You are on page 1of 5

Pananggol Pamagat para sa Pananaliksik

Mananaliksik:

Mejia, Diane Andrea F.

Obille, Emery Carlyle R.

Yunsal, Aliah Therese A.

Alfaro, Yohan Paolo B.

Dumdum, John Paolo V.

Santarina, John Michael C.

Baitang/Pangkat : 11 – STEM Dalton

Grupong Kinabibilangan: Ika-pitong grupo

I. Pangunahing Panukala

Pamagat: Epekto ng Hindi Magandang Ugnayan ng Pamilya sa Pamumuhay at Pampanitikan ng mga


Mag-aaral mula sa Baitang Labing-isa

Pangkalahatang Layunin: Sa pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ng mga mananaliksik ang epekto
sa mga mag-aaral na nakakararanas nito. Dahil dito mabibigyan sila ng kaalaman kung paano ito
maiiwasan o mababawasan ang bilang ng mga magkahiwalay na pamilya dahil sa impormasyon ng pag-
aaral na ito.

Paglalahad ng pangkalahatang sulirain:

May epekto ba ito sa:

1.0 mental,
1.1 pisikal, at
1.2 emosyonal nilang damdamin?

Pagsusuri sa Lipunan : Ito ay makapagdudulot ng mas maayos na pakikitungo ng pamilya sa isa’t-isa at


makapagbebenepisyo sa mga kabataang estudyante.
Pangunahing Dahilan: Nais malaman ng mga mananaliksik kung nakasasama ba sa mental na kalusugan
ng mga estudyante ng Cabiao Senior High School sa ika-labingisang baitang ang pagkakaroon ng
problema at lamat sa kanilang pamilya.

Iba pang dahilan: Nais din ng pananaliksik na ito na mabigyan impormasyon ang mga magulang ang
hirap na naidudulot ng problema sa pamilya sa pag-lahok sa akademikong gawain sa loob ng paaralan
upang mabigyan pansin din ang paghihirap nf estudyante sa ganitong klase ng problema.

Pangunahing Awtput: Sa pag-aaral na ito ay nais maipakita ang kahirapan ng hindi buo ang pamilya,
kung kaya naman ang mga mag-aaral na nakakaranas nito ay nagdudulot ng masamang epekto sa
kanilang pag-aaral. Sa makatuwid, makatutulong ang pananaliksik na ito upang mabigyang-kaalaman
ang mga mag-aaral nakararanas nito at upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman ukol sa pamilya at
sa kanilang pag-aaral.

Inaasahang resulta ng pag-aaral: Magkakaroon ng maayos na mentalidad ang mga kabataan na


makapagpapadali sa kanilang pag-aaral.

Remarks (for panel members only):


_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

______________________________________________________________________
II. Pangalawang panukala

Pamagat: Epekto ng Pagbabasa ng Wattpad Story Sa Pag-aaral ng Estudyante ng HumSS sa Ika-labing


Isang Baitang

Pangkalahatang Layunin: Naglalayon ang pag-aaral na ito na malaman ang epekto ng pagbabasa ng
wattpad story sa pag-aaral ng mga estudyante sa HumSS sa ika-labing isang baitang. Kung ito ba ay
nakasasama o nagiging hadlang sa maayos na pag-aaral o nakabubuti o nagiging inspirasyon sa kanila
upang pagbutihin nag kanilang pag-aaral.

Paglalahad ng pangkalahatang sulirain:

1.) Ang pagbabasa ba ng wattpad story ay may positibo o negatibong epekto sa pag-aaral ng
estudyante sa Humss?
2.) Nakatutulong ba ito upang magkaroon sila ng mas malawak na pag-iisip na makatutulong sa
kanilang piniling strand sa pag-aaral?

Pagsusuri sa Lipunan : Kung makikita ang kalalabasan ng pananaliksik na ito, na kung ito ba ay nakabuti
o hindi ay maaaring magamit o gawin din ng karamihan ang pagbabasa o iwasan.
Pangunahing Dahilan: Nais malaman ang masama at mabuting epekto ng pagbabasa mg wattpad story
sa estudyante ng CSHS sa strand na HumSS

Iba pang dahilan: Nais malaman kung ito ba ay makapagpapalawak ng kanilang imahinasyon para
makapag-aral nang mabuti

Pangunahing Awtput:

Inaasahang resulta ng pag-aaral: Makikita kung ang pagbabasa ba ay dapat ipagpatuloy o dapat na
bawasan para rin sa kapakanan ng estudyante.

Remarks (for panel members only):


_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
I. Pangalawang panukala

Pamagat: Epekto ng Kahirapan sa Pamumuhay at Pang-akademiko ng mga Mag-aaral ng stem mula sa


Baitang 11

Pangkalahatang Layunin: Layunin ng pananaliksik na ito na siyasatin ang mga epekto ng kahirapan sa
akademiko at personal na aspeto ng buhay ng isang mag-aaral. Ang pag-aaral ay naglalayong tuklasin
kung paano maimpluwensyahan ng kahirapan ang akademikong pagganap ng isang mag-aaral,
kalusugan ng isip at pisikal, buhay panlipunan, at mga prospect sa hinaharap. Sa pamamagitan ng
pagsusuri sa epekto ng kahirapan sa mga mag-aaral, ang pag-aaral ay naglalayong magbigay ng mga
pananaw sa mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral mula sa mga pamilyang mababa ang kita at
tukuyin ang mga potensyal na solusyon upang mapabuti ang kanilang mga resulta sa edukasyon. Sa
pamamagitan ng pagtatanong na ito, umaasa ang pananaliksik na makapag-ambag sa pagbuo ng mga
patakaran at programa na maaaring suportahan ang mga mahihirap na mag-aaral at magsulong ng
pantay na pagkakataon sa edukasyon. Kaya, ang pag-aaral ay naglalayong magbigay liwanag sa
malalayong bunga ng kahirapan sa buhay ng mga mag-aaral at sa mas malawak na lipunan.
Paglalahad ng pangkalahatang sulirain:

Ano ano Ang mga kinaharap Ng problema Ng mga mag-aaral na nakararanas Ng kahirapan

Isa ba Ang kahirapan sa pagkakaroon Ng mga nawawalang gamit sa mga paaralan

Ang kahirapan ba ay sanhi ng pagkaroon Ng mababang Marka or grado Ng mga mag aaral

Pagsusuri sa Lipunan : Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matugunan ang isyu ng mga mag-aaral na
huminto sa kanilang pag-aaral dahil sa mga hamon na kanilang kinakaharap sa kanilang personal na
buhay. Sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga epektibong solusyon, ang pag-aaral na ito ay maaaring
gumanap ng isang mahalagang papel sa pagliit ng bilang ng mga mag-aaral na tumigil sa pag-aaral nang
maaga.

Pangunahing Dahilan: Nais naming makita kung paano ang kawalan ng sapat na pera ay maaaring
maging mahirap para sa mga mag-aaral na maging maayos sa paaralan at magkaroon ng magandang
buhay.

Iba pang dahilan: Naisip din naming malaman kung may iba pang mga bata sa aming paaralan na
dumaranas ng kahirapan, upang subukan naming tulungan sila.

Pangunahing Awtput: Ang pagsasagawa ng isang komprehensibong pag-aaral sa mga epekto ng


kahirapan sa akademiko at personal na buhay ng mga mag-aaral mula sa Cabiao Senior High School ay
inaasahang magbubunga ng mahahalagang pananaw sa mga kahirapan at balakid na nararanasan ng
mga estudyanteng ito at ng kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, makakamit
ang mas malalim na pag-unawa sa mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral na ito.

Inaasahang resulta ng pag-aaral: Ang pag-aaral ay magbibigay ng mga datos at impormasyon tungkol sa
mga pangunahing sanhi ng kahirapan sa buhay ng mga mag-aaral, kabilang na ang kawalan ng access sa
mga basikong pangangailangan tulad ng edukasyon, pagkain, at kalusugan. Makakapagbigay din ito ng
impormasyon sa mga kadalasang epekto ng kahirapan sa akademiko at personal na buhay ng mga mag-
aaral tulad ng kabiguan sa pag-aaral, kakulangan sa self-esteem, at hindi mabilang na probleng
emosyonal at mental na nagreresulta sa pagkakaroon ng kahirapan.
Remarks (for panel members only):
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

You might also like