You are on page 1of 1

GROUP 4

Ang Araling pangpagtatalik o edukasyong seksuwal ay ang pagsasabi sa mga tao ng


tungkol sa pagtatalik. Sa pangkaraniwan, sinasabi ito ng mga magulang sa kanilang mga anak
kapag sumapit na ang mga ito sa panahon ng kabagungtauhan. Karaniwang kasama rito ang mga
bagay katulad ng paano gumawa ng mga sanggol, kung paano mapupruteksiyunan ang sarili
laban sa hindi ginustong pagdadalangtao, at kung paano hindi makakakuuha ng anuman sa mga
sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Sa maraming mga kultura, ang pagbanggit ng hinggil sa seks
o edukasyong pangpagtatalik ay isang maselan o ipinagbabawal na paksa. May ilang kaantasan
din ng edukasyong pangseks na isinasakatuparan sa paaralan; sa maraming mga lugar,
nagpapasa ang pamahalaan ng mga batas na nagsasaad na ang edukasyong pangpagtatalik ay
dapat gawin sa paaralan. Ilang bahagi ng araling seksuwal ang nagkakaiba-iba ayon sa
kalinangan, katulad ng mga aspetong pangmoralidad at pangkaasalan o etika. Tumutukoy ang
araling pangpagtatalik sa mga pormal na programa ng pagtuturo sa isang malawakang saklaw
ng mga paksa o isyung may kaugnayan sa seksuwalidad na pangtao, kasama ang anatomiyang
seksuwal (organong pangpagtatalik), pagpaparaming seksuwal, pagtatalik, kalusugang
reproduktibo, pakikipag-ugnayang pangdamdamin, mga karapatang pangreproduksiyon at mga
responsibilidad, abstinensiya (pagpipigil sa pagtatalik), kontrasepsiyon, at iba pang mga aspeto
ng ugaling seksuwal ng tao. Pangkaraniwang mga "abenida" o daanan ng pagtuturo ng
edukasyong pangseks ay ang mga magulang o mga tagapag-alaga, mga programa sa paaralan,
at pampublikong mga kampanyang pangkalusugan. Layunin ngayon ng pamunuan ng
Department of Education (Dep-Ed) na palalimin ang pagtuturo ng sex education sa mga mag-
aaral sa bansa. Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, nais nilang ipabatid sa mga estudyante
ang ‘human rights components’ sa usapin ng sex education. Inihalimbawa ni Briones ang bilang
ng mga napapatalsik sa paaralan kapag nalamang buntis ang isang mag-aaral. Aniya, hindi dapat
kunsintihin ang nasabing gawain kaya layunin niyang palalimin ang pagtuturo ng sex education
sa mga estudyante. Base sa pag-aaral ng DepEd, noong 2013 ay may 22 porsiyento ng mga
estudyante na out of school youth ang hindi nakabalik sa pag-aaral matapos na sila ay
mabuntis(Layson,2016).

You might also like