You are on page 1of 10

DEPARTMENT OF EDUCATION

PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY


1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

NALALAMAN ANG PERSEPSYON NG MGA NASA BAITANG LABING-ISA SA

PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY SA

IDEYA NG PAGPAPATUPAD NG SEX EDUCATION BILANG BAHAGI

NG PAGPAPAUNLAD SA KURIKULUM NG K-12

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Kaguruan ng Departamento ng Filipino,


Senior High School Division Philippine College of Advanced Arts and Technology

Bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan sa Asignaturang FILI 1102:


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Ikalabing
isang baitang ng Senior High School

nina:
Alamares, Jamry
Austria, Joshua De Jesus
Azarce, Kathleah D.
Azuer, Ann
Belbora, Kyle
Bravo, Ashley
Clarito, Aldrin
Marisga, John Paolo
Mendoza, Mark Allan
Pielago, Aaron
Plocios, Jeschell

Mayo, 2023
DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa paglipas ng panahon, ang mga kabataan ngayon ay nagiging mas mulat sa kanilang

sekswalidad at katawan. Isa ang social media sa mga dahilan kung bakit ang

kasalukuyang henerasyon ay mausisa na tuklasin ang kanilang sariling katangian at

pagbutihin pa ang kanilang sariling kakayahan. Upang higit na maunawaan ang sarili,

mayroong mga paaralan na nagbibigay ng sex education curriculum para sa mga

estudyanteng kulang ang kaalaman tungkol sa social aspect ng kanilang sekswalidad,

kasanayan at mga pagpapahalaga na makakatulong sa kanilang sa kalusugan,

dignidad at kanilang karapatan sa malayang pagpili ng kanilang ninanais.

Gayunpaman, pagdating sa paksa ng sex education, maraming tao ang umiiwas dito.

Sa isang artikulo na isinulat ni Jonathan Simrin (2015), ang mga bansa sa Europa tulad

ng Italy, Germany, at Switzerland ay may pangkalahatang pinagsama-samang diskarte

sa sex education. Ang mga bansang gaya ng Sweden, France, Netherlands, Denmark,

at Belgium ay gumamit ng isang optimistikong diskarte, na imbis na subukan bawasan

ng mga guro sa mga bansang ito ang mga panganib ng pakikipagtalik. Nililinaw nila ang

konseptong sex at iminumungkahi ito bilang isang normal, malusog, at positibong


DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

gawain. Gayunpaman, ilan sa mga bansa sa Asya ay sensitibo pa rin sa usaping ito,

ang mga paksang nauugnay sa sex education ay iniiwasan, at kadalasang nakikita

bilang kabastusan lamang.

Isa ang Pilipinas sa mga konserbatibo at katolikong bansa, dahil dito kahit may

implementasyon na ng sex education sa Pilipinas naka pokus lamang ito sa mga

lungsod na may mataas na bilang ng teenage pregnancy upang makontrol ang

tumataas na bilang nito. Sa isang bansa kung saan karamihan ng naninirahan ay mga

konserbatibong Katoliko, ang sex education ay hindi tanggap dahil pinaniniwalaan nila

na ang sex education ay nagpo-promote ng premarital sex. Ang argumento patungkol

sa malawakang pagpapatupad ng sex education sa K-12 kurikulum ng Pilipinas ay

pinaniniwalaang sumasalungat sa moral at religious value ng karamihan sa mga

Pilipino.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang na may mataas na porsyento ng pre marital sex.

Layunin ng gobyerno na mapababa ang pagkalat ng mga sakit o hindi inaasahang

maagang pagbubuntis na nakakaapekto sa pag aaral ng kabataan. Sa pamamagitan ng

DepEd ORDER No. 31, s. 2018 nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral, mga

guro, at kawani ng paaralan na magkaroon ng sapat na impormasyon upang maiwasan

ang mga panganib ng maagang maling kamalayan sa sekswalidad. Ayon sa mga


DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

Pilipinong guro ang sex education ay instruksyon at pagsasanay para sa mga

mag-aaral tungkol sa sex at sekswalidad, upang matulungan silang makabuo ng mga

“normal at mabuting pananaw tungkol sa sex (Fontanilla, 2003).

Ngunit hindi sapat ang mga lesson plan, at kinilala ito ng gobyerno sa pamamagitan ng

paglalayong iugnay ang mga aralin sa silid-aralan sa aktwal na mga interbensyon sa

kalusugan ng reproduktibo sa mga pasilidad ng komunidad. Upang labanan ang patuloy

na pagtaas ng teenage pregnancy rates sa bansa, ipinatupad ni dating Pangulong

Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 141, na iuna ang pagpapatupad ng mga

hakbang sa pagtugon sa tumataas na bilang ng teenage pregnancy sa bansa at

nagpapakilos sa mga ahensya ng gobyerno para sa nasabing layunin. Agad na nakipag

tulungan ang DepEd sa Department of Health (DOH) at Commission on Population and

Development (POPCOM) sa paglulunsad ng Comprehensive Sexuality Education and

Adolescent Reproductive Health (CSE-ASRH) Convergence, na isang

buong-ng-gobyernong tumutugon sa mga isyu sa kalusugan ng reproduktibo sa mga

kabataan.

Ang layunin ng sex education ay magbigay ng malawak na pang-unawa sa mga

indibidwal tungkol sa tao sekswalidad at ang mga kaakibat nitong panganib, kasama na

ang mga panganib na nakukuha sa pakikipagtalik o (STIs) sa ingles, pagbubuntis, at


DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

karahasan sa sekswal. Layunin din nito na isulong ang malusog na mga pag-uugali sa

sekswalidad, gaya ng paggamit ng kontrasepsiyon, at pakikipagkomunikasyon sa mga

kasosyo sa sekswal. Nilalayon ng mga mananaliksik na maipaliwanag ang kahulugan

ng sex education upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang kapwa kabataan.

Nilalayon rin ng mga mananaliksik na tuklasin ang kahalagahan ng sex education sa

mga grade 11 sa Philippine College of Advanced Arts and Technology na mag-aaral sa

Pilipinas, at mga pananaw ng mga mag-aaral mismo tungkol sa debate sa

pagpapatupad ng sex education sa bansa.

Layunin

Layunin ng mga mananaliksik na pagtuunan ng pansin ang pagsasagawa ng

kwalitatibong pag-aaral hinggil sa persepsyon ng pagpapatupad ng inklusibo at

komprehensibong sex education sa mga piling mag-aaral sa baitang 11 ng PCAAT.

1. Natutuklasan ang mga salik na nakakaapekto sa persepsyon ng mga estudyante

na nasa baitang labing-isa ng PCAAT.

2. Nalalaman ang persepsyon ng mga estudyante na nasa baitang labing-isa sa

PCAAT tungkol sa pagpapatupad ng inklusibo at komprehensibong sex

education sa kurikulum ng K-12.


DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

3. Natutukoy ang mga posibleng epekto ng opinyon ng mga mag aaral sa baitang

labing-isa sa PCAAT.

4. Naglulunsad ng suhestiyon sa pagdagdag ng sex education bilang isang

asignatura o programa na makakatulong para araw-araw na nadadagdagan ang

kaalaman ng bawat mag aaral ng PCAAT tungkol sa sex at malaman ang mga

paraan upang maiwasan ang mga sakit na hatid nito.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa persepsyon ng mga nasa baitang labing-isa sa

Philippine College of Advanced Arts and Technology sa ideya ng pagpapatupad ng sex

education bilang bahagi ng kurikulum ng K-12. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang

mag benepisyo ang mga estudyante na nasa baitang labing isa ano man ang kanilang

kasarian, ito man ay lalaki o babae na nasa anumang academic strand na mayroon sa

PCAAT na walang limitasyon sa kanilang edad hangga't sila ay nasa baitang labing isa

sa paaralang ito at nasa kahit anumang modalidad ng pag aaral na kanilang pinili, sila

man ay online, face to face, o modular. Sa pag-aaral na ito mas tinutukan o binigyang

halaga ang opinyon ng mga estudyante na nasa baitang labing isa ukol sa kung paano

makakatulong ang sex education upang makaiwas sa lumalaganap na teenage

pregnancy na maaaring makapag bago ng kanilang mga plano at hinahangad sa buhay


DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

at ang pagkabigla sa mga responsibilidad na dapat ay hindi pa hinaharap ng mga

teenager.

Ang pag-aaral ay nililimitahan lamang ang lugar kung saan ito isasagawa. Ito ay

isasagawa sa Philippine College of Advanced Arts and Technology na kinabibilangan ng

mga mag aaral sa kadahilanang walang kakayahan ang mga mananaliksik na

magpatupad ng sex education dahil limitado lamang ang kanilang panahon na

kailangan ilaan sa pag aaral na ito.

Kahalagahan

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang persepsyon ng mga nasa baitang

labing-isa sa Philippine College of Advanced Arts and Technology sa ideya ng

pagpapatupad ng sex education bilang bahagi ng kurikulum ng K-12. Magbibigay din

ang pag-aaral ng mga resulta na maaaring magamit upang makatulong magbigay

kaalaman sa mga estudyante tungkol sa sex education at maayos ang konserbatibong

kultura nating mga pilipino. Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring

pakinabangan ng mga guro sa Sex Education, mga mag-aaral, at mga susunod na

mananaliksik.
DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

Sa mga Mananaliksik

Makakatulong ito bilang pang dagdag na kaalaman o impormasyon tungkol sa sex

education, at maaaring kaming makinabang at makagawa ng tamang desisyon dahil

lang sa pagkakaroon ng tamang pag-aaral at pag-unawa sa sex education.

Sa mga Guro

Ang pag aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga guro ng Sex Education para sa

mga aktibidad nila sa kanilang klase. Maaring makatulong rin ito sa kanilang mga

estudyante para maihanda nila ang kanilang sarili sa mga totoong sitwasyon sa buhay

na maaaring mangailangan ng wastong kaalaman tungkol sa sex.

Sa mga Mag-aaral

Ang mga mag-aaral ay higit na makikinabang sa resulta ng pananaliksik na ito. Ito ay

dahil ang sex education ay napatunayang nakakabawas ng maling impormasyon at

nakakatulong sa kakayahan ng mga kabataan na gumawa ng tamang desisyon tungkol

sa kanilang kalusugan. Ang sex education ay hindi lamang binabawasan ang panganib

ng hindi sinasadyang pagbubuntis at mga karamdaman ngunit ipinakilala rin ang mga

lalaki at babae sa mga materyal na pang-edukasyon na nagbibigay ng lecture, at

nagbibigay-kaalaman sa kanila.
DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

Sa mga hinaharap na Mananaliksik

Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay maaaring gamitin bilang batayan o sanggunian

ng mga susunod na pag-aaral.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang pananaliksik na ito, binigyang

pagpapakahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ito

ginamit sa pag-aaral:

Kontrasepsiyon - Pagpigil sa pagbubuntis.

Kurikulum - Ang mga kursong pag-aaralan, o kaya programa ng pag aaralan.

PCAAT - Philippine College of Advanced Arts and Technology

Premarital Sex - Pagtatalik ng dalawang taong hindi pa kasal.

Sekswalidad - Kabuuang katauhan ng isang indibidwal o nilalang.


DEPARTMENT OF EDUCATION
PHILIPPINE COLLEGE OF ADVANCED ARTS AND TECHNOLOGY
1941 DOÑA FAUSTINA BUILDING, RECTO AVE, QUIAPO, MANILA, PHILIPPINES

Sex - Pagtatalik o pagsisiping ng dalawang tao upang makabuo ng bagong buhay o

supling.

Sex education - Pagbibigay impormasyon sa mga tao tungkol sa pagtatalik.

STI - (Sexually Transmitted Infections) impeksyon na maaari mong makuha sa

pamamagitan ng pakikipagtalik sa taong may impeksyon din.

Teenage Pregnancy - Maagang pagbubuntis ng mga kabataan kung saan hindi nila

alam ang magiging epekto nito sa buhay nila.

You might also like