You are on page 1of 1

Joy V.

Luzano
BSE - 2F

Maikiling Sanaysay

Ang pagtuturo ay isa sa pinakamahalaga sa ating mundo.


Nangangailangan ito ng napakalaking pagsisikap, kaalaman, kasanayan,
at karanasan upang maihanda ang isang bata para sa kanyang pagtanda.
Sa mundo ng pagtuturo ay nararapat na mayroon kang tiyaga sa iyong mga
mag- aaral dahil ang mga guro ang nagsisilbing ikalawang magulang nila.
Sila ang magtuturo, magbibigay kaalaman at karunungan, at magtuturo ng
kagandahang asal.

Masasabi kong ako ay natatangi sa mundo ng pagtuturo dahil


bata pa lamang ay ito na ang aking gusto, bukod sa pagiging nurse ang
pagtuturo ang isa sa aking pangarap. Handa akong maging ikalawang
magulang saaking mga magiging mag-aaral. Handa akong mag tiyaga, mag
bigay pasensya, magturo ng kaalaman at magagandang asal, at handa akong
magbigay ng pagmamahal at kasiyahan sa aking mga mag-aaral.

Bilang isang magiging guro balang araw, nararapat na tayo


ay maging isang magandang ehemeplo para saating mga mag - aaral. Tayo
ang magsisilbing gabay nila habang inaabot nila ang kanilang mga pangarap.
Habang ako ay estudyante pa lamang, gagamitin kong inspirasyon at
instrumento ang lahat ng natutunan ko sa aking pag aaral. Mga estratehiya,
mga hakbang sa pagtuturo, katangian ng isang guro at iba pa. Masasabi kong
isa sa mga katangiang ito ay mayroon ako, kung kaya't natatangi ako sa mundo
ng pagtuturo at pagsisikapan kong maabot ito.

You might also like