You are on page 1of 31

Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas

Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo

Mga Kagamitang Pampagtuturo Batay sa Pamamaraang HipHopEd:

Pagbuo at Pagtataya

Isang Panukalang Pananaliksik

na iniharap sa

Kolehiyo ng Edukasyon

Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas

La Paz, Lungsod ng Iloilo

Bilang Bahagi ng Pagtupad

Sa mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Titulong

Master ng mga Sining sa Edukasyon

(Filipino)

Ni

Ronnalyn Joy C. Pasquin

Oktubre, 2018
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo

Kabanata 1

Panimula ng Pag-aaral

Ang kabanata I ay binubuo ng limang bahagi: (1) Banghay at Sanligan ng Pag-aaral,

(2) Paglalahad ng Suliranin, (3) Kahalagahan ng Pag-aaral, (4) Saklaw at Hangganan ng

Pag-aaral at (5) katuturan ng mga Katawagan.

Ang Unang bahagi, Banghay at Sanligan ng Pag-aaral ay nagpapaliwanag ng mga

dahilan sa pagpili ng suliranin at paglalahad ng banghay ng pag-aaral. Dito rin nakapaloob

at mga sinandigang teorya ng naturang pag-aaral.

Ang Ikalawang bahagi, Paglalahad ng Layunin at Suliranin, nagsasaad ng layunin ng

kasalukuyang pag-aaral at ang mga suliraning tatangkaing sagutin.

Ang Ikatlong bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, nagpapahayag ng mga

kapakinabangang maidudulot ng pag-aaral at ng mga taong makikinabang sa kalalabasan

ng pag-aaral.

Ang Ikaapat na bahagi, Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral ay tumatalakay sa sakop

at limitasyon ng pag-aaral.

Ang Ikalimang bahagi, katuturan ng Katawagan, ay ang pagbibigay katuturan sa

mga mahahalagang katawagang gagamitin sap ag-aaral na ito para sa malinaw na pag-

unawa.
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang edukasyon ayon kay Nelson Mandela ay isang makapangyarihang sandata na

maaaring gamitin upang mabago ang mundo. Upang ito ay maging makapangyarihan,

kailangan itong hasain at linangin ng husto. Para magawa ito, kailangan ang pagtutulungan

ng mga guro at ng mag-aaral. Kinakailangan ang dedikasyon ng mga guro na mapaunlad at

mapayaman ang kanyang pagtuturo at ang kagustuhan ng mga mag-aaral na matuto at

malinang ang kanilang kritikal na pag-iisip

Ngunit sa panahon ng bagong milenyo kung saan nagsusulputan ang mga

makabagong gadgets at ang pinalakas na internet na bunga ng mga makabagong

teknolohiya, hantad na ang lahat sa iba’t ibang media at mga bagong trends sa loob at labas

ng bansa. Dahil dito, maraming mga kabataan ang nawawalan ng interes sa pag-aaral. Ito

ay nagiging hadlang sa epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral at ang nagiging suliranin

ng mga guro.

Ayon kay Badayos (2012), malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang

matagumpay na pagtuturo at pagkatuto. Narararapat lamang na siya ay maging malikhain

at hindi tumigil sa pagbuo ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo na naaayon sa

interes ng mga mag-aaral. Ang nakakakuha ng atensyon nila ay kadalasang mga bagay na

nauuso sa panahon ngayon. Isa na rito ay ang kultura at musikang hip-hop at ang mga

elemento nito.

Ang musika ayon kay Berk sa pagbanggit ni Silvera (2015) ay nagsisilbing paraan ng

komunikasyon at nagbibigay ginhawa sa mga tagapakinig batay sa mensahe nito. Ayon pa

sa kanya, ito ay tumutulong sa mga kabataan na makayanan ang mga suliranin na kanilang
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
kinakaharap. Tumutulong daw ito sa kanila na mapagtanto at maunawaan na hindi lamang

sila ang dumaraan sa mga kaparis na suliranin. Ito marahil ang dahilan kung bakit nawiwili

ang mga kabataan sa mga makabagong musika gaya na lamang ng musikang hip-hop,

maging sa mga elemento nito.

Ayon kay Mary Schons sa kanyang artikulo na Flipino Hip-Hop sa National

Geographic (2010), sa Pilipinas unang nagkaroon ng hip-hop music scene sa Asia noong

unang bahagi ng dekada 80. Ang pagtangkilik ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng mga

kabataan sa hip-hop ay hindi na nawala buhat noon at lalo pang nadagdagan ang mga

elemento nito na niyakap din ng mga Pinoy. Hindi man orihinal na nagmula sa Pilipinas ang

hip-hop, sa katagalan ay naging bahagi na ito ng kanilang kultura.

Ang paggamit ng mga araling kasasalaminan ng mga kultura ng mag-aaral ay

nagbibigay-daan sa mga guro upang mapakinggan at matugunan ang kanilang mga

pangangailangan at makakonekta sa mga ito. Ang mga aralin sa loob ng silid-aralan ay

isinasagawa upang suportahan ang lipunan sa isang makabuluhang paraan sa pamamagitan

ng pagdaragdag ng kanilang mga tinig at pananaw sa pagtuturo (Fernandes, 2011).

Sa loob ng higit sampung taon, ginagamit na ng mga guro sa ibang bansa ang hip-

hop bilang isang pamamaraan sa pagtuturo ng kanilang aralin, lalong-lalo na sa pagtalakay

ng mga isyu sa lipunan at pagtuturo ng panitikan. Ayon kay (Stovall 2006) ang paggamit ng

musikang hip-hop sa silid-aralan ay maaaring makahikayat ng kritikal na pagtuturo at kritikal

na pag-iisip. Binigyang diin ni Clay (2006) na ang hip-hop ay nakatutulong sa mga kabataan

na magkaroon ng kamalayan sa pulitika at hinihikayat sila na makibahagi sa demokrasya.

Sa kadahilanang sinusulong ng K to 12 curriculum ang pagiging “child-centered” o

ang pagiging pokus sa pangangailangan ng mga mag-aaral, napagpasyahan ng

mananaliksik na buo ng mga kagamitang pampagtuturo batay sa pamamaraang HipHopEd o


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Hip Hop Education Approach. Isang pamamaraan kung saan ginagamit ang musikang hip-

hop at iba pang elemento nito sa mga aralin lalong-lalo na sa pagtuturo ng wika at

panitikan.

Nilalayon ng pag-aaral na ito makabuo ng mga kagamitang pampagtuturo na angkop

sa interes ng mga mag-aaral upang mahikayat silang makilahok sa klase. Nais ding

malaman ng mananaliksik kung ang ganitong pamamaraan ba ay magiging epektibo kagaya

ng sa ibang bansa.

Balangkas Konseptwal

Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay bubuo ng kagamitang pampagtuturo gamit

ang pamamaraang HipHopEd at tatayain ang antas ng kahusayan nito ng mga napiling

jurors. Ito ay may layuning ilapit ang aralin sa wika at panitikan sa interes ng mga mag-

aaral.

Paradima ng Pag-aaral

Pagbuo
Kagamitang Pampagtuturo

Batay sa Pamamaraang

Hip-HopEd
Pagtataya
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Larawan 1. Ang pagbuo at pagtataya ng kagamitang pampagtuturo batay sa pamamaraang

Hip Hoped.

Balangkas Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay nakasalig sa dalawang teorya. Ang Social Cognitive

Theory ni Bandura at Constructivism Learning Theory ni Jean Piaget.

Ayon sa Social Cognitive Theory ni Bandura sa pagbanggit ni Naelgas

(2014) binibigyang diing na natutoto ang tao sa kapwa sa pamamagitan ng direktang

obserbasyon at imitasyon ng anumang napagmamasdan. Malaki ang implowensya ng

lipunan sa mga mag-aaral kung kaya’t nahuhumaling din sila sa mga makabagong trends na

kanilang napapanood at napapakinggan sa loob at labas ng bansa kagaya na lamang ng hip-

hop. Sa halip na magkaroon ng negatibong epekto sa kanila, maaari itong magamit sa

pagtuturo sapagkat ito ang kanilang interes sa mga panahong ito.

Ayon naman kay Jean Piaget sa kanyang teoryang Constructivism Learning

Theory, mas malilinang at magiging makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung

gagamit ang guro ng mga makabagong pamamaraan sa kanyang pagtuturo. Sa ganitong

paraan, nalilinang ng mga mag-aaral ang kanilang kritikal na pag-iisip at nagkakaroon ng

sariling repleksyon sa kanilang bagong natutunan.

Suliranin ng Pag-aaral

Naglalayon ang pag-aaral na ito na matukoy ang mga elemento ng hip hop

na maaaring gamitin sa mga aralin at mula rito ay makabuo at magtaya ng kagamitang

pampagtuturo sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Filipino 7 batay sa pamamaraang

HipHopEd o Hip-Hop Education Approach.

Layunin ng pag-aal na ito na masagot ang sumusunod na katanungan:


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
1.Ano-anong elemento ng kulturang hip hop ang maaaring gamitin sa pagbuo ng

kagamitang pampagtuturo ?

2.Ano ang saklaw ng mabubuong kagamitang pampagtuturo?

3.Ano ang antas ng kahusayan ng binuong kagamitang pampagtuturo batay sa

pagsusuri ng mga guro at batay sa mga sumusunod na krayterya:

(a) Layunin, (b) nilalaman, (c) integrasyon, (d) mga Gawain, (e) mga kulturang

hip hop na ginamit at (f) ebalwasyon?

4.Ano ang mga puna o reaksyon ng mga mag-aaral hinggil sa integrasyon ng

kulturang hip hop sa mga aralin?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang magiging kalalalabasan ng

pag-aaral na ito sapagkat ito ay napapanahon at malapit sa interes ng mga mag-aaral. Sa

pag-aaral na ito, matutukoy ang mga elemento ng hip hop na maaaring gamitin sa mga

aralin at makabuo ng mga kagamitang pampagtuturo gamit ang pamamaraang Hip-Hoped

o Hip Hop Education Approach sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Filipino 7.

Mag-aaral. Sapagkat ang bubuuing kagamitang pampagtuturo ay gagamitan ng

pamamaraang Hip-Hoped at naglalayong mailapit ang aralin sa interes ng mga mag-aaral,

makakatulong ito sa kanila na magkaroon ng epektibong pagkatututo. Hindi lamang

mapupukaw ang kanilang interes sa mga aralin, kundi malilinang din ang kanilang

mapanuring pag-iisip at kamalayang panlipunan sa tulong ng mga musikang hip hop na

tatalakayin. Malilinang din ang kanilang malikhaing pag-iisip at mayroon silang pagkakataon

na ipahayag ang kanilang saloobin at mga kaisipan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga

gawaing may kinalaman o gamit ang mga elemento ng hip-hop.


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Guro. Ang mabubuuong kagamitang pampagtuturo ay magsisilbing sanggunian ng mga

guro sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Filipino 7. Makakatulong ito sa kanila na makuha

ang interes ng mga mag-aaral sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito, mahihikayat ang mga guro na lalo pang maging malikhain sa

pagpaplano at pagbuo ng mga kagamitang panturo batay sa mga bagong pamamaraan ng

pagtuturo at naaangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa henerasyong ito.

Administrador ng Paaralan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan ng ideya

nag mga tagapamahala ng paaralan kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng makabago,

makabuluhan at kakaibang kagamitang pampagtuturo nang sa gayon ay mabatid ng lipunan

ang uri ng edukasyon na maaaring matamo buhat sa institusyong ito.

Mananaliksik sa Hinaharap. Magsisilbing pantulong din ito sa mga mananaliksik bilang

karagdagang sanggunian sa pagsasagawa at pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo

gamit ang mga makabagong pamamaraan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Naglalayon ang pag-aaral na ito na matukoy ang mga elemento ng hip-hop

na maaaring gamitin sa mga aralin at mula rito ay makabuo at magtaya ng kagamitang

pampagtuturo sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Filipino 7 batay sa pamamaraang

HipHopEd o Hip-Hop Education Approach.

Pamamaraang descriptive-evaluative ang pamamaraang gagamitin sa pag-aaral

na ito na magtataya sa antas ng kahusayan ng gagawing kagamitang pampagtuturo.

Ang mananaliksik ay maghahanap ng mga sanggunian ukol sa gagawing pag-

aaral. Tutukuyin nito ang mga elemento ng kulturang hip-hop na maaaring gamitin sa mga
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
aralin sa Filipino 7 gaya na lamang ng musikang rap, fliptop (rap battles) o sining na graffiti.

Mula roon, bubuo ng mga kagamitang pampagtuturo gamit ang pamamaraang HipHopEd.

Ilalahad din ng mananliksik ang magiging saklaw ng kagamitang pampagtuturo.

Magkakaroon ng mga jurors na magtataya sa antas ng kahusayan ng gagawing

kagamitang pampagtuturo. Ihahanda ng mananaliksik ang isang evaluation sheet o papel sa

pagtataya ng nabuong kagamitan pampagtuturo.

Katampatang tuos o mean ang instrumentong istadistikang gagamitin upang

matukoy ang antas ng kahusayan ng ginawang kagamitang pampagtuturo.

Kahulugan ng mga Termino

Sa higit na ikalilinaw ng pag-aaral na ito, ang sumusunod na katawagan ay

sinikap na bigyang kahulugan at ipaliwanag:

Hip-hop. Tumutukoy sa malawakang kilusang kultural kung saan nabibilang ang rap,

deejaying, graffiti painting at breakdancing na nagsimula sa komunidad ng mga Black

American sa New York na nagkaroon ng malaking implowensiya sa buong mundo

(Encyclopedia Britanica, 2008).

Sa pag-aaral na ito, ang hip-hop at mga elemento nito ay gagamitin sa

bubuuing kagamitang pampagtuturo.

Kagamitang Pampagtuturo. Tinutukoy nito ang mga babasahin, pagsasanay at

kagamitan na makatutulong sa mga guro upang maging matagumpay ang proseso ng

pagkatuto ng mga mag-aaral (Badayos, 2012).


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Sa pag-aaral na ito, ang kagamitang pampagtuturo ay ang kagamitang

bubuuin ng mananaliksik gamit ang pamamaraang HipHoped.

Pagbuo. Makagawa o makalikha ng isang bagay o isang simulain(UP Diksyunaryo, 2010).

Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo

batay sa pamamamaraang HipHopEd.

Pagtataya. Isang proseso ng pagtasa o pagtukoy sa kabisaan o kagalingan ng isang bagay.

(Merriam-Webster, 2018)

Sa pag-aaral, ito ay ang proseso ng pagtaya ng mga jurors sa antas ng

kahusayan ng ginawang kagamitang pampagtuturo.

Pamamaraang Hip-HopEd (Hip-Hop Education Approach). Isang pamamaraan ng

pagtuturo at pag-aaral na nakatutok sa paggamit ng kultura ng hip-hop at mga elemento

nito sa pagtuturo at pag-aaral sa loob at labas ng mga tradisyunal na paaralan Runell at

Diaz (2015).

Sa ginawang pag-aaral, ito ay ang pamamaraang gagamitin sa pagbuo ng mga

kagamitang pampagtuturo sa mga aralin sa wika at panitikan sa Filipino 7.


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na babasahin at pag-

aaral na may kinalaman sa pagbuo at pagtataya ng kagamitang pampagtuturo batay sa

pamamaraang HipHopEd.

Ang kabanatang ito ay nahahati sa dalawang bahagi.

Ang unang bahagi ay ang pagtalakay ng mga kaugnay na literatura na

kinabibilangan ng (a) Hip-hop kung saan nabibilang ang kahulugan at mga elemento nito

maging ang hip-hop sa Pilpinas (b) Kagamitang Pampagtuturo at (c) Pamamaraang

HipHopEd.

Ang ikalawang bahagi ay ang pagtalakay ng mga kaugnay na pag-aaral na

isinagawa sa loob at labas ng bansa.

Kaugnay na Literatura

Hip-Hop

Hip-hop, ay isang subculture at kilusan sa sining na binuo sa Bronx sa New York City

sa huling bahagi ng dekada 70. Ang mga pinagmulan ng salitang hip-hop ay madalas na

pinagtatalunan. Ang katagang hip-hop ay kadalasang ginagamit upang sumangguni

lamang sa musikang hip-hop(tinatawag ding rap). Gayunpaman, ang hip hop ay mayroong
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
siyam na elemento, kung saan apat na elemento lamang ang itinuturing na mahalaga upang

maunawaan ang kulturang hip-hop.

Ang mga pangunahing elemento ng hip hop ay binubuo ng apat na pangunahing

haligi. Ito ay ang "rapping" (tinatawag din na MC o Mikrophone Commander), DJing (at

turntablism), na gumagawa ng musika gamit ang mga record player at DJ mixer, b-boying /

b-girling o mas kilala sa tawag na breakdancing at graffiti art. Iba pang mga elemento ng

hip hop subculture ay ang hip hop culture at makasaysayang kaalaman sa kilusan

(intelektwal / pilosopiko), beatboxing, isang estilo ng paglikha ng tunog gamit ang bibig,

street entrepreneurship, wika ng hip hop, at hip hop fashion at estilo.

Hip-Hop sa Pilipinas

Sa Pilipinas unang nagkaroon ng hip-hop music scene sa Asia noong unang bahagi

ng dekada 80. Resulta ito ng makasaysayang koneksyon ng bansa sa Estados Unidos kung

saan nagmula ang hip-hop. Ang musikang rap na inilabas sa Pilipinas ay naisulat sa iba't

ibang wika o diyalekto tulad ng Tagalog, Chavacano, Cebuano, Ilocano at Ingles. Sa

Pilipinas, masasabing si Francis M at Andrew E ang pinaka-maimpluwensyang rappers sa

bansa at ang unang naglabas ng mainstream rap albums. Sa US, si Apl.de.ap ng The Black

Eyed Peas, Chad Hugo ng The Neptunes at NERD, Hodgy Beats ng Odd Future (OFWGKTA)

at MellowHype, at Geologic ng Blue Scholars ay ilan lamang sa pinakamatagumpay na

Filipino-Amerikano (Fil-Am) sa industriya ng hip hop.

Noong 1980, ang pinaka-unang rap recording ay nagmula sa single na "Na Onseng

Delight" ni Dyords Javier na inilabas ng Wea Records. Ang genre ng rap ay nakapasok sa

mainstream sa debut album ni Francis Magalona, na Yo! (1990), na kasama ang nationalistic
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
hit na "Mga Kababayan". Si Magalona (kilala sa mga alyas Francis M, The Man mula sa

Maynila, at Master Rapper), isang dating breakdancer mula sa The Eclipse Crew na nag-rap

sa parehong Ingles at Tagalog, ay naging isang instant superstar at ang unang rap icon sa

Pilipinas.

Mas maraming mga bituin ang sumunod sa mga yapak ni Magalona. Dahil rito

nakilalang "Golden Age" ng Pinoy Hip Hop, ang dekada ‘90.

Nang pumasok ang bagong milenyo, lalo lamang umunlad ang musikang rap sa

Pilipinas. Naging matunog ang pangalan ng rapper na si Gloc 9 na kalimitang pumapaksa sa

mga suliraning panlipunan. Lumawak ito at nagkaroon pa ng mga DJ mixing battles at rap

battles na kilala sa tawag na fliptop.

Naging tanyag ang Fliptop noong 2010. Ang lokal na kumpetisyon sa rap ay

kadalasang nilalahukan ng dalawang rapper (alinman sa 2 rappers o 2 duos) na

nagbabatuhan ng mga salita at tugma sa isa’t isa, na sa dulo ay hinuhusgahan batay sa

daloy at paggamit ng mga insulto / punchlines at epekto sa madla . Ang may

pinakamaraming boto mula sa mga hukom ay ipinahayag na nanalo. Ang ilang mga sikat na

artist na lumahok sa FlipTop ay kinabibilangan nina Loonie, Smugglaz, Abra, Dello, Zaito,

Bassilyo, Batas, BLKD, at Sayadd. Dahil sa tagumpay ng FlipTop, maraming mga amateur at

iba pang mga labanan sa rap ang lumitaw tulad ng Sunugan, Bolero Rap Battles, Bahay

Katay, atbp.

Kagamitang Pamapagtuturo

Sa mga huling dakada ng ikalabinsiyam na siglo nagsimulang magkaroon ng

ibayong pansin sa pangangailangan ng kagamitang pampagtuturo. Bilang pagsasaalang-


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng kahulugan at mabisang

pagtuturo at pag-aaral, ang mga guro ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo

(Abad, 2001). Ayon kina Halal at Liebowitz (1994). “The choice of instructional materials can

have an impact as large as or larger than the impact of a teacher”. Nangangahulugan

lamang ito na kailangang maging angkop ang mga kagamitang ginagamit ng mga guro sa

pagtuturo. Nararapat na ito ay napapanahon at sumasabay sa pangangailangan at interes

ng mga mag-aaral.

Sinabi pa ni Aguilar (2001), ang paglinang ng mga guro ng mga kagamitang

pampagtuturo ay makatutulong ng malaki sa pagtuturo. Subalit ito ay nangangailangan ng

pagtitiyaga, pagtitiis, lakas ng loob at pagiging maparaan ng guro. Kailangan na ito ay

pinag-iisipang mabuti dahil isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang guro ay ang

masigurong may natututunan ang mga sa mga itinuturo gamit ang mga kagamitan.

Ayon kay Liwanag sa pagbanggit ni Naelgas (2014), ang kagamitang

pampagtuturo ay isa sa mga salik sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Nakabase ang

mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ng iba’t ibang batayan sa pananaw na

sosyo-kultural.

Sa paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo, nararapat lamang na

isaalang-alang ang mga gamit nito, ang mga layunin, ang estilo at ang bisa nito sa mga

mag-aaral. Nararapat lamang na ito ay alinsunod sa kanilang interes at pangangailangan. Sa

ganitong paraan, matutulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng nakakatuwa, kawili-

wili at epektibong pagkatuto.

Pamamaraang HipHoped
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Ang HipHopEd (Hip-Hop Education Approach) ay isang pamamaraan ng pagtuturo

at pag-aaral na nakatutok sa paggamit ng kultura ng hip-hop at mga elemento nito sa

pagtuturo at pag-aaral sa loob at labas ng mga tradisyunal na paaralan.

Ang HipHopEd ay gimagamit ng hip-hop music maging ang sining at kultura upang

lumikha ng mga pilosopiya para sa pagtuturo. Ginagamit din nito ang hip-hop upang bumuo

at magamit ang mga kagamitang pampagtuturo at tumutulong upang lumikha ng mga

konteksto para sa pagtuturo at pag-aaral kung saan komportable ang mga kabataan.

Napapaloob sa HipHopEd ang paggamit ng mga lyrics ng rap bilang tekstong gagamitin sa

silid-aralan maging ang mga rap na nilikha ng mga mag-aaral bilang mga takdang-aralin sa

silid-aralan na ginagamit upang masukat ang kanilang kaalaman. Ginagamit nito ang mga

elemento ng hip-hop bilang mga paraan upang ilarawan o ipaliwanag ang nilalaman ng

aralin, bumuo ng mga gawain sa silid-aralan, at lumikha ng mga kagamitan para sa

pagkatuto ng mga kabataan.

Hip-Hop Bilang Pamamaraan sa Pagtuturo

Ang Hip-Hop ay nakagawa ng isang makabuluhang epekto sa kultura mula nang

magsimula ito sa huling bahagi ng dekada ‘70 sa New York na nagkaroon ng implowensya

sa buong mundo. Maraming mga elemento ang hip-hop tulad ng break dancing, DJ-ing (disc

jockeying), graffiti art, beat producing, street fashion at emceeing o rapping. Ayon sa

Rapper Krs-One, ang rap ay isang bagay na ginagawa mo at ang Hip-Hop ay isang bagay

na isinasabuhay. "(Lawrence 1993). Sa hip-hop, ang isang tao ay nagkukwento na

maituturing na lyrically gifted at nakapagsasalita ng mabilis. (Smitherman 1997).


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Gayunpaman, ang musika sa pangkalahatan ay maaaring maging negatibo o

positibo. Ang mga linya ng rap ay maaaring maglahad ng kalungkutan at karahasan o ang

mga linya ay maaring magpahayag ng mga suliraning panlipunan. Inilalahad ng mga emcee,

rappers o lyricists sa pamamagitan ng musika ang mga problema ng lipunang kanilang

ginagalawan. Ang mga mensaheng kanilang ipinahiwatig ay nagsisilbing koneksyon para sa

kanilang mga tagapakinig.

Ang musika ayon kay Berk (2008) sa pagbanggit ni Silvera (2015) ay nagsisilbing

paraan ng komunikasyon at nagbibigay ginhawa sa mga tagapakinig batay sa mensahe nito.

Ayon pa sa kanya, ito ay tumutulong sa mga kabataan na makayanan ang mga suliranin na

kanilang kinakaharap. Tumutulong daw ito sa kanila na mapagtanto at maunawaan na hindi

lamang sila ang dumaraan sa mga kaparis na suliranin.

Hinihikayat ng koneksyong ito ang mga kabataan na makibahagi sa kultura ng hip-

hop gaya ng lamang ng pagsulat ng mga tula, paglikha ng mga musika at mga tunog,

pagsasasayaw at/ o estilo ng pananamit. Noong mga nakaraang taon, ang rap music ay

lalong ginagamit bilang isang paraan ng pagtuturo para sa mga mag-aaral sa high school at

kolehiyo. Ayon kina Morrell at Duncan-Andrade (2002) gumagamit ang mga guro ng hip-hop

sa kanilang kurikulum upang bumuo ng ugnayan at kumonekta sa mga mag-aaral lalong-lalo

na ang mga nasa lungsod.

Ayon kina Ginwright and Cammarota (2002), ang hip-hop ay tumutulong sa mga

kabataan na ipahayag ang kanilang mga nadarama tulad ng sakit, galit at pagkabigo gamit

ang mga awit at tula. Maliban dito, maaaring gamitin ang hip-hop upang lumikha ng mga

produktibong mamamayan. Binigyang diin ni Clay (2006) na ang hip-hop ay nakatulong sa

mga kabataan na magkaroon ng kamalayan sa pulitika at hinihikayat sila na makibahagi sa


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
demokrasya. Ang mga pananaliksik ay nagpakita na ang musikang rap ay maaaring maging

lubhang kapaki-pakinabang para sa mga academia.

Ayon kay Abrams (2009), ginagamit ng mga kabataan ang musika upang

maipakilala ang kanilang sarili sa iba na siyang nalilinang sa pamamagitan ng kanilang

panlipunang kapaligiran.

Ayon kina Rentfrow, McDonald at Oldmeadow (2009):

Individuals that communicate their musical preferences to others are

suggesting that they adapt to the personalities and values of a particular genre of

music.

Halimbawa, ang mga indibidwal na naninirahan sa isang lunsod o bayan ay

maaaring magkaroon ng kagustuhan sa mga musikang hip-hop at kasabay nito ay ang pag-

aangkop nila ng kanilang pananamit at pamamaraan ng pagsasalita sa kulturang hip-hop.

Gaya ng tinuran ni Clay (2006):

“Hip-hop speaks to youth who find representation of themselves and

their community within their lyrics, styles and presentation of culture.”

Tinuran ni Abrams (2009) na ang musika ay nagsisilbing positibong behikulo para

sa pagkakakilanlang bumubuo sa mga kabataan. Tinutulungan nito ang mga kabataan na

bumuo ng mga positibong relasyon sa lipunan kung saan maaaring gamitin ng mga guro/

tagapagturo ang impluwensyang ito upang ganyakin ang mga kabataan na matuto sa

pamamagitan ng musika.

Hip-Hop sa Edukasyon
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Ang mga tagapagturo na naghahanap ng malikhaing paraan sa pagtuturo ng mga

mag-aaral ay maaaring gumamit ng hip-hop upang makuha ang kanilang interes. Ang

paggamit ng musikang hip-hop sa silid-aralan ay maaaring makahikayat ng kritikal na

pagtuturo at kritikal na pag-iisip (Stovall 2006). Inimungkahi ni Shor (1980) ang kritikal na

pagkatuto bilang isang porma ng pedagogical practices para sa mga mag-aaral sa high

school na nakasentro sa mga kritikal na isyu at alalahanin ng mga mag-aaral.

Pinalawak ni Stovall (2006) ang konseptong ito sa pamamagitan ng pagsasagawa

ng isang pag-aaral sa urbanisadong lunsod ng mga African at Latinong kabataan sa Chicago,

Illinois kung saan ginamit ang hip-hop bilang isang pamamaraan sa pag-unawa sa paksang

aralin at ang koneksyon nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sa pamamagitan ng paggamit ng lyrics ng hip-hop, nagsimulang maunawaan ng

mga estudyante ang mga konsepto na nakapaligid sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang paggamit ng hip-hop ay ginamit sa pagtuturo ng agham panlipunan, kung saan ang

mga mag-aaral ay nakabuo ng ugnayan sa mga naiibang tunog ng rap, pagkatapos ay ang

mga linya at nilalaman nito. Ang mga linya ng awiting hip-hop ay tutulong sa mga mag-aaral

na bumuo ng mga bagong ideya at konsepto na lumilinang ng kanilang kritikal na pagkatuto

at pag-iisip.

Ang paggamit ng hip-hop sa kurikulum ay nagdaragdag ng halaga at kahulugan

para sa mga estudyante at guro (Haaken, Wallin-Ruschman, & Patange, 2012). Higit sa

lahat, ito ay nagsisilbing isang cultural-releveant paradigm na nagdudulot ng aktibong

pakikisakot ng mga mag-aaral sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Ito ay nagbibigay-

daan sa mga guro na makabuo ng mga aralin na kumukonekta sa mga mag-aaral sa

kanilang komunidad kabilang na ang panlipunan at pampulitikang aspeto na

nakakaimpluwensya sa lipunan.
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Ang layunin ng pagtuturo ay dapat na maging malinaw at mahikayat ang

mga mag-aaral na maragdagan ang kanilang mga karanasan sa pagkatuto at pasiglahin ang

kanilang kritikal na kamalayan sa mga aralin. Nagiging makabuluhan ang mga gawain at

nagiging angkop sa mga pangangailangang kultural ng mga mag-aaral ang mga aralin

kapag ang mga ito ay iniugnay sa kanilang lipunang ginagalawan.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang pagbuo ng mga makabagong kagamitang Pmapagtuturo ay mahalaga upang

magkaroon ng makabuluhang pagkatuto ang mga mag-aaral.

Ayon kay Ramirez, C. G. (2016) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang

Kagamitang Panturo na Ginagamit sa Pagtuturo ng Grade 7 sa K to 12 Kurikulum, iginiit

niyang ang kagamitang pampagtuturo ay isa sa pinakamahalagang instrumento sa

pagtuturo sapagkat ito ay isa sa mga kailangan upang mas lalong matuto ang mga mag-

aaral at upang malaman nila kung ano ang kanilang dapat pag-aralan

Iminungkahi rin ni Naelgas, D. (2014) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang TV

Ads: Alternatibong Hanguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo ng Kulturang Popular, na

ang mga guro ay huwag matakot na pasukin ang mga makabagong paraan o hanguan sa

pagtuturo sapagkat nakapagbibigay ito ng panibagong panlasa sa mga mag-aaral at

mabigyang sigla sa pagkatuto sa loob at labas ng paaralan.

Nagbigay daan ito sa pagsasagawa ng mga pag-aaral sa pagbuo ng mga

kagamitang pampagtuturo gamit ang pamamaraang HipHopEd.

Iginiit rin Ginger Silvera (2015) ng Zayed University, United Arab Emirates sa

kanyang pag-aaral na pinamagatang “Hip-Hop as a Form of Education” na epektibong


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
gamitin ang kulturang hip-hop sa edukasyon. Sa pag-aaral na ito, inilhad niyang ginagamit

ng mga hip-hop artist ang kanilang musika bilang anyo ng pagpapakita ng kamalayan sa

lipunan kaysa sa karahasan. Maraming mga naging kritiko ang hip-hop dahil nagdudulot raw

ito ng masamang impluwensiya sa lipunan, ngunit natuklasan ng pag-aaral na ang mga hip-

hop artist ay hindi nagtataguyod ng karahasan. Ginagamit nila ang kanilang musika bilang

isang anyo ng pagkukwento, kung saan ang hip-hop ay lalong ginagamit sa edukasyon kung

saan matututo ang mga mag-aaral. Ang kanyang isinagawang pag-aaral ay nagbigay

liwanag sa positibong paggamit ng hip-hop at kung paano ito maaaring pakinabangan ng

iba.

Sa pag-aaral na isinagawa nina Martha Diaz, Dr. Edward Fergus at Dr. Pedro

Noguera (2011) ng Steinhardt School for Culture, Education, and Human Development sa

New York University na may pamagat na “Re-Imagining Teaching and Learning:

A Snapshot of Hip-Hop Education”, inilahad nila sa pamamagitan ng survey sa tatlong daang

institusyon na kalahok ang mga elemento ng hip hop, kung saan ito kadalasang ginagamit

at ang positibong epekto nito sa mga mag-aaral.

Binigyang tuon nila sa kanilang ginawang survey ang mga programa ng Hip-Hop

na nagpataas ng pagdalo at pakikilahok ng mga mag-aaral sa klase, naghahanda ng mga

estudyante para sa kolehiyo at pag-access sa kolehiyo, nagpababa ng pag-drop ng mga

mag-aaral na nanganganib na bumagsak, naguugnay sa mga out-of-school-youth na

bumalik sa pag-aaral, at lumilinang sa pagkatao ng mga mag-aaral ( halimbawa,

pagpapahalaga sa sarili, pagiging mabuting mamamayan, pamumuno) Higit pa rito,

inilalarawan din ng isinagawang pag-aaral ang mga karaniwang estratehiya at artistikong

kasanayan na ginagamit upang suportahan ang cross-cultural, multi-generational, multiple-

intelligence, at multi-disciplinary collaboration sa mga aralin.


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Dagdag pa nila, na dahil sa kahalagahan at pagkakaroon ng Hip-Hop sa buhay ng

kabataan, ang Hip-Hop ay may potensyal na makaapekto sa pang-edukasyon na karanasan

ng mga kabataan. Ang kultura ng Hip-Hop ay nagbigay ng isang kilusan na madaling

nakakamtan, pang-edukasyon, visceral at totoo.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Sunni Ali ng Northeastern Illinois University na

pinamagatang Integrating Hip-hop and Cutural Relevant Lessons Into the Public School

Curriculum (2015), ang mga mag-aaral na nag-aaral ng mga aralin sa hip-hop ay nagpakita

ng literacy improvement at naging mas aktibo. Ang paggamit ng isang cultural-relevant

curriculum ay isang epektibong paraan para sa mga guro na makabuo ng mga kagamitang

pampagtutuo na kinabibilangan ng mga makabuluhang takdang-aralin, proyekto, at

pagtataya.

Lalo pa itong pinatunayan ni Dominique Williams (2017) sa kanyang pag-aaral na

pinamagatang “Hip-Hop: Culturally Relevant Pedagogy?” . Inilahad niya na ang paggamit ng

ip-hop sa mga aralin ay epektibo sa paghihikayat at pakikilahok ng mga mag-aaral. Ang hip-

hop pedagogy ay nagtataglay ng mga solusyon sa mga problema sa lipunan at mga

suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagkilala sa kultural na

pagkakakilanlan ng mga mag-aaral, maaaring maugnay ng mga guro ang mga mag-aaral

sa mga critical literary and social dialogues habang inilalahad ng malinaw na na ang buhay

at komunidad ng mga mag-aaral ay naroroon at may kaugnayan sa pag-aaral ng kultura sa

silid-aralan.
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo

Kabanata 3

Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral

Binubuo ng tatlong bahagi ang kabanatang ito: (1) Layunin at Disenyo ng

Pag-aaral, (2) Paraan ng Pag-aaral, (3) Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos.

Ang Unang Bahagi, Layunin at Disenyo ng Pag-aaral, ay nagpapaliwanag ng

layunin ng pag-aaral at naglalarawan ng disenyong gagamitin sa pananaliksik.

Ang Ikalawang bahagi, Pamamaraan, ay naglalarawan ng mga paraan at mga

hakbang sa pagkalap ng mga datos at ang kagamitang gagamitin sap ag-aaral.

Ang Ikatlong Bahagi, Pang-istadistikang Pagtalakay sa mga Datos, ay

tumatalakay sa mga istadistikang gagamitin sa pag-aaral.

Layunin at Disenyo ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga elemento ng hip hop na

maaaring gamitin sa mga aralin at mula rito ay makabuo at magtaya ng kagamitang


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
pampagtuturo sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Filipino 7 batay sa pamamaraang Hip

HopEd o Hip-Hop Education Approach.

Palarawang-Pagsususri (Descriptive-Evaluative) ang pamamaraang gagamitin

sa pag-aaral na ito kung saan maingat na sususriin ang antas ng kahusayan ng gagawing

kagamitang pampagtuturo ng mananaliksik.

Ayon kay Sevilla (2000), ang palarawang paraan ay naglalayong makakalap

ng mga impormasyon tungkol a kasalukuyang kalagayan. Ang pangunahing layunin ng pag-

aaral na ito ay mailarawan ang kalikasan o kalagayan ng isang sitwasyon habang ito ay

nagaganap sa particular na pangyayari.

Ayon kina Fraenkel, Wallen, at Hyun (2012), ang palarawang paraan ay

isang kumpleto at maingat na paglalarawan ng mga gawain o pangyayari. Kabilang sa mga

halimbawa nito sa larangan ng edukasyon ay ang pagkilala sa mga nagawa at kakayahan ng

mga mag-aaral, paglalarawan sa pag-uugali at gawi ng mga guro, tagapangasiwa, o

tagapayo, na paglalarawan sa mga saloobin ng mga magulang at paglalarawan ng mga

pisikal na kakayahan ng mga paaralan. Ang paglalarawan ng mga penomena ay ang

panimula ng mga ganitong uri ng pananaliksik.

Ang mga Kalahok

Mayroong dalawang (2) pangkat ng kalahok sap ag-aaral na ito.

Ang unang pangkat ng kalahok ay ang sampung (10) jurors na kinabibilangan

ng mga guro na nagtuturo ng mga aralin sa Filipino 7. Lima (5) sa mga ito ay nagmula sa

pampublikong paaralan at lima (5) naman ay nagmula sa pribado. Ang mga jurors ay pipiliin

ayon sa antas ng edukasyon na kanilang natamo at batay sa kanilang karanasan.


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Ang ikalawang pangkat ng kalahok ay kinabibilangan ng 30 mag-aaral ng

Baitang 7 ng Barotac Nuevo National Comprehensive High School, Barotac Nuevo, Iloilo sa

taong-panruan 2019-2020 na pinili gamit ang random sampling. Sila ay magiging kalahok sa

gagawing pakitang-turo o pilot testing gamit ang ginawang kagamitang pampagtuturo na

batay sa pamamaraang HipHopEd. Pagkatapos ang pagtalakay ng mga aralin, ang mga

mag-aaral ay kapapanayamin at hihingan ng kanilang sariling opinion o reaksyon tungkol sa

integrasyon ng kulturang hip-hop sa kurikulum.

Pamamaraan ng Pag-aaral

Pagtitipon ng mga datos at pagtukoy sa mga elemento ng hip-hop na maaaring gamitin sa

Pagtitipon pagtuturo ng wika at panitikan sa Filipino 7.

Pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo gamit ang pamamamaraang HipHopEd

Pagtaya ng mga jury, na kinabibilangan ng mga guro na nagtuturo sa Filipino 7, sa ginawang


kagamitang pampagtuturo sa tulong ng talatanungan.

Pagkakaroon ng pakitang turo o pilot testing gamit ang nabuong kagamitang pampagtuturo sa
mga mag-aaral ng Baitang 7.
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo

Pagkuha ng opinion at reaksyon ng mga mag-aaral sa integrasyon ng kulturang hip-hop sa mga


kurikulum.

Larawan 2. Mga Hakbang sa Pagsasakatuparan ng Pag-aaral.

Mga Kagamitan sa Pagtitipon ng Datos

Gabay Pangkurikulum

Ang mananaliksik ay gagamit ng gabay pangkurikulum (curriculum guide)

upang matiyak na ang gagawing kagamitang pampagtuturo ay hindi lilihis sa mga layunin

ng K to 12 na kurikulum. Ito rin ang pagbabatayan ng mga gawain at paksa maging ng mga

ksanayang inaasahang malinang sa mga mag-aaral.

Talatanungan

Ang mananaliksik ay maghahanda ng isang talatanungan na sasagutan ng

sampung (10) jurors na susukat sa antas ng kahusayan ng binuong kagamitang

pampagtuturo.

Ang unang bahagi ay naglalaman ng personal na datos ng mga jurors.

Makikita rito ang kanyang pangalan, ang antas ng pinag-aral at ang kanilang karanasan sa

pagtuturo. Ang ikalawang bahagi naman ay naglalaman ng pamantayan o kriterya na

susukat sa kaangkupan at kahusayan ng binuong kagamitang pampagtuturo batay sa

layunin, integrasyon, mga gawain at mga kulturang hip hop na ginamit. Ang talatanungan
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
ay masasagot batay sa sumusunod: Napakahusay, Mahusay, Hindi Gaanong Mahusay, Hindi

Mahusay.

Ang bawat antas ay may sumusunod na puntos para sa pang-istadistikang

gamit.

Antas ng Kaangkupan Puntos

Napakahusay 4

Mahusay 3

Hindi Gaanong Mahusay 2

Hindi Mahusay 1

Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos

Katampatang tuos o Weighted Mean ang gagamitin upang matukoy ang

antas ng kahusayan ng bubuuing kagamitang pampagtuturo gamit ang pamamaraang

HipHopEd.

Ang kraytirya sa pagtataya ng kagamitang pampagtuturo ay ang

sumusunod: 1) layunin ng kagamitang pampagtuturo 2.) integrasyon 3.) pagkakaugnay ng

mga gawain sa layunin at 4.) kaangkupan ng elemento ng hip-hop na ginamit.

Gagamitin ang iskala kung saan ang 4 ay para sa “Napakahusay”, 3 para sa

“Mahusay”, 2 para sa “Hindi Gaanong Mahusay”, 1 para sa “Hindi Mahusay”.

Iskala Interpretasyon

4.00 - 3.25 Napakahusay


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
3.24 - 2.50 Mahusay

2.49 – 1.75 Hindi Gaanong Mahusay

1.74 - 1.00 Hindi Mahusay

Talasanggunian

Ali, Sunni. (2015). Integrating hip-hop and cultural relevant lessons into the public school

curriculum. Journal of research 1.3 Article 4

Badayos, Paquito. (2012). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika. Metro Manila: Granbooks

Publishing

Bischoff, Stephen Alan.(2012) Expressions of resistance: Intersections of Filipino American

identity, hip hop culture, and social justice. Desertasyon. Washington State

University

Britannica concise encyclopedia.(2008). USA: Encyclopedia Britanica Inc.

Diaz, M., Fergus E. at Noguera, P. (2011). Re-imagining teaching and learning:

A snapshot of hip-hop education.

Emdin, Christopher. Five new approaches to teaching and learning: The next frontier

https://www.thetoptens.com
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
Fraenkel, J., Wallen, N., & Hyun, H. (2012). How to design and evaluate research in

education (8th edition).New York: The McGraw Hills Company

Kelly, Lauren Leigh. (2013). Hip-hop literature:The politics, poetics and power of hip-hop in

the English classroom. English journal 102.5 51-56

Naelgas, Darren N. (2015). TV ads: Alternatibong hanguan ng kagamitang pampagtuturo ng

kulturang popular. Di nailathalang tesis. Pamantasang Estado sa Kanlurang

Visayas.

Phan, Hoan Van.(2009). Reasons to use hip-hop education in the classroom

https: //www.classcraft.com/blog/features/hip-hop-education//rappers-

philippines/

Ramirez, Charo Grace B. (2016). Kagamitang panturo na ginagamit sa Pagtuturo ng Grade 7

sa K to 12 kurikulum. Di-nailathalang tesis. Pamantasan ng Bikol.

Schons, Mary. Filipino hip-hop

https://www.national geographic.org/news/filipino-hip-hop/
Silvera, Ginger. (2015) .Hip-hop as a form of education. International journal of art and

humanities.1.1. 30-35

Williams, D. (2017). Hip-hop: culturally relevant pedagogy?”


Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo

Talatanungan

Talatanungan ng Pagtataya ng Kagamitang Pampagtuturo


Datos na Personal
Pangalan:__________________________________________________
Mga Kursong Natapos:________________________________________
________________________________________
Paaralang Tinuturuan: ________________________________________
Medyor: _________________________
Bilang ng Taon sa Pagtutro: ____________________________________

Mangyari lamang po na sagutin ang mga tanong ayon sa inyong


pinakamatapat na palagay. Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na tumutugon sa inyong sagot.

Hindi Hindi
Napakahusay Mahusay Gaanong Mahusay
Mga Pamantayan Mahusay
(4) (3) (2) (1)
Layunin
1. Malinaw na inilahad ang
mga layunin sa bawat
aralin.
2. Ang layunin ay alinsunod
sa itinakda ng DepEd sa
Gabay Pangkurikulum..
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
3. Naglalaman ng ito ng
pamantayang
pangnilalaman,
Pamantayan sa Pagganap
at Kasanayan sa Pagkatuto
4. Kumakatawan sa
kasanayang sinusukat ang
mga layunin ng aralin.
Nilalaman

1. Ang nilalaman ay alinsunod


sa mga layunin at
kasanayang dapat linangin
na napapaloob sa Gabay
Pangkurikulum na itinakda
ng DepEd.
2. Ang nilalaman ay
kakikitaan pa rin ng mga
katutubong pampanitikan
ng mga pulo sa Pilipinas.
3. Makabuluhan ang mga
araling nakapaloob at
makaktulong sa paglinang
ng kasanayan ng mga
mag-aaral.
Integrasyon

1. Ang binuong
kagamitang
pampagtuturo ay
nagpapakita ng
integrasyon sa ibang
disiplina sa talakayan.
2. Ang mga ginawang
integrasyon ay angkop
sa layunin ng aralin
Mga Gawain

1. Tumutugon ang mga


Gawain sa inihandang
layunin.
2. Ang mga Gawain ay
angkop sa mga mag-aaral
ng Baitang 7.
3. Ito ay kawiliwili at
nakakakuha ng interes ng
mga mag-aaral.
4. Ang mga Gawain ay
nakahihikayat na maging
Pamantasang Estado ng Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Iloilo
malikhain ang mga mag-
aaral at malinang ang
kanilang kritikal nap ag-
unawa sa maaaring
magbunga ng mabisang
pagkatuto.
Elemento ng Hip-hip na Ginamit

1. Angkop ang ginamit na


elemento ng hip-hop sa
paksang tinatalakay sa
aralin.
2. Angkop ang piniling
elemento ng hip-hop na
maging lunsaran ng aralin.
3. Ang mga ito ay
nagpapakita ng suliraning
panlipunan, mga aral sa
buhay at mga karanasang
maaaring iangkop sa
karanasan ng mag-aaral.
Ebalwasyon

1. Ang inihandang
ebalwasyon ay
makasusukat sa mga
kasanayang itinakda.
2. Angkop at naaayon sa
nilalaman ng aralin.
3. Angkop ang pagtataya
sa antas ng mga mag-
aaral.

You might also like