You are on page 1of 2

Michelle B.

Nuñez
BSOA IIB

‘Mga Salik na Nakakaapekto sa Relasyon ng Anak sa Magulang at ang


mga Epekto nito sa Pakikipag-ugnayan sa Pamilya’

 Ano-ano ang mga natuklasan ng mananaliksik sa ginawang pag aaral?

Natuklasan ng mga mananaliksik na, mas madami parin ang mga


positibong epekto sa mga kabataan sa kanilang pakikipag ugnayan sa
kanilang pamilya at mayroon paring mga negatibong epekto ang mga
nararanasan ng mga kabataan ngayon.

Patunay:

 Natuklasan ng mga mananaliksik na wala masyadong negatibong epekto


ang nararanasan ng mga kabataan ngayon. Marami ang nakararanas ng
mga positibong epekto sa pakikipag-ugnayan sa pamilyasa mga kabataan
ngayon.

 Anong pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik?

Ang mananaliksik ay gumamait ng palarawang pananaliksik sa kanilang


pananaliksik at mga katanungan o sarbey-talatanungan naman para sa
kanilang pangangalap ng impormasyon. Upang makita naman ang
kinalabasan ng kanilang ginawang pagsususri sa kanilang sarbey batay sa
sagot ng mga respondante ay Weighted Average Mean Technique o WAM.
Ginamit din nila ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang
ng magkaka-parehong sagot sa isang partikular na tanong

Patunay:

 Ang mga mananaliksik ay gumamit ng palarawang pananaliksik.


Nangalap angmga mananaliksik ng mga impormasyon, mga artikulo at mga
pag-aaral na galing sa internet.

 Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan o sarbey-


talatanungan bilang kasangkapan para mangalap ng impormasyon.
Gumawa ang mga mananaliksik ng mga katanungang rumeresponde ukol sa
sinumiteng pag-aaral at binigyang kasagutan naman ang mga ito ng mga
apektadong mag-aaral ng Senior high School ng Sacred Heart College.

 Ginamit ang mga mananaliksik ang Weighted Average Mean Technique o


WAM upang makita ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga
sagot ng mgarespondante. Ginamit din ito upang makuha ang
pangkalahatang bahagdan ng bilang ng magkaka-parehong sagot sa isang
partikular na tanong.

 Natugunan ba ang mga tanong na inilahad?

Oo, Nang dahil dito natukoy ng mga mananaliksik ang mga salik na
nakakaapekto sa relasyon ng anak sa magulang. Base sa resulta na
nakalahad sa tabyular at tekstwal na pamamaraan. Natukoy nila na hindi
lamang negatibo at may mga positibo paring salik na nakakaapekto sa mga
kabataan ang relasyon nila sa kanilang pamilya.
At ng dahil dito natukoy din ng mga mananaliksik ang mga solusyon sa
relasyon ng mga anak sa kani-kanilang mga magulang. At ang pakikipag
ugnayan sa kanilang pamilya. Natukoy ng mga mananaliksik na ang
pagbabalik loob sa magulang ang solusyon upang magkaroon ng maayos na
ugnayan ang bawat pamilya.

Patunay:

 Sa pamamagitan ng sarbey-talatanungan na ginawa ng mga


mananaliksik, ay nakalap ang mga datos na kailangan sa pag-aaral. Sa
mga datos at impormasyong nakalap ay natukoy ng mga mananaliksik ang
mga salik na nakakaapekto sa relasyon ng anak sa magulang. Base sa
resulta na nakalahad sa tabyular at tekstwal na pamamaraan, lumalabas na
ang mga salik nanakakaapekto sa relasyon ng anak sa magulang ay hindi
lamang puro negatibo sapagkat may mga positibong salik din na
nakakaapekto sa relasyon ng anak sa magulang.

 Base sa resulta ng mga datos na nakalap, halos lahat ng solusyon na


inilahad ng mga mananaliksik ay lubos nasinang-ayunan ng mga
respondante. Ang mga solusyon na inilahad ng mga mananaliksik ay
tungkol sa pagbabalik-loob ng anak sa magulang at ang
pagigingmaunawain sa mga mahihirap na sitwasyon sa buhay. Sa
pananaliksik na ito aynaisakatuparan ang mga layunin ng pag-aaral, na
kung saan nabigyang kasagutan ang pananaliksik at paghahanap ng mga
salik, epekto at mga solusyon sa relasyon ng anak sa magulang at ang
pakikipag-ugnayan nito sa pamilya.

https://www.academia.edu/30242126/Mga_Salik_na_Nakakaapekto_sa_Relasyon_ng_Anak_sa_Magula
ng_at_mga_Epekto_nito_sa_Pakikipag-ugnayan_sa_Pamliya

You might also like