You are on page 1of 9

“KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EDUKASYONG SEKSUWAL SA MGA KABATAANG EDAD

13 HANGGANG 18 SA PILING BARANGAY NG LUNGSOD NG TAGUIG”

IPINASA NILA:

QUITORIANO, MAYNARD M.

ALAYON, GINRIC S.

DELA CRUZ, ELJIEN

ABING, JOSHUE

DAGUNDONG, MC KLEIN
KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng panimula, rasyunal at kaligiran ng pananaliksik,paglalahad ng

suliranin, kahalagahan ng pananaliksik, teoretikal at konseptuwal na balangkas, sakop at delimitasyon ng pag aaral at katuturan

ng mga salitang ginamit.

PANIMULA

Ang edukasyong seksuwal ay tumutukoy sa pagtuturo at pagbibigay ng kaalaman tungkol sa sekswalidad,

kahalagahan ng kalusugan ng reproductive, mga kaugalian at responsibilidad na may kinalaman. Ang mga tao ay

tinuturuan sa pagpapakatino sa pagpili ng kanilang mga sekswal na aktibidad at mabuo ang kahandaan sa mga

pagbabago sa buhay.

Kailangan din pag-aralan ang edukasyong seksuwal dahil ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga tao na

magkaroon ng pag-unawa sa kanilang katawan, seksuwal na pagkakakilanlan, at mga karapatan sa pagiging ligtas

at respetado. Ito ay maaaring makatulong sa pagpapalakas ng kanilang pagpapahalaga sa sarili, pag-iwas sa krimen,

tulad ng pang-aabuso, panggagahasa, at pagpapakalat ng mga sexually transmitted infections.

Ang edukasyong seksuwal ay mahalaga din dahil ito ay nagbibigay ng karampatang kaalaman at kahandaan

tungkol sa mga uri ng contraceptive, kung paano ito dapat gamitin upang maiwasan ang teenage pregnancy at iba

pang problema sa reproductive health. Kailangan din itong pag aralan sapagkat malaki ang maitutulong nito sa

ating sarili dahil sa pagkakaroon ng hindi tamang impormasyon at paniniwala tungkol sa seksuwalidad, dahil sa

maling desisyon at desisyon na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao.

Kaya't mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman sa edukasyong seksuwal upang magamit ng tama.

Pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa tamang pagpaplano ng pamilya at mga kontraseptibo, na nagbibigay

ng kakayahan sa mga tao na magpasya sa kanilang kasarian at reproductive health. Ang mga kaalaman at

proteksyon laban sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, tulad ng HIV/AIDS, at magkaroon ng respeto at pag-

unawa sa iba't ibang uri ng kasarian


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kahalagahan ng pag-aaral ng Edukasyong Sekswal sa

mga kabataang edad 13 hanggang 18 sa piling Barangay sa lungsod ng Taguig City. Ang pananaliksik na ito ay

nangangailangan ng kaukulang kasagutan batay sa mga sumusunod:

1. Ano ang mga demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondente batay sa mga sumusunod:

1.1 Pangalan

1.2 Edad

1.3 Kasarian

2. Ano ang nagiging negatibong epekto ng kakulangan sa Edukasyong Seksuwal sa mga kabataang edad 13

hanggang 18?

3. Paano nakakatulong sa mga kabataang edad 13 hanggang 18 ang kaalaman sa Edukasyong Sekswal?
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang aming pananaliksik ay nakatuon sa kahalagahan ng pag-aaral ng edukasyong sekswal sa mga edad 13

hanggang 18. Ang pananaliksik na ito ay mag sisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

1. Sa mga menor de edad na mag-aaral - Ang pag aaral na aming isasagawa ay makatutulong sa kanila lalo

na ang mga kabataan o ang tinatawag natin na teenager upang mas mapayabong pa ang kanilang kaalaman

tungkol sa Edukasyong Seksuwal dahil ang pag aaral tungkol dito ay napakahalaga at dapat nang

matutunan ng mga kabataan. Mag sisilbing gabay din ang aming pag-aaral upang mas maging bukas ang

kanilang isipan sa mga pwedeng kahahantungan ng maling pakikipag talik lalo na’t sila ay nasa murang

edad pa lamang at malalaman din nila ang pagkakaiba ng “good touch” sa “bad touch” upang maiwasang

maging biktima ng pang-aabuso.

2. Sa mga guro – Sa eskwelahan maraming natututuhan ang mga mag-aaral kaya’t isa sa mga mag kakaroon

ng benepisyo sa aming pananaliksik ay ang mga guro dahil sa mag kakaroon sila ng kaalaman sa mga

dapat gawin upang maipakilala sa mga mag aaral ng unti-unti ang edukasyong seksuwal lalo na sa mga

kabataang sarado pa ang pag iisip o kulang pa ang kaalaman at gagabayan sila sa kaalaman tungkol sa “age

appropriate developmental and culture sensitive” sexuality education.

3. Sa ating lipunan. - Makakatulong ang aming pananaliksik sa lipunan dahil mag kakaroon ang karamihan

ng kaalaman sa edukasyong sekswal, dahil mapag aaralan ang mga tamang pag gamit ng mga

kontraseptibong gamot at ang pakikipag talik ng ligtas at nang sa gayon ay mas mapapa baba ang mga

porsyento ng pagkakabuntis ng maaga o teenage pregnancy, pagkakaroon ng AIDs o HIV.

4. Mga mananaliksik sa hinaharap. – Ang aming pananaliksik ay maaari ding pag kuhaan ng impormasyon

ng mga mananaliksik sa hinaharap na may kapareho ng aming paksa dahil madalas ay may mga kailangan

pang mapatunayan sa isang pananaliksik na hindi napag usapan ng mga nakaraang mananaliksik.
TEORETIKAL AT KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Kahalagahan ng Pag-aaral ng Edukasyong Sekswal ng Kabataang edad 13

hanggang 18 sa Piling Barangay ng Lungod ng Taguig” ay ginamitang ng Input, Process, Output modelo. Sa input frame, inilalahad

dito ang mga kwalipikado sa pagtugon ng surbey na kahalagahan ng edukasyong sekswal. Makikita naman sa process frame/proseso

ang mga hakbang na aming gagawin upang makakuha ng mga datos saklaw ang pagsasagawa ng isang sarbey o pag gawa ng

kwestuneyr, pag iinterbyu, at pag susuri ng mga datos habang ang output frame naman ay sumasaklaw o nag lalaman ng mga nakalap

naming na datos ukol sa kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng edukasyong sekswal sa mga edad 13 hanggang 18. Binibigyan ng

balangkas na konseptwal ang pananaliksik na ito upang mas higit na maunawaan

INPUT: PROSESO: OUTPUT:


Ang profyl ng  Pagsagawa ng “Kahalagahan
mga tagatugon listahan ng ng Pag-aaral
na kabataan ay katanungan o ng
ang mga kwestuneyr Edukasyong
sumusunod: Sekswal sa
 Pagsasagawa ng
1. Pangalan mga
isang surbey o pag
Kabataang
iinterbyu
2. Kasarian Edad 13
3. Edad  Dokumentasyon hanggang 18”
ng mga nakalap na
dayos

Pagsusuri

PIGURA BILANG 1: ANG PARADIMO NG PAG-AARAL


SAKOP AT DELIMITASYON NG PAG AARAL

Ang layunin ng iminungkahing ng aming pagsasaliksik ay ang kahalagahan ng pag-aaral ng edukasyong

sekswal at pananaw ng mga kabataang may edad na 13 hanggang 18 taong gulang na naninirahan sa Taguig ukol

dito. Kaya't ang mga pangunahing paksa ng pag-aaral ay ang mga indibidwal na nabibilang sa nasabing edad at

kasalukuyang naninirahan sa lugar na ito. Upang makakuha ng representatibong sampol, gagamitin ng pag-aaral

ang purposive sampling at limitahan ang mga respondent sa sampung kabataan bawat napiling barangay.

Ang purposive sampling ay isang intensional na pagpili ng mga respondent batay sa partikular na kriterya,

sa kasong ito ay edad at lokasyon. Ito ay itinuturing na angkop na pamamaraan dahil makakatulong ito sa mga

mananaliksik na makakuha ng iba't ibang karanasan at pananaw mula sa iba't ibang indibidwal na nasa edad na 13

hanggang 18 taong gulang. Bukod pa rito, ang pag-limita sa bilang ng mga respondent sa sampung kabataan bawat

napiling barangay ay magtitiyak na hindi masyadong marami ang data na makokolekta at madaling masuri.

Mahalagang tandaan na ang focus ng pag-aaral sa mga teenager na may edad na 13 hanggang 18 ay

mahalaga dahil ang edad na ito ay nagrerepresenta ng kritikal na panahon sa pag-aaral o pagkakaroon ng kaalaman

tungkol sa edukasyon sekswal. Sa yugtong ito, malaki ang pagbabago ng kanilang pisikal, cognitive, emosyonal, at

sosyal na aspeto.

Bilang buod, ang iminungkahing pag-aaral ay magkakaroon ng mga respondente na mga batang edad 13

hanggang 18 taong gulang na naninirahan sa Taguig, pinili nang purposively na may limitasyon na 10 respondente

bawat barangay. Ang pagtuon ng pag-aaral sa edad na ito ay mahalaga upang maunawaan ang kahalagahan ng

pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa edukasyon sa sekswal.


KABANATA II

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral ng edukasyong seksuwal ay mahalaga para sa mga kabataan sa edad na 13 hanggang 18

dahil makatutulong ito sa kanilang pag-unawa sa kanilang sarili, sa kanilang mga relasyon sa iba, at sa

pagpapalaganap ng responsableng pag-uugali sa pakikipagtalik.

Upang masuri ang kahalagahan ng edukasyong seksuwal sa mga kabataan sa edad na 13 hanggang 18, ang

aming napiling gamitin na uri ng pananaliksik ay ang kuwantitatibo (quantitative research approach) na mayroong

mga survey at statistical analysis. Maaaring magbuo ng mga katanungan na tumutukoy sa kanilang kaalaman

tungkol sa seks at kalusugang pang-reproduktibo, kanilang mga pananaw sa mga katangian ng responsableng

pakikipagtalik, at kung paano nila ito maipapakita sa kanilang sarili. Sa pamamagitan ng ganitong pananaliksik,

mas malalaman kung paano makakatulong ang edukasyong seksuwal sa kanilang personal na pag-unlad at sa

kanilang relasyon sa ibang tao.

LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK

Ang mga respondent na lumahok sa serbey ay nagmula sa piling barangay ng lungsod ng taguig, ang mga

kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng 30 na respondent. Sila ay ang aming napili na pagbigyanan ng mga serbey

dahil lahat sila ay bumubuo ng mga representibo ng mga menor de-edad na edad 13 hanggang 18.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang sarbey-kwestyoneyr at personal na pag-iinterbyu ay mga pangunahing instrumento sa pangangalap ng

datos sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito, maaring malaman ang mga opinyon, pananaw, at

karanasan ng mga kabataan tungkol sa aming paksa. Ang sarbey-kwestyoneyr at personal na pag-iinterbyu ay mga

mabisang paraan upang magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa mga kabataan sa lungsod ng Taguig. Sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na datos, maaring magamit ito upang malaman kung gaano ngaba kahalaga

ang pagkakaroo ng malawak na kaalaman tungkol sa edukasyong sekswal.

PARAAN NG PAGLIKOM, PAGSUSURI AT TRITMENT NG DATOS

Upang mas mapadali ang pag kakalap o pag lilikom ng datos ang paraan na aming napili ay ang pag

susurbey at pag iinterbyu dahil maaari kaming gumawa ng survey form na nagtatanong tungkol sa kaalaman ng

mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng edukasyong seksuwal. At maaari kaming maglagay ng mga tanong

tungkol sa kanilang kaalaman tungkol sa reproductive health, contraception, atbp.

Deskriptibong estadistika ang aming gagamitin sa pag susuri ng datos gamitin upang ma-summarize ang

mga datos na nakuha mula sa survey at interbyu. Visualization ng datos ang gagamitin namin sa tritment ng datos

dahil gamit ang mga charts at graphs mas maipapakita namin ng malinaw ang resulta ng aming pag aaral.
KABANATA 3

RESULTA AT DISKUSYON NG PAG-AARAL

ang kabanatang ito ay naglalaman ng aming pag susuri ng mga datos na aming nakalap sa pag susurbey sa piling

barangay ng lungsod ng taguig tungkol sa kahalagahan ng edukasyong sekswal sa edad 13 hanggang 18 na menor

de edad.

PAGLALAHAD

EDAD NG MGA KABILANGAN


KASARIAN NG RE- RESPONDENT
SPONDENT 13 2
LALAKI BABAE
14 8

15 4

13 16 5

17 17 4

18 5

KABUUAN 30

MGA KATANUNGAN

ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EDUKASYONG SEKSWAL SA MGA KABATAANG EDAD 13

HANGGANG 18 SA PILING BARANGAY NG LUNGSOD NG TAGUIG

Ang pag-aaral ng edukasyong sekswal ay kailangan ng mga menor de edad?



You might also like