You are on page 1of 12

BUHI ST. JOSEPH ‘ S ACADEMY , INC.

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


San Pedro, Buhi, Camarines Sur
Taong Panuruan 2023-2024

Epekto ng pagpupuyat sa Akademikong Performans ng mga


Mag-aaral sa Buhi St. Joseph Academy Inc.

Isang Sulating Pananaliksik na Inihanda kay:


G. Kim Boringot
Guro sa Pananaliksik
ng Buhi St. Joseph ‘ s Academy, Inc.-Senior High School
Department
Buhi, Camarines Sur

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa


Pangangailangan ng Asignaturang:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

nina;
Arcilla, Quenie Jane C.
Bona, Earl Anthony N.
Curva, Mar Gabriel E.
Dacoco, Danyca A.
Fabia, Dayana C.
Peñas, Jasmine B.
San Antonio, Riza Alex S.
Lopez, Freshia R.
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRA NITO

RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang edukasyon ay susi sa tagumpay ngunit ang

akademikong performans bahagi nito. Mahalaga ang edukasyon

upang mas malinang ng mga mag-aaral ang kanilang talento.

Ginagamit ng mga guro ang akademikong performans upang

malaman ang talento, at galing ng mga mag-aaral. Ang

akademikong performans ay isa sa mga dahilan upang maging

mas tumataas ang grado ng mga mag-aaral ngunit minsan sa

ganitong kadahilanan ay nagiging dahilan din ito upang mag

puyat ang mga mag-aaral para lamang matapos ang kanilang

proyekto at minsan naman ay upang sila ay makapag review,

o kaya naman kung sila ay may pagsusulit sa kanilang

paaralan. Kadalasan itong nagiging dahilan o naging

dahilan sa pagpupuyat ng mga mag-aaral, at may epekto

ito sa kanilang pisikal at mental na pangangatawan ngunit

dahil gusto ng mga kabataan lalo na ng mga mag-aaral na

tumaas ang kanilang grado ay hindi maiiwasan ang

pagpupuyat. Sa panahon ngayon na umiiral na ang

teknolohiya marami sa mga kabataan ay mahilig ng gumamit

ng gadget na minsan din na nagiging dahilan ng kanilang

pag pupuyat. Ang pagpupuyat ay maraming nadudulot sa mga

mag-aaral kalimitan sa mga epekto ng pagpupuyat ay


1

pagiging huli kung sila man ay may pasok, pagigiling

laging tulala, pagkakaroon ng eyebags, minsan ay wala sa

sarili at kadalasan sa panahon ngayon ay pagkakaroon ng

sakit dahil dito hindi mapigilan ng mga magulang na mag

alala sa kalagayan ng kanilang mga anak.

Ang pagpupuyat ay mayroong maganda at hindi magandang

naidudulot sa atin lalo na sa mga mag-aaral. Ang

pagpupuyat ang nagiging dahilan ng ating pagkabalisa at

minsan ay pag kawala sa sarili. Ang mga mananaliksik ay

nais pag-aralan kung ano ang mas nagiging dahilan upang

magpuyat ang mga kabataan lalo na ang mga mag-aaral at

kung pano maiwasan ang ganitong gawain. Kalimitan sa mga

nababalitaang nag pupuyat ay mag-aaral na menorde edad na

nagiging dahilan upang sila ay magkasakit at minsan naman

ay pagkababa ng kanilang grado dahil sa pagiging huli sa

pagpasok at minsan ay natutulog sa klase dahil sa puyat

na nagiging dahilan upang mag-alala ang kanilang mga

magulang. Nais ng mananaliksik malaman kung ano ang

magiging resulta ng pagpupuyat ng mga mag-aaral, sino ang

mas maaapektohan nito at paano mababawasan ang pagpupuyat

lalo na sa mga kabataang mag-aaral. Ito ay para sa mga

kabataan at mag aaral at para rin ito sakanilang

kalusugan at maiwasan ang ganitong gawain dahil malaki ang

epekto nito sa kanilang kalusugan,


2

Ang pagpupuyat ang nagiging dahilan ng ating pagkabalisa

pagiging tulala at minsan ay pag kawala sa sarili, at

maari pang magkaron ng insomia. Kaya dapat natin itong

alamin, tuklasin, at saliksikin para madagdagan ang ating

kaalaman o mangalap ng ibang impormasyon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pagpupuyat ay isang malaking salik sa performans

ng isang mag-aaral kung kaya't minsan ay humahantong ito

sa pagtulog niya sa klase na maaaring maging sanhi sa

pagbaba ng kaniyang grado.

Dahil dito, nais malaman ng mga mananaliksik ang epekto

ng pagpupuyat sa akademikong aspeto ng mga mag-aaral mula

sa Senior High School ng Buhi St. Joseph Academy Inc.

Upang matukoy ang mga salik na nagiging dahilan ng

kanilang pagpupuyat gayundin ang magiging epekto nito sa

kanilang akademiko kung ito ay lagi nilang nararanasan.

Sa pag-aaral na ito, naglalayong sagutin ng

mananaliksik ang mga pwedeng maging epekto ng

pagpupuyat ng mga kabataang mag-aaral sa akademikong

performans. Sa paksang "Epekto ng pagpupuyat sa

akademikong performans ng mag-aaral sa Buhi St. Joseph's

Academy Inc." Layunin ng mananaliksik na s agutin ang

mga sumusunod na suliranin:


3

1. Ano-ano ang mga epekto ng pagpupuyat ng mag-aaral sa

akademikong performans?

2.) Ano ang karaniwang gawi ng isang mag-aaral kapag puyat sa

oras ng klase?

3.)Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng pagpupuyat sa

kalidad ng kanilang pag-iisip?

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang maunawaan

ang mga negatibong implikasyon ng kakulangan sa sapat na

tulog ng pag-aaral at pangkalahatang kalusugan ng mga mag-

aaral. Layunin din nito na makahanap ng mga solusyon o

paraan upang maibsan ang epekto ng pagpupuyat sa pag-aaral

at mabigyan ng tamang suporta ang mga mag-aaral para sa

kanilang kalusugan.

Ang kahalagahan ng pag-aaral sa pagpupuyat ng mga

mag-aaral ay upang maunawaan ang mga negatibong epekto ng

pagpupuyat ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral,

maaari nating maunawaan nang mas malalim ang mga

negatibong epekto ng pagpupuyat sa akademikong performans.

Ito ay maaaring magdulot ng pagbaba ng mga marka,

pagkasira ng konsentrasyon, at hindi epektibong pag-aaral.

Sa pamamagitan ng pag-aaral, maaaring matukoy ang mga


paraan kung paano mabigyan ng tamang suporta ang mga mag-

aaral na nakararanas

ng epekto ng pagpupuyat. Maaaring magkaroon ng mga

guidelines at mga programa na naglalayong matulungan sila

sa kanilang kalusugan.

Mag-aaral: ang pananaliksik na ito ay higit na

makakatulong sa mga mag-aaral dahil mabibigyan sila

ng kamalayan ukol sa mga positibo at

negatibong epekto ng pagpupuyat.

Guro: ang pananaliksik na ito ay mahala sa

mga guro dahil mabibigyan sila ng ideya sa mga

nararamdaman at nararanasan ng mga mag-aara l sa paraan

ng kanilang pagtuturo. Maaari rin itong magbigay ng ideya

sa mga bagong stratehiya na maari gawin ng mga guro

upang mabawasan ang pagpupuyat ng mga mag-aaral dahil sa

akademikong performans.

Magulang: ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng ideya sa

mga magulang upang mas matutukan ang kanilang mga anak.

Maaari din itong magbigay ng ideya sa kanila kung ano

ang mga nararanasan ng kanilang anak tuwing sila ay

nagpupuyat.

Sa mga susunod na mananaliksik: ang pag-aaral na

ito ay maaaring gawing sanggunian ng mga susunod na


mananaliksik ukol sa epekto ng pagpupuyat ng mga mag-

aaral.

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa epekto ng

pagpupuyat sa akademikong performans ng mag-aaral sa Buhi

St. Joseph Academy Inc. na maaaring ibatay o suportahan ayon

sa mga sumusunod na kaugnay na literatura.

Ayon sa isang artikulo mula sa Abante, ang

pagpupuyat ng mga kabataan ay maaaring magdulot ng

negatibong epekto sa kalusugan. Ito ay maaaring magresulta

sa kakulangan ng enerhiya at pagkapagod, pagtaas ng

panganib sa mga sakit tulad ng diabetes at sakit sa

puso, at pagtaas ng emosyonal na stress. Binanggit din

dito na ang pagpupuyat ng mga kabataan ay maaaring

magdulot ng pagtaas ng panganib ng mga sakit, pagkapinsala

sa sistema ng immune at pagkapinsala sa pag-iisip at

pagkapinsala sa pag-iisip at pag-andar ng utak nga mga

tao lalo na ng mga kabataan.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa

Academia.edu, ang pagpupuyat ay maaaring makaapekto sa

pisikal, mental at sikolohikal na katangian ng mga mag-


aaral. İto ay maaaring magdulot ng pagkabalisa,

pagkapraning at iba pang maaaring maging problema sa

pagiisip.

Ayon sa isa pang artikulo mula sa Hello Doctor, ang

pagpupuyat ay maaaring makaapekto sa mental health ng

isang tao. İto ay maaaring mag-trigger ng anxiety

disorders o depresyon lalo na sa mga kabataang mag-aaral.

Ang pagpupuyat ay mayroong malaking epekto sa

kalusugan ng mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral dahil

ito ay nagdudulot ng ibat ibang sakit sa katawan at lalo

na sa mental na kaisipan ng mga Kabataan.

Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

Ang pagpupuyat ay Isa sa pangunahing suliranin ng mga

estudyante na nakakaapekto sa performans ng mga mag-aaral

sa mga gawaing pampaaralan. Sa panahon ngayon marami ng mga mag-

aaral ang nakakaranas ng pagpupuyat sa ibat ibang

kadahilanan. Isa ring dahilan kung bakit hindi

maipagkakailang isa ito sa malaking dahilan kung bakit

bumababa o naaapektuhan ang akademyang performans ng mga

mag-aaral.
7

INPUT

1. Paano nakakaapekto
ang pagpupuyat sa
pagganap ng mag-
aaral?
2. Anong uri ng PROSESO
problema sa pag
pupuyat ng mga mag- • Paggawa ng
aaral AWPUT
6surbey
3. Ano ang mga • Pagbabasa Epekto ng
posibleng epekto ng ng mga pagpupuyat sa
regular na pagpupuyat kaugnay na akademikong
sa akademikong literatura performans ng
performans ng mga • Pag-gawa ng mag-aaral sa
mag-aaral? mga kwesyuner Buhi St.
4. Ano ang kailangan • Pag- Joseph's
gawin ng mga aanalisa ng Academy Inc
nakakataas sa mga nakalap
paaralan upang na datos
mabawasan and regular
na pag pupuyat ng mga
magaaral?
5. Anong mga diskarte
na maaring gamitin
para ma iwasan ang
pagpupuyat ng mga
mag-aaral?

PIGURA 1: KUNSEPTUWAL NA BALANGKAS


Feedback
•Ang kailangan ng kabanata ay malinaw at
maikling panimula na hahawak sa atensyon ng
aming mga mambabasa at maipaliwanag ang
layunin at kahalagahan ng aming pag-aaral.
•Kailangan ng aming kabanata ay organisado
ang pagkakaayos sa ilalim ng mga subheading
na magbibigay-gabay sa aming mga mambabasa
sa aming talakayan. .

SAKOP AT DELIMITASYON NG PAG - AARAL

Sa pag aaral na ito ay nakatuon sa importansya ng

pagkakarooon ng sapat na pagtulog tuwing gabi dahil

karamihan sa mag-aaral sa Buhi St Joseph's Academy Inc.

Lalo na ang mag-aaral sa ikalabing-isang baitan ay mas

napapadalas ang pagpupuyat tuwing gabi.

Dahil nga sa mga pang akademiko gawain ay mas

napapadalas ang pag kapuyat at dahil nga walang sapat na

tulog ay naaapektuhan na nito ang ating kalusugan kaya

maraming mga kabataan nagkakaron insomenia o pagkahirap

pag tulog tuwing gabi.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Sa pananaliksik na ito, binigyan ng mananaliksik ng mas

maayus at ganap na depinisyon ang mga sumusunod na

terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa:


Akademikong Performans ay sinusukat nito ang abilidad at

kakayahan ng bawat mag-aaral sa loob ng paaralan. Gaya

na lamang ng takdang aralin, maikling pagsusulit, proyekto,

buwanang pagsusulit. İto din ay ang pag uugali ng mga

magaaral sa loob ng paaralan.

Kalusugang Pangkaisipan ay tumutukoy ito sa emosyonal na

nararamdaman ng isang tao kabilang na ang mga kabataan.

Maaaring makaramdam ng pagkabalisa ang isang isang tao

kapag kulang ito sa tulog, kakulangan sa focus, paghina

ng pag 'function' ng isip.

Pagpupuyat ay tumutukoy sa hindi sapat na pagtulog o

kawalan ng sapat na oras ng pagpapahinga.

Edukasyon o Pagtuturo ay prosesong ng pagpapadali ng

pagkatuto, o pagtatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo,

moralidad, paniniwala, at paggawi. Kabilang sa mga

pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo, pagsasanay,

pagkukuwento, pagtatalakay at nakadirektang pananaliksik.

Madalas nagaganap ang edukasyon sa patnubay ng mga

edukador, subalit maaaring turuan ng mga mag-aaral ang

kanilang sarili.
10

You might also like