You are on page 1of 8

IKATLONG PANGKAT

ST. MATTHEW A

Kahalagahan ng pagtuturo ng Sex Education sa mag-aaral


ng Ika-11 at 12 na baitang sa paaralan ng St. Thomas More
Academy Inc.

LAYUNIN: Matuklasan at maipahayag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtuturo ng sex


education upang mabawasan ang posibleng epekto ng kakulangan sa pag-aaral nito.
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

PANIMULA O INTRODUKSYON
Kasabay ng paglipas ng panahon, ang malaking pagbabago sa bawat kabataan ng dahil
teknolohiya. Sila ay maagang namumulat sa mga bagay na hindi pa angkop sa kanilang edad at
nagkakaroon ng kuryosidad sa mga bagay nabago sa kanilang paningin. Kakaibang- kilos, pag-
iisip at pag-uugali ay ilang lamang sa nagiging epekto sa mga kabataan ng teknolohiya. Karamihan
sa mga ito ay walang kinakatakutan at mapupusok ang damdamin na siyang nagiging dahilan
kung bakit maraming kabataan ngayon ang nalululong sa iba’t ibang bisyo o hindi kaya’y unti-
unti nang napapabayaan ang kanilang pag-aaral at sarili. Dahil dito, hindi nila naiisip ang
maaaring maging epekto nito sa kanilang kinabukasan.
Sa panahon ngayon, kinakailangan ng mga kabataan ang patnubay at gabay mula sa kanilang
mga magulang. Bukod dito, kinakailangan din ng mga ito na magkaroon ng karagdagang kaalaman
mula sa mga eskperto. Tungkol sa iba’t ibang mga bagay na siyang dapat pagtuunan ng pansin na
ukma at angkop na sa kanilang edad gaya na lamang ng sex education o edukasyong sekswal.
Ang edukasyong sekswal ay may mataas na kalidad na pagtuturo at pag-aaral tungkol sa isang
malawak na pagkakaiba-iba ng mga paksang naiuugnay sa kasarian at sekswalidad. Ang tagubilin
sa mga isyu na naiuugnay sa sekswalidad ng tao, kabilang dito ang emosyonal, pisikal, mental na
ginagawa ng tao. Tinutulungan din nito ang mga tao upang makakuha ng impormasyon, kasanayan
at pag-uudyok na gumawa ng malusog na desisyon tungkol sa sex at sekswalidad.

Naipasa ng Pilipinas ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (RH
Act) pagkatapos ng 14-taong paghihintay. Sa pamamagitan ng batas, isinama ng gobyerno ang
edukasyon sa sex sa kurikulum ng pampublikong paaralan para sa mga mag-aaral na edad 10
hanggang 19. Nagbigay din ang Pilipinas ng pondo para sa libre o subsidised na mga contraceptive
sa mga health center at mga pampublikong paaralan.
BAKGRAWND NG PAG-AARAL
Ang edukasyong sekswal o araling pakikipagtalik ay pag-aaral tungkol sa sekswalidad ng tao
kabilang ang kalusugan, relasyon, pakiramdam, responsibilidad, bahagi ng katawan, sekswal na
pagpaparami o “sexual reproductive”, “sexual activity” o sekswal na aktibidad, “age of consent o
edad ng pagpapahintulot, “reproductive rights” karapatan sa pag-aanak, “birth control” karapatan
sa panganganak at pagpipigil sa pagtatalik.
Karaniwang kasama rito ang mga bagay katulad ng paano gumawa ng mga sanggol, kung
paano mapupruteksiyunan ang sarili laban sa hindi ginustong pagdadalang-tao, at kung paano hindi
makakakuha ng anuman sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Sa maraming mga kultura,
ang pagbanggit ng hinggil sa seks o edukasyong pangpagtatalik ay isang maselan o ipinagbabawal
na paksa. May ilang kaantasan din ng edukasyong pangseks na isinasakatuparan sa paaralan; sa
maraming mga lugar, nagpapasa ang pamahalaan ng mga batas na nagsasaad na ang edukasyong
pangpagtatalik ay dapat gawin sa paaralan. Ilang bahagi ng araling seksuwal ang nagkakaiba-iba
ayon sa kalinangan, katulad ng mga aspetong pangmoralidad at pangkaasalan o etika.
Pangkaraniwang mga "abenida" o daanan ng pagtuturo ng edukasyong pangseks ay ang mga
magulang o mga tagapag-alaga, mga programa sa paaralan, at pampublikong mga kampanyang
pangkalusugan.
Sa panahon ngayon, isa sa suliranin ng ating bansa at gobyerno ang patuloy na pagtaas ng bilang
ng mga kabataang maagang nabubuntis. Kung saan 9% ng mga kababaihan sa pagitan ng edad na
15 at 19 ay nagsisimulang manganak. Ito’y sa kadahilanang karamihan sa mga kabataan ay hindi
nagagabayan ng kanilang mga magulang at hindi sapat ang kanilang kaalaman patungkol sa
edukasyong sekswal. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maaari itong makatulong upang
masolusyunan ang kinakaharap na suliranin ng ating bansa sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga
kababaiihan na maagang nabubuntis.

Mga sanggunian:
https://www.bulgaronline.com/single-post/2018/11/08/Kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-sex-
education-sa-mga-mag-aaral
https://tl.wikipedia.org/wiki/Araling_pangpagtatalik
TEORETIKAL FRAMEWORK

Ang latest na national research ay ipinakitang ang karamihan ng kabataan ay natututo sa seks at
sekswal health (93%) sa school-based sexuality education program. Ang mga miyembro din ng
pamilya ay isang significant source ng inpormasyon (61%) sagayon man, ang mga estudaynte daw
ay may low levels of confidence o hindi pagiging komportable na pag usapan ang sekwaliti
kasama ang mga magulang nila
Maraming mga kabataan ang aktibo sa sekswal sa ilang paraan at ito ay tumaas sa huling dekada.
Iniuulat ng pananaliksik ang dalawang isyu ng pag-aalala: a.) isang mababang antas ng pare-
parehong paggamit ng condom b.) nadagdagan ang mga rate ng hindi gustong kasarian, partikular
na kaugnay sa pag-inom ng alak.
Maraming mga nakikipagkumpitensyang mensahe tungkol sa sekswalidad sa mundo. Marami ang
maling impormasyon na madalas na ipinakita sa mga istilong lubos na nakikipag-usap, sa
pamamagitan ng mga pop video, ad, internet blog, mobile phone, pelikula, reality TV at serials ng
telebisyon. Ang pangunahing layunin ng marami sa mga mensahe na ito ay upang magbenta ng
isang produkto, hindi upang bigyan kasangkapan ang mga kabataan sa kung ano ang kailangan
nilang malaman para sa isang malusog at kasiya-siyang buhay na pang-adulto. Ang
komprehensibo, buong-paaralan na edukasyon sa sekswalidad, na nagbibigay ng pare-pareho at
tumpak na impormasyon sa lahat ng mga kabataan mula sa murang edad at magalang sa
pagkakaiba-iba, ay maaaring magbigay ng positibong pagbabago sa pag-uugali. Ang mga kabataan
ay maaaring gumawa ng magagandang desisyon tungkol sa kanilang kalusugan sa sekswal kung
ang mga patakaran, programa at serbisyo sa edukasyon ay magagamit upang matulungan sila. Ang
isang nakabahaging diskarte sa pakikipagsosyo sa pagitan ng mga paaralan, magulang at lokal na
pamayanan ay titiyakin ang maayos ang mga ebidensya at responsableng sekswal na edukasyon
upang mas magabayan at mapatnubayan ang mga mag-aaral.

Sanggunian:
https://www.education.vic.gov.au/school/teachers/teachingresources/discipline/physed/Pages/abo
utwhy.aspx
KONSEPTWAL FRAMEWORK

MAG-AARAL NG IKA-11
KAHALAGAHAN NG AT IKAW 12 NA
PAG-AARAL NG SEX BAITANG SA
EDUCATION PAARALAN NG ST.
THOMAS MORE
ACADEMY INC.

INDEPENDENT VARIABLE DEPENDENT VARIABLE

Sa pananaliksik na ito, ang aming Independent Variable ay ang kahalagahan ng pag-aaral ng


sex education upang malaman ang maaaring maging benepisyo ng pag-aaral na ito at ang aming
Depedent Variable ay ang mag-aaral ng ika-labing-isa at ika-labing-dalawang baitang sa paaralan
ng St. Thomas More Academy Inc., dahil sa edad ng mga mag-aaral na nasa ika-labing-isa at ika-
labing-dalawang baitang angkop ang pag-aaral na ito.

ISKOP AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng pag-aaral at pagtuturo ng sex education
sa mga mag-aaral. Kaugnay ng pag-aaral na ito ang 100% na populasyon ng ika-labing-isa at ika-
labing dalawang baiting ng mga mag-aaral ng St. Thomas More Academy Inc. Ang pananaliksik
na ito ay isinagawa ng taong 2020 hanggang 2021 lamang.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Layunin ng pag-aaral na ito na matuklasan at maipahayag sa mga mag-aaral ang kahalagahan
ng pagtuturo ng sex education upang mabawasan ang posibleng epekto ng kakulangan sa pag-aaral
nito. Ito ay higit na masasagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng sex education?

2. Ano-anong benepisyo ang maaaring makuha ng mga mag-aaral sa pag-aaral nito?

3. Sapat ba ang paggabay at patnubay na ginagawa ng mga magulang sa kanilang anak?


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral upang matuklasan at maipahayag ang
kahalagahan ng pagtuturo ng sex education sa mga mag-aaral sa baiting ika-11 at ika-12 sa St.
Thomas More Academy Inc.
Bansa - ang pananaliksik na ito ay magsisilbing solusyon sa isa sa pangunahing suliranin na
kinakaharap ng ating bansa nang dahil sa kakulangan ng kaalaman at kamalayan ng mga kabataan.
Mamayan - ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang magbigay kamalayan sa mga
kabataan, magulang at sa buong mamayang Pilipino patungkol sa pamaraan, karapatan ng bawat
isa at mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin upang maiwasan ang maaaring maging negatibong
epekto nito.
Institusyon - ang pananaliksik na ito ay naglalayon makakatulong na makapaghatid ng kaalaman
upang magsisilbing gabay sa kung paano nila masusubaybayan at mapapatnubayan ang bawat isa.
Akademya - ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa paglalahad ng kaalaman sa bawat
paaralan kung gaano kahalaga ang pagtuturo at pag-aaral ng sex education nang sa gayo’y kanilang
unti-unti nang maipamahagi ang mga impormasyon na kanilang nalalaman at natutunan upang
magbigyang linaw ang mga mag-aaral tungkoll dito.
Susunod na Henerasyon - ang pananaliksik na ito ay lubusang makakatulong sa mga susunod na
henerasyon upang magbigay ng dagdag kaalaman na siyang magiging gabay ng bawat isa sa kanila
nang sa ganon ay kanilang maunawaan at maintindihan ng lubusan ang edukasyong sekswal.

DEFINISYON NG MGA SALITANG GINAMIT


Teknolohiya - bagay na nakakatulong upang mapadali ang pakikipagkomunika, produksiyon at
iba pang gawaing pangkatauhan. Halimbawa nito ay ang gadyet.
Tagubilin - ito ay panuto o payo na nagmumula sa mga taong mas madami ang kaalaman
tungkol sa isang sitwasyon.
Contraceptive - ay nakatutulong upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.
Moralidad - ito ay isang estado o uri ng pagiisip ng tao, karaniwan itong ginagamit na may
positibong kahulugan. Ang kabaliktaran nito ay "Mababang moral"
Etika - sangay ng pilosopiya na nakatuon sa mga isyu sa moral
Sekswalidad - ay ang kabuuang katauhan ng isang indibidwal
Komprehensibo - pagunawa o pagintindi sa isang mensahe
Suliranin - pagsubok o problema ng tao o ng bansa.
Kamalayan - kaalaman tungkol sa isang bagay o sitwasyon
Pinapatnubayan - ginagabayan

You might also like