You are on page 1of 3

Di sang ayon sex education

Hindi natin maitatangi ang mabuting naidudulot at maidudulot ng sex education,


sapagkat Walang alinlangan na tayo, sa pangkalahatan, ay nakararamdaman ng malaking
pangangailangan na turuan ang lahat, lalo na ang mga kabataan, sa kalikasan, kahulugan at
layunin ng ating sekswalidad bilang tao. Gayunpaman hindi rin natin maitatangi ang masamang
maidudulot at naidudulot nito. Kahit na may napakahusay na edukasyon Naka depende parin sa
tao kung paano unawain ang isang bagay kung kaya’t ang iba sa halip na mag bunga ng
kamalayan ito’y pumukaw sa kanilang hindi nararapat na pagnanasang sekso. Na siyang dahilan
sa hindi ko pag sang ayon sa usaping sex education bilang asignatura sa high school.

Karamihan sa mga kabataan ngayon lalo na ang mga kababaihan ay nabubuntis sa


maagang edad. Dahil sa halip na unawain ang sex education bilang isang komprehensibong
paraan bilang solusyon sa mga isyu sa lipunan tulad ng maagang pagbubuntis ng mga kabataang
kababaihan, ang ilan sa mga kabataan ngayon ay maaaring gawin itong dahilan na isipin ang
kasiyahan sa pakikipagtalik dahil sa simpleng pag-uusyoso o kuryosidad sa murang edad kahit
na ito ay hindi kinakailangan para malaman nila.

Ito ay dahil sa kapag ang mga bata ay tinuruan ng akademya tulad ng matematika at
pagbabasa, binibigyan sila ng materyal na angkop sa kanilang antas ng kahandaan para sa
materyal na ito. Gayunpaman, pagdating sa napakasensitibong bahagi ng sekswalidad, lahat ng
bata sa parehong antas ng baitang ay binibigyan ng parehong materyal, kahit na ang ilan ay
hindi pa pisikal o sikolohikal na handa para sa materyal. Ito ay nakakapinsala, nakakabahala, at
walang konsiderasyon kasabay nito ang pagpukaw ng kuryusidad ng mga kabataan upang
subukin ang pakiramdam ng pakikipag talik sa murang edad. Kung gayon ito ay may posibilidad
na magpalala sa mataas na antas ng teen age pregnancy.

Sex education sa pampublikong paaralan ay hindi kailanman naipakita na nakakabawas


sa pagbubuntis ng mga kabataan o pagpapalaglag. Sa katunayan, ang isang pag-aaral sa Marso
2002 na isyu ng Journal of Health Economics, na pinamagatang, "The Economics of Family
Planning on Underage Conceptions", ay pinabulaanan ang tipikal na sex education na teorya na
ang pagbibigay ng mga kontraseptibo sa mga kabataan ay magbabawas ng menor de edad sa
maagang pagbubuntis, paglilihi at pagpapalaglag. Sa katunayan, natagpuan ng pag-aaral ang
ilang katibayan na ang higit na pag-alam sa mga paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis ay
nauugnay sa pagtaas ng paglilihi ng mga menor de edad sa pakikipagtalik o premartial sex.
Sumakatuwid ang mga ito ay hindi nakapagpapahina sa mga gana sa sekso ng mga tao. Sa halip
ang pagnanasa sa pakikipagtalik ay pinasigla.
Napakasama ng mga bagay na ang takip ng pagiging disente ay mabilis na naninipis, Sa
harap ng lahat ng ito, nakakapagtaka kung bakit ang sex education ang sinasabing " lubos na
nagbibigay-kaalaman at nagbibigay kamalayan na “bulag naman sa moral”, ay itinataguyod.
Bilang solusyon, hindi man lang ba na isip na ang sex education ay nagsasangkot ng higit pa sa
pagtutubero at mga tabletas para sa pagkontrol sa labis na panganganak. Sa pagpapatupad ng
mga paaralan sa pagiging asignatura ng sex education sa high School nagpapadala ng maling
mensahe sa mga mag-aaral kapag pamamagitan sa pagtalakay ng sex education batay sa pag-
unawa ng mag-aaral.

masasabi natin na makakatulong sa mga kabataan ang pagaaral ng sex education ngunit
maraming negatibong posibilidad ang nilalaman ng usaping ito, tulad na lamang ng sinasabi
nating kamalayan awareness. Maraming nagsasabi na para ito mabatid at maintindihan ng mga
kabataang Pilipino ang tungkol sa sexual na usapin at sa sekswalidad pero hindi ba natin naiisip
na sa dami nating nabibigay na kaalaman o impormasyon tungkol dito ay mas na pupusok ang
mga damdamin ng mga kabataan na gawin ang mga bagay na ito. Dahil sa panahon ngayon
maraming kabataan ang nagkakaroon ng kuryosidad sa mga bagay bagay na napapatok sa social
media. Hindi maikakaila na ang pagtuturo ng sex education sa eskwelahan ay mabuti dahil sa
pag uwi ng mga estudyate nandyaan ang kanilang mga magulang upang lubos na mapa intindi
at maisabi ang tama at mali sa konseptong ito, ngunit paano ang mga magulang na walang oras
sa kanilang anak o malayo sa kanilang anak dahil sila ay nagtatrabaho, masakit man na
katotohanan meron ding mga magulang na walang pake sa kung ano ang ginagawa ng kanilang
anak, kung ano ang mararamdaman nito, at kung paano ito papalakihin, meron din namang
mga kabataang walang magulang o tagapag-alaga na nag bibigay payo, opninyon at gabay sa
mga batang ito kaya sila nakakapag desisyon ng hindi tama, paano natin masosolusyonan ang
ganitong bagay kung marami paring kabataan ang nagiging single mother at nabubuntis ng
maaga, masasabi ba nating solusyon ang sex education sa usaping ito. Dahil kung ako ang
tatanongin hindi talaga epektibo ang pagaaral ng sex education.

You might also like