You are on page 1of 4

EPEKTO NG ONLINE LEARNING MODE SA ASPEKTONG

SIKOLOHIKAL NG MGA MAG-AARAL NG TAGUM CITY


NATIONAL HIGH SCHOOL

Kahalagahan/ Rationale

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito upang tukuyin ang

mga epekto o dulot ng "Online Learning" sa aspektong sikolohikal. Ang mga

benepisyo sa mga benepisyaryo ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay maka-tutulong sa mga mag-

aaral at mambabasa na malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng

makabagong paraan ng pag-aaral o ang "Online Learning", na kung saan maaring

nilang bigyang solusyon ang mga hindi magandang epekto nito.

Sa mga Guro. Ang mga guro magkakaroon ng kaalaman at ideya sa kung

ano-ano ba ang epekto ng "Online Learning" sa mga mag-aaral at maaari din nilang

tugunan ang ilan sa mga suliranin nito.

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay hinuha sa mga

magulang sa kung ano ang maaaring solusyon sa mga suliranin ng kanilang mga

anak sa online learning mode.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing

gabay at reperensya sa mga susunod pang pananaliksik.


Layunin
 Matukoy o malaman ang epekto ng Online Learning Mode sa mga mag-

aaral sa aspektong sikolohikal.

 Malaman ang epekto ng pagkatuto ng estudyante batay sa estadong

sikolohikal nito at kung paano matutugunan.

Metodolohiya

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit

napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na

gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng datos.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang

ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming

respondante.

Inaasahang bunga

Inaasahang walang negatibong epekto ang online learning mode sa

sikolohikal na aspekto ng mag-aaral ng Tagum City National High School. Ito ay

maglalaman ng mga datos na magbabalangkas ng mga hakbangin upang maresolba

ito. Ang lahat ng mahahalagang datos na makakalap ay ilathala. Ilalakip din ang

resulta ng mga survey bilang karagdagang pahina.


Sanggunian

Student Satisfaction with Online Learning: Is it a Psychological Contract?

Retrieved 8 December 2020, from https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1062943.pdf

Online learning sa New Normal ng Edukasyon | Journal Online. (2020).

Retrieved 8 December 2020, from

https://archive.journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-normal-ng-

edukasyon

You might also like