You are on page 1of 2

Kagalang-galang na mga hurado, kapwa kalahok, mga guro, at mga

manonood, isang magandang araw sa ating lahat. Ngayon, ako'y humaharap


sa inyo upang lawakan ang isang napakahalagang isyu na nakaaapekto sa
kapakanan at kinabukasan ng ating lipunan: ang kalusugan sa sekswalidad
at reproduksyon ng mga nagbibinata at nagdadalaga. Ang kabataan ay isang
mahalagang yugto sa buhay ng bawat indibidwal, at mahalaga na malutas
natin ang mga hamon na aming kinakaharap at bigyan kami ng kaukulang
kaalaman at suporta upang maayos na daanan ang komplikadong
paglalakbay na ito.

Una, tayo ay dapat na maunawaan ang kahalagahan ng Comprehensive


Sexuality Education. Ito ay isang malawakang programa na naglalayong
magbigay ng sapat at tamang kaalaman tungkol sa kasarian, relasyon,
pagpaplano ng pamilya, at pangangalaga sa kalusugan. Ang ganitong
edukasyon ay hindi lamang tungkol sa reproductive health, kundi naglalayong
bigyan rin tayo ng kahandaan para sa personal na pagpapasya, respeto sa
iba, at pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian.

Kasama sa mga layunin ng Comprehensive Sexuality Education ang pagsugpo


ng teenage pregnancy. Ang Pilipinas ay nagpapakita ng malalarming bilang ng
mga batang ina, na nagiging sanhi ng kahirapan, hindi ganap na pag-unlad,
at limitadong mga oportunidad para sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng
malawak at maayos na edukasyon, mabibigyan natin ang mga kabataan ng
kaalaman at kakayahang magdesisyon nang maayos ukol sa kanilang mga
pangangailangan, pamilya, at kinabukasan.

Hindi lamang ito tungkol sa pag-iwas sa teenage pregnancy, ngunit pati na rin
sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay ng pagtingin sa lahat ng kasarian.
Ang Comprehensive Sexuality Education ay naglalayong wakasan ang
diskriminasyon at labis na pag-uuri batay sa kasarian. Ito ay nagbibigay-daan
sa pag-unawa, pagtanggap, at paggalang sa bawat indibidwal, malaya sa
kanilang kasarian o oryentasyon. Sa pamamagitan nito, natututunan natin
ang tamang pakikitungo sa mga tao, nagtataguyod ng pagkakaisa at
pagkakapantay-pantay.

You might also like