You are on page 1of 1

“Epekto ng Social Networking Sites sa Academic Performance at Mental Health ng

mga piling mag-aaral sa Grade-12 ”

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng social networking sites sa

akademikong pagganap at kalusugang pangkaisipan ng mga piling mag-aaral sa grade 12

sa MSEUFCI na naglalayong malaman kung positibo ba o negatibo ang epekto nito sa

mga nasabing salik.

Sa pananaliksik na ito ay gumamit ng paraang korelasyonal upang matukoy ang

nasabing epekto. Ang pangunahing instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay ang

talatanungan sa pangangalap ng datos upang matukoy ang epekto ng social networking

sites sa akademikong pagganap at kalusugang pangkaisipan ng mga estudyante. Batay sa

datos na nakalap karamihan sa mga respondente ang may kasagutan na sumasang-ayon sa

mga talatanungang nakalakip sa pananaliksik.

Kung kaya’t nangangahulugan lamang ito na ang social networking sites ay may

positibong epekto sa akademikong pagganap at kalusugang pangkaisipan ng mga piling

mag-aaral sa grade 12 sa MSEUFCI.

You might also like