You are on page 1of 2

Panukalang Pagpapahiwalay ng babae at lalaki sa paaralan:

1. Marami ang bilang ng “Teenage Pregnancy”

- Hindi masisigurado na ang nasabing suliranin ay matutugunan sapagkat, hindi naman


nangyayari ang mga ganitong pangyayari sa loob ng paaralan.

2. Sa araw araw na pagkikita nag- “Dedevelop” ang kanilang mga sarili.

- Mas magiging desperada’t desperado ang ibang mga kabataan sa pagkakaroon ng relasyon
sa kadahilanang ang nakapalibot sa kanila ay puro kauri nila ng kasarian at sila ay mag
“ccrave” ng ibang kasarian at lalo lang tataas ang bilang ng “Teenage Pregnancy.”

- Di lang naman sa paaralan nagiging magkaibigan ang isang babae at lalaki, pwedeng sa
kaibigan ng magulang o di kaya’y kalapit bahay.

3. Solusyon na dapat ipanukala

- Sex-Ed, at hindi paghiwalayin, sa sex ed matututo silang maging maingat sa sarili


samantalang pag pinaghiwalay lalo lang nilang gugustuhin ito.

- Kung gusto ng isang tao ang makipagtalik sa isa, di natin mapipigilan ito sapagkat tayo ay
may sari sariling pagiisip at ang kayang gawin lang ditto ay ang mapangaralan sila sa kung
anong pwedeng mangyari.
4. Argumento

- Sila ay masasanay na puro kasing kasarian lang nila ang nakapaligid sa kanila at pag
humantong na ito na kailangan ng makipanayam sa ibang kasarian ay may kasong pwede
silang mailing rito.
5. Interaksyon

- Sa ating pang araw araw na buhay kailangan nating makipag “interact” sa parehong kasarian
sapagkat hindi natin ito maiiwasan.

- Magkakaroon ng “Social Limitation” ang bata na pwedeng tumungo sa “Social Barrier”


TUGUEGARAO CITY-Hindi derektang solusyon sa pagbaba ng teenage pregnancy ang panukala ng National
Youth Commission (NYC) na paghiwalayin ang babae at lalaking estudyante sa klase.

Ayon kay Ferdinand Narciso ng Department of Education (DEPED)-Region 2, ito’y dahil hindi naman
nababantayan ang mga kabataan paglabas ng kanilang paaralan.

Aniya, bagamat maganda ang layunin ng nasabing panukala, maaari umano itong magpalala dahil
pinipigilan ang mga mag-aaral na makihalubilo o makisama sa kanilang kapwa mag-aaral.

Sinabi ni Narciso na sa halip na paghiwalayin ang klase ng babae at lalaking mag-aaral, paigtingin na
lamang at palakasin ang sex orientation o sex education.

Ito ay para mabigyan nang mas malawak na kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa hindi magandang
epekto ng maagang pagbubuntis.

Sa panahon aniya ngayon ay halos lahat na ng mga mag-aaral ay may sariling cellphone kung kaya’t hindi
100 percent na nababantayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga galaw kaya nararapat na bigyan ng
kaalaman ukol sa nasabing usapin.

Kaugnay nito,hinimok ni Narciso ang mga magulang, komunidad at lahat ng sektor na tumulong para sa
pagbibigay gabay at paalala sa mga kabataan ukol sa hindi magandang dulot ng teenage pregnancy.

You might also like