You are on page 1of 1

Florida, Rhod Mhar

Grade 12 St. Peter

POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA SEX EDUCATION

Isa sa mga isyung pinagdedebatehan ngayon sa Pilipinas ay ang pagpapatupad ng Sex


Education sa mga paaralan. Ang Sex Education ay Ang sexuality education ay isang mataas na kalidad ng
instruksyon at pagkatuto tungo sa malawak na saklaw ng mga paksa na konektado sa sex at sekswalidad.
Mahalagang maihanda ang mga kabataan mas lalo na sa mga sensitibong usapin gaya ng sex upang mas
may alam sila sa mga gagawing desisyon tungkol sa pakikipagtalik at sekswalidad.

Para saakin ang sex education ay kaylangan ding matutunan Ng mga estudyante dahil
mabibigyan sila ng karagdagang kaalaman dito. Ating talakayin ang mga dahilan kung bakit ang
paglalagay ng Sex Education sa kurikulum ng paaralan ay higit na makakatulong sa mga kabataan. Ang
Sex Education ay nagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga kabataan patungkol sa sex at sekswalidad.
Kapag ang mga kabataan ay may sapat na kaalaman tungkol sa sex ay nababawasan ang mga maling
maaring mangyare at nababawasan rin ang kuryusidad tungkol sa pakikipagtalik. Nagtuturo rin ng mga
paraan upang makaiwas sa mga sexually transmitted diseases o STD gaya ng HIV at AIDS. Ito ay epektibo
sa pagbawas ng mga biktima ng mga sakit na ito sanhi ng pakikipagtalik sa iba’t- ibang tao. Ito rin ay
nasabing “preventive measure” sapagkat nakakatulong ito sa pagbabawas ng mga nabubuntis na menor
de edad. Hindi lamang ang paglobo ng “teenage pregnancy” ang kaya nitong lutasin kundi malulutas rin
nito ang pagtaas ng kaso ng mga kabataang nagkakaroon ng STD’s. Mag kakaroon ang mga kabataan ang
mga kabataan ng sapat na sandata sa pagawa ng matalino at tamang desisyon sa tulong ng “preventive
measure” na ito.

Mahalagang may kaalaman ang mga kabataan tungkol sa Sex Education upang maiwasan
ang pagkakamali bunga ng maling desisyon. Maipapamulat rin sa mga kabataan na ang sekswal na
aktibidad ay hindi lang kaligayahan ang dala kundi ay may kasama rin itong responsibilidad. Mawawala
na rin sa kanilang kuryusidad kapag kanilang nalaman ang mga masasamang epekto dulot ng pakikipag
“engaged” sa sekswal na aktibidad. Kung alam na ng mga kabataan na kapag nakipagtalik ka ay maaring
makabuntis o mabuntis ang isang bata at tuluyan ng masira ang buhay nito dahil sa pagkakaroon ng
maagaang responsibilidad sila ay hindi na magbabalak na sumangkot sa anumang gawaing sekswal. Sa
pamamaraang ito ang pagtuturo ng Sex Education sa mga kabataan ay naging epektibo.

You might also like