang mga mag-aaral na

nagpapaliban ng gawain ay maaaring ginagamit lamang ito bilang kanilang

diskarte upang ang gawain ay maging kawili-wili at mayroong magandang resulta.

Sa kabila ng positibong dulot ng pagpapaliban ng gawain, mas

nangingibabaw pa rin ang mga negatibong dulot nito. Ayon sa isang pag-aaral naSa kabila ng positibong
dulot ng pagpapaliban ng gawain, mas

nangingibabaw pa rin ang mga negatibong dulot nito. Ayon sa isang pag-aaral na
12

Emilio Aguinaldo College-Cavite

Senior High School

isinagawa ni Steel (2007), ang mga taong ginagawang libangan ang

pagpapaliban ng gawain ay siyang mas nakakadanas ng pagkabalisa at kawalan

ng kumpiyansa sa kaniyang sarili. Ayon naman kina Bautista et al. (1990), isa sa

kahinaan ng mga Pilipino ay ang kawalan ng displina na nagdudulot upang hindi

mabigyang pansin ang kahalagahan ng oras at mabelawala ang isinasagawang

gawain. Hindi nasasanay ng isang mag-aaral ang kanyang sarili na magpasa ng

gawain sa takdang oras kaya nagkakaroon ito ng higit na pag-iisip sa isang

bagay kung matatapos niya ba ito o hindi.

You might also like