Professional Documents
Culture Documents
Sitwasyong Pangwika
Sitwasyong Pangwika
-ang wikang ito ay ginagamit sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, at ilang
parte ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at Metro Manila.
-Tinagurian itong “Wikang natural” dahil sa ito ay may sariling mga katutubong tagapagsalita, gayundin ito ay
partikular na wikang ginagamit sa etnolingguwistikong pangkat.
-Malaki ang gampanin sa edukasyon at pagkakaroon ng Wikang Pambansa noong Disyembre 31, 1937, alinsunod
sa Executuve Order No. 134 bilang batayang wika.
-tinawag na wikang opisyal at wikang pampagtuturo at asignatura o sabjek sa wikang pambansa nang ipasa ang
Department Order No. 7 ng kagawaran ng Edukasyon.
-Nahinto lamang ito nang pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa ayon sa Konstitusyon ng 1987.
-nilinang gamit ang first language o unang dila na tinawag na MTB-MLE ( Mother Tongue Based-Multilinggual
Education) ayon sa isinasaad sa Republic Act 10533 alinsunod sa naunag DepEd Order no. 74 s. 2009 na
nilagdaan ng dating Sec. Jesli Lapus na sinundan ni Sec. Bro. Armin Luistro.
-mas pinipili nating gamitin ang salitang “Taglaog” sa pagtawag sa ating wika..
-ginagamit ito sa text, sa telebisyon at tipikal itong ginagamit ng mga turista o dayuhan.
Halimbawa:
-konsepto ng Filipino bilang batayan sa mga wika ng Pilipinas o bilang Linuga Franca nito.
-nabubuo ang barayti dahil sa interference o paghalo ng mga unang wika ng mga tagapagsalita.
Halimbawa:
-Kung ipagpipilitan natin ang nakaugaliang balarilang nabuo ni Lope K. Santos, isa tayong purista at hindi tayo
makalagpas sa anino ng kahapon at maiiwan tayo sa modernisasyon ng wika sa buong mundo.
- Ito ay proseso upang ang isang wikang di pa intelektuwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga
sopistikadong lawak ng karunungan.
- Sa kalahatan, mabisa ang wikang intelektuwalisado hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika ng
lansangan, wika ng malikhaing panitikan, kundi bilang wika rin ng agham, ng teknolohiya at ng iba pang
tenikal at maitaas na antas ng karunungan. Ayon kay Magdalena Jocson, isang propesor ng wika.
• Wika mismo ang suliranin, sapagkat may malaking kahulugan sa mga katawagang teknikal at iba pang
salitang kailangan sa mga paksang intelektuwal tulad ng edukasyon, abogasya, at marami pang iba.
• Suliranin sa ortograpiya
• Dapat nang isagawa sa pamamagitan ng batas ang sapilitang pagpapagamit ng Filipino sa lahat ng lawak
ng antas ng karunungan sapagkat ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng aktuwal na paggamit ng
wika
• Dapat ay magsimula sa mga taong may mataas na tungkulin sa pamahalaan ang angkop na paggamit ng
wika, pababa sa masa.
• Maaari rin namang mula sa masa patungo sa mga taong mataas na tungkulin sa pamahalaan ang maayos
na pagtangkilik ng wika.
• Simulan ang intelektuwalisasyon sa mga lawak na ang gamit ng wika ay masasabing intelektuwalisado
na.
• Ayon naman sa Kagawaran ng Edukasyon, magsimula sa mababang antas patungo sa mataas na antas.
Mula sa elementarya, sekondarya, tungo sa tersarya.
• Kailangan linangin nang husto ang iba’t ibang paraan at estratehiya ng intelektuwalisayon sa lahat ng
antas ng leksikon sapagkat narito ang pinakamalubhang problema tulad ng paglikha ng mga salita sa
maugnaying paraan.
• Pagbubuo ng mga paraan ng panghihuram lalo na sa mga katawagang siyentipiko at teknikal. Ito ay ayon
kay Alfonso Santiago, isang gramatista.
-ayon sa pananaliksik na ginawa sa aklat ni Magdalena Jocson, Hipolito Rozul, at Dennis Mangubat, mga
propesor, ang Filipino bilang wikang oambansa ng Pilipinas ang patuloy na pinauunlad at pinakaganap sa buong
bansa.
Ang estandardisasyon ayon kay Perez (1980) ay isang paraan o proseso kung paano maaaring tanggapin at
gamitin ng nakararaming taong gumagamit ng wika ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo
sa isang tiyak na disiplina ng karunungan.
Kailangan ng estandardisasyon dahil ang wikang buhay tulad ng Filipino ay hindi namamalagi sa kakanyahan
nito, nagbabago dahil sa pag-unlad at pagyaman sa pamamagitan ng mga salitang nagmumula sa Ingles, Tsino,
Indian, Hapon, Rusian, Italian, at iba pang wikang nakakatagpo nito.