You are on page 1of 12

Epekto ng Family Issues sa Academic Performance ng mga Magaaral

ng GAS Strand sa NFHS

KABANATA 1

PANIMULA

Ang family issues ay isa sa laganap na problema sa pilipinas, ito ay

kadalasang dahil sa hindi pagkakaintindihan, problema sa pera at iba pa. Ito

ay maraming masamang epekto sa mga miyembro nito lalo na sa mga bata.

Ayon nga kay (Weissbourd, 1996, p. 8) Lahat ng bata ay may pisikal,

panlipunan at emosyonal, at cognitive needs. Kabilang sa mga pisikal na

pangangailangan ang pagkain, damit, tirahan, at pangangalagang medikal.

Kabilang naman sa mga pangunahing pangangailangang panlipunan at

emosyonal ang tuloy-tuloy at predictive na relasyon sa isang matulungin at

mapagmalasakit na tao na nasa hustong gulang na may mataas na

inaasahan sa lipunan at moral, malakas na pagtanggap ng kasamahan, at

"kalayaan mula sa pagsasamantala at diskriminasyon sa kanilang mga

komunidad". Pinapakita nito na importante ang kalagayan ng isang pamilya

sa isang bata dahil sila ang nangungunang magbibigay ng pangangailangan

nito, at ang family issues ay masama ang epekto sa pamilya sa kanilang

estadong pinansyal, emosyonal at iba pa.


Ayon din kila (Collins & Laursen, 2004; Smetana, Campione-Barr, & Metzger,

2006) Ang impluwensya ng mga proseso ng pamilya sa pag-unlad ng tao ay

malawak na kinikilala sa sikolohikal na panitikan. Ito nagpapatunay na ang

mga nangyayari sa pamilya ay may malaking epekto sa isang bata o

magaaral. Kaya dapat hindi lang pagtuunan ng pansin ang kapaligiran ng

bata sa eskwelahan kung hindi dapat din pagtuunan ng pansin ang

nangyayari sa isang pamilya dahil ito ay may malaking epekto sa pagaaral

ng isang bata.

Kailangan isagawa ang pagaaral na ito dahil ang pamilya ay may malaking

epekto sa paglaki ng isang bata o magaaral dahil sila ang nagbibigay ng mga

pangunahing pangangailangan nito katulad ng edukasyon, pagkain, bahay,

damit, pangangailangang emosyonal at iba pa. Ayon nga kila (Brooks-Gunn

et al., 1999; Denham, 2001; Children’s Defense Fund, 2001) Ang mga

batang lumaking walang pangunahing pangangailangan nakilala ay nasa

isang malinaw na kawalan para sa isang magandang simula sa kanilang

buhay. Ang family issues ay isa sa mga hadlang sa pagkamit ng mga bata

ng mga pangangailangan na ito kaya naman ang pangunahing layunin ng

pagaaral na ito ay malaman kung ano ang epekto ng family issues sa

academic performance ng mga magaaral ng GAS strand sa NFHS. Naisip

namin ang pagaaral na ito dahil gusto naming makatulong sa pagbuo ng


mga programa at plataporma na makakatulong sa mga magaaral na

nakakaranas ng ganitong sitwasyon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pagaaral na ito ay layuning matukoy kung ano ang mga epekto ng

family issues sa academic performance ng mga magaaral ng GAS strand sa

NFHS

Partikular na hinahangad na sagutin ang mga katanungan na ito:

1. Paano nakakaapekto ang family issues sa academic performance ng mga

magaaral ng GAS strand sa NFHS?

2. Anong programa o plataporma ang maaring makatulong sa mga magaaral

na may mga family issues?

3. Malaki ba ang epekto ng family issues sa academic performance ng mga

magaaral ng GAS strand sa NFHS?


KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Ang bawat pananaliksik ay may benepisyo sa mga tao, lipunan, bansa at

mundo. Dahil sa mga epekto na naidudulot ng family issues sa mga

magaaral. Ang pagaaral na ito ay isang makabuluhang pagsisikap sa

pagtataguyod ng mga paraan upang malaman kung ano-ano ang epekto nito

sa mga magaaral ng GAS strand sa NFHS. Kaya, ang mga natuklasan ng

pag-aaral na ito ay lubhang makabuluhan at partikular na kapaki-

pakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga Magaaral-Sa pamamagitan ng pagaaral na ito ay mabubuksan

ang kanilang isipan at lalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga dulot

o epekto ng family issues sa kanilang academic performance. Ito ay maaring

makatulong upang makaisip sila ng mga ideya kung paano ito hindi

makakaabala sa kanilang pagaaral at mas lalo nilang pahalagahan ng

importansya ng isang maayos na koneksyon sa kanilang pamilya.

2. Sa mga Magulang-Sa pamamagitan ng pagaaral na ito ay malalaman ng

mga magulang kung ano ang mga masamang dulot ng family issues sa

kanilang mga anak na nagaaral. Dahil dito ay mas lalo nilang iiwasan na

magkaroon ng mga family issues.


3. Sa mga Guro-Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay makakaisip ang

mga guro ng iba’t ibang metodo upang mas madaling maturuan o

matulungan ang mga magaaral na nakakaranas ng family issues na

nakakaapekto sa kanilang academic performance.

4. Sa mga Matataas na Opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon-Dahil sila

ang kadalasan na nagpapatupad ng mga plataporma at programa na

makakatulong sa iba’t ibang problema ng mga magaaral sa pilipinas. Ang

pananaliksik na ito ay makakatulong upang makaisip sila ng nararapat na

programa o plataporma na makakatulong sa mga magaaral na nakakaranas

ng family issues, nang sa gayon ay makapagfocus sila sa kanilang mga

aralin.

5. Sa mga Darating Pang Mananaliksik-makakatulong ang pagaaral na

ito dahil pwede nila ito maging gabay sa pananaliksik ng parehong paksa.

Dahil dito mas mapapaunlad ang pagaaral na ito sa pamamagitan ng

pagsasagawa nito sa ibang lugar at tagasagot.

BATAYANG TEORETIKAL/BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pagaaral na ito ay sinusuportahan ng teorya ng academic achievement

ni Walberg. Ayon dito ang sikolohikal na katangian ng mga indibidwal na


mag-aaral at ang kanilang agarang sikolohikal na kapaligiran ay

nakakaimpluwensya sa mga resulta ng edukasyon. Kaya naman sa pagaaral

na ito ay gusto namin matukoy kung ano ang mga epekto ng family issues

sa academic performance ng mga magaaral ng GAS strand sa NFHS dahil

ayon nga sa teoryang ito ang sikolohikal na kapaligiran ay

nakakaimpluwensya sa resulta ng edukasyon ng isang magaaral at ang

pamilya kung saan lumaki ang isang bata o mag aaral ay ang pangunahing

nakakaapekto sa kanyang sikolohikal na kapaligiran.


Figura 1:Batang Konseptwal

Pinapakita ng figura 1 ang batang konseptwal ng pagaaral. Ito ay

naglalaman ng dalawang baryabol, ang family issues bilang independent na

baryabol at academic performance bilang dependent na baryabol.

Sa figure 1, ang family issues bilang independent baryabol ay ang alitan sa

pagitan ng mga miyembro ng isang pamilya. Maraming pwedeng maging

dahilan nito katulad ng hindi pagkakaunawaan, pagkakasakit, kapansanan,

pagkawala ng trabaho, mga problema sa paaralan, at mga isyu sa pag-

aasawa.

Isa pang baryabol, ang academic performance ay tumutukoy sa kinalabasan

ng pagsisikap ng mga mag-aaral sa mga pagsusulit. Ang akademikong

pagganap ng mga mag-aaral ay natutukoy sa pamamagitan ng ilang salik

(Eze et al. 2016). Ang akademikong pagganap ay sinusukat sa pamamagitan


ng average na marka ng mga nakaraang semestre at ang kabuuang average

na marka.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay layuning matukoy ang mga epekto

ng family issues sa academic performance ng mga magaaaral ng GAS strand

sa NFHS. Ang mga kalahok ng pagaaral na ito ay ang mga magaaral ng GAS

strand na nakakaranas ng family issues sa taong 2021-2022. Sila ay pinili

gamit ang criterion sampling method. Ang pagaaaral na ito ay isasagawa sa

paaralan ng north fairview highschool.

Bukod dito, ang pagaaral na ito ay magsasagawa ng mga interviews para

malaman kung ano ang mga sagot ng mga napiling magaaral sa mga

katanungan na aming nabuo na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

DEPINISYON NG TERMINO

Edukasyon - Ang disiplina na may kinalaman sa mga pamamaraan ng

pagtuturo at pagkatuto sa mga paaralan o mga kapaligirang tulad ng

paaralan
Impluwensya - Ang kapasidad na magdulot ng epekto sa hindi direkta o

hindi nasasalat na mga paraan

Relasyon - Isang tao na konektado sa pamamagitan ng dugo o kasal

Kawalan - Pagkakaroon ng isang bagay o isang tao na umalis o nawala

sayo

Pamilya - Isang grupo ng mga tao na pinagbuklod ng mga ugnayan ng

kasal, dugo, o pag-aampon, na bumubuo ng isang sambahayan at

nakikipag-ugnayan sa isa't isa sa kani-kanilang mga posisyon sa lipunan

Pangangailangan - Isang pangangailangan, kinakailangang tungkulin, o

obligasyon

Metodo - Isang partikular na paraan para sa pagsasakatuparan o paglapit

sa isang bagay, lalo na ang isang sistematiko o itinatag.

Opisyal - Isang taong may hawak na pampublikong katungkulan o may

mga opisyal na tungkulin, lalo na bilang isang kinatawan ng isang

organisasyon o departamento ng gobyerno.


Epekto - Isang pagbabago na resulta o bunga ng isang aksyon o iba pang

dahilan.

Family Issues - Alitan o problema sa pagitan ng mga miyembro ng isang

pamilya.

Academic Performance - Pagsukat ng tagumpay ng mag-aaral sa iba't

ibang asignaturang pang-akademiko

Plataporma - Ang ipinahayag na patakaran ng isang partido o grupong

pampulitika.

Partikular - Ginagamit upang iisa ang isang indibidwal na miyembro ng

isang partikular na grupo o klase.

Suporta - Magbigay ng tulong sa isang tao, bagay o hayop

Katangian - Isang katangian o kalidad na karaniwang pagmamay-ari ng

isang tao, lugar, o bagay at nagsisilbi upang makilala ito.

Sikolohikal - Nauugnay sa mental at emosyonal na estado ng isang tao.


Benepisyo -isang bagay na nagdudulot ng mabuti o nakakatulong na mga

resulta o epekto o nagtataguyod ng kagalingan

Proseso - Aksyon o hakbang na ginawa upang makamit ang isang partikular

na layunin.

Group 1

Charles Darwin Ermita

Jhon Ryan Castillo

You might also like