You are on page 1of 9

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


Isang Masusing Banghay Aralin sa Filipino 11
Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya, kumunidad, bansa at daigdig
Pamantayang Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.
I. Layunin
Pagkatapos ng pag-aaral na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na;
1. Natutukoy ang paksang tinalakay batay sa tekstong binasa
2. Nabibigyang kahulugan ang uri ng tekstong binasa
3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong binasa
4. Nakasusulat ng isang halimbawa ng tekstong tinalakay
II. Paksang Aralin:
Lunsaran: Mga Uri ng Teksto: Deskriptibo
Sanggunian: https://www.slideshare.net/prettymycz/ibat-ibang-uri-ng-teksto,
https://philnews.ph/2020/12/16/uri-ng-teksto-halimbawa-at-kahulugan-ng-mga-ito/
Mga Kagamitan: Laptop, Power point Presentation, Google meet
Estretehiya o Teknik: Lektiyur, brain storming/Fact storming, Tanong-Sagot

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimula
1. Panalangin
- Magandang umaga sa mga - Magandang umaga, din po
giliw kong mag-aaral. sir.

- Bago nating pormal na


simulan ang ating talakayan
sa araw na ito ay hinihingi ko
sa bawat isa sa inyo na
magsiayos at manahimik para
sa isang panalangin.
(pangungunahan ng guro) - (mananalangin ang mga
mag-aaral)
2. Pagtala ng mga Lumiban
- May mga lumiban ba sa ating - Kinagagalak ko pong
klase ngayon? sabihin na narito po kaming
lahat.
Kung ganoon ay maaari na
tayong dumako sa ating
talakayan sa araw na ito.

3. Pagganyak
?
? ?
DESKRIPTIB

? ?
?
- Kung mapapansin ninyo ay
mayroon akong inihandang
isang organizer, nais kong

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


pagtuonan niyo ng pansin
ang salitang nasa gitna. Ang
salitang Deskriptibo. Nais
kong magbigay kayo ng mga
salitang may kaugnayan sa
salitang ito.
- (magbibigay ng salita ang mga
mag-aaral)
- Paglalarawan
- Pagmamasid
- Pagwawangis
- Pagkilatis
- Sadyang napakahusay at ang - Pagpapakahulugan
dami niyong baon para sa
ating talakayan sa araw na
ito.
- Pagkatapos niyo na maibigay
ang mga salita ay atin na
ngayon itong isa-isahing
himayan kumbaga Fact
storming naman. Sa mga
salitang naibigay, piliin natin
ang mga pinakaangkop sa
lahat.

Sasalain ang mga naibigay na salita

- Tama, ito ang mga salitang


may tiyak na kaugnayan
ngayon sa paksang ating
tatalakayin. Napakahusay.
- Para sa kabuoan sino ngayon
ang makapagbibigay ng
pagpapakahulugan sa
salitang Deskriptibo mula sa
mga salitang naibigay?

- Sir, maaari ko po bang


- Sige Ruvic, subukan mo! subukan?

- Batay sa mga salitang


nailahad, masasabi ko na
ang isang Deskriptibo ay
isang uri ng tekstong
naglalarawan tungkol sa
- Mahusay ang nagawa mong isang bagay, hayop, pook,
pagpapakahulugan. Dahil tao at iba pa.
diyan bibigyan kita ng extra 3
points sa recitation.
- Sino pa ang makapagbibigay
ng kaniyang sariling
kahulugan ng Deskriptibo?
- Sige Jairus, maaari mo bang
ibahagi ito sa ating klase.
- Sir, ako po!

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


- Para sa akin po ang
Deskriptibo ay isang paraan
ng pagbibigay hinuha
tungkol sa isang
penomenang maaaring
nakikita, nararamdaman at
- May punto ang iyong iba pa gamit ang mga iba’t
pagpapakahulugan, ito ay ibang pandama.
nakabatay sa ating mga
pandama, maaari itong
nakita, naamoy, natikman, at
naramdaman o nahawakan.
Kung saan nakapagbibigay
tayo ng paglalarawan.

B. Paglinang
(Tanong- Sagot)

- Gabay na Tanong
Paano mo masasabi na ang iyong
ginawang paglalarawan ay malinaw?

(Lektyur)
- Para sa pormal nating
pagtatalakay narito ang iba
pang pagpapakahulugan ng
Tekstong Deskriptibo mula
sa iba’t ibang manunulat na
bibigyan natin ng mas
malalim na pag-unawa.
Ang Tekstong deskriptibo
ay isang pagpapahayag ng
mga impresyon o
kakintalang likha ng
pandama. Sa pamamagitan
ng pang-amoy, panlasa,
pandinig, paningin, at
pansalat, itinatala ng
sumusulat ang
paglalarawan ng mga
detalyeng kanyang
nararanasan. Ito naman ay
naglalayong magsaad ng
kabuoang larawan ng isang
bagay, pangyayari o kaya
naman ay magbigay ng
isang konseptong biswal ng
mga bagay-bagay, pook,
tao o pangyayari.

- Salamat sa pagbasa Bb.


Pingao. Ang layunin ng isang
deskriptibo ay naglalarawan.
- May dalawang uri ng
paglalarawan tayong
tinatawag ito ang karaniwan
at masining. Sino ang
gustong bumasa.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


- Sige, G. Timbreza, pakibasa
at ipaliwanag.

-
2 uri ng Paglalarawan
1. Karaniwan
-Ito nagbibigay ng
impormasyon ayon sa
pangkalahatang
paningin o pangmalas
Hal. Maganda si Julia.
Maamo ang mukha na
lalo pang pinatingkad
ng mamulamula niyang
mga pisngi. Mahaba
ang kanyang buhok na
umaabot hanggang sa
baywang.
Balingkinitan ang
kanyang katawan na
binagayan naman ng
kanyang taas.
- Maraming Salamat ang
mahusay ng iyong
pagpapaliwanag.
- Makikita sa halimbawang
naibigay kung ano ang
paglalarawang karaniwan.

- Para naman sa pangalawang


uri, pakibasa Bb. Novie at
ipaliwanag.
2. Masining
-Ito ay nagpapahayag
ng isang buhay na
larawan batay sa
damdamin at
pangmalas ng may-
akda.
-Karaniwang pili ang
mga ginagamit na salita
sa paglalarawan
kabilang na ang
paggamit ng mga pang-
uri, pang-abay, tayutay
at idyoma.
Hal. Muling
nagkabuhay si Venus
sa katauhan ni Julia.
Ang maamo niyang
mukhang tila anghel ay
sadyang
kinahuhumalingan ng
mga anak ni Adan.
Alon-alon ang kanyang
buhok nab u,magay
naman sa kainggit-
inggit niyang katawan
at taas.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


- Tumpak ang sinabi mo,
gumagamit ito ng mga
tayutay na nagpapaganda ng
husto sa inilalarawan.

- Narito naman ngayon, kung


ano ang kinakailangan upang
makabuo ng isang malinaw
na paglalarawan. Atin itong
himayin. • Mga Kasangkapang sa Malinaw
na paglalarawan.
1. Wika- ginagamit ang wika
upang makabuo ng isang
malinaw at mabisang
paglalarawan na karaniwang
ginagamitan ng pang-uri at
pang-abay.
2. Detalye- kinakailangan ang
mga suportang detalye upang
mapatibay ang inihayag na
paglalarawan.
3. Pananaw- Maaaring
magkaiba-iba ang
paglalarawan ng isang tao.,
bagay, pook, o pangyayari
salig na rin sa karanasan at
saloobin ng taong
naglalarawan. Ngunit,
kailangang tandaan, bilang
isang manunulat ay
kailangang maging sensitibo
sa pinakaangkop na
paglalarawan sa lahat ng
paglalarawang maaaring
gamitin.
-Dito lalawak ang pananaw
ng manunulat na nasasaklaw
na at nalalagay ang sarili sa
lugar ng mambabasa
4. Impresyon- Dahil ang
layunin ng paglalarawan ay
makabuo ng malinaw na
larawan sa imahinasyon ng
mga mambabasa, mahalaga
na isasaalang-alang ng
manunulat ang kabuoang
imahen na mabubuo sa
imahinasyon ng babasa mula
sa paraan ng paglalarawan.
-Dito sinusuri ng manunulat
kung epektibo baa ng
kanyang isinulat na
paglalarawan upang makabuo
ng eksaktong kapareho ng
inilalarawan sa isipan ng
mambabasaba. Sama-sama na
ang bias ng wika, maayos na
paglalahad ng mga detalye, at

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


ang pananaw ng
naglalarawan.
- Kung kayat bawat natalakay
na kasangkapan tulad ng
wika, Detalye, pananaw at
impresyon ay mahalaga
upang makabuo tayo ng isang
malinaw na paglalarawan.

- Pansinin natin ang mga


halimbawang naibigay.
Hal.
Si Elias Tanging isang tao ---
- ang nagpapalakad ng
Bangka ---- ang noo’y hindi
umimik at di alumana ang
gayong kasayahan. Isa siyang
binatang may matipunong
pangangatawan at maraming
naaakit sa mukha gawa ng
kanyang mapapanglaw at
malalaking mata at saka mga
labing anyong kapita-pitagan.
Ang maitim, mahaba at gusot
niyang buhok ay halos
nakalugay sa kanyang
bilugang leeg. Nakasuot siya
ng isang barong ang K’ayo’y
magaspang at itiman na
kinaaaninagan ng kanyang
mga lamang siksik at bisig na
malalakas. Kung ikampay
niya ang malapad at malaking
sagwang siya ring ipinag-
uugit, ay para lamang isang
patpat na nilalaro sa tubig
upang mapalakad ang
dalawang bangka.

Hal. Sa mga bulubundukin ng


Timog Cotabato ay
naninirahan ang isang
pangkat etnikong kung
tawagin ay T’boli. Mapayapa
sila at di mapaghinala sa mga
dayuhan. Sila ay may sariling
kalinangan at paraan ng
pamumuhay. Mapalamuti at
makulay ang kanilang
kasuotan. Ang mga hikaw,
kuwintas, at makulay na
make-up ay pahiyas ng
kanilang katauhan. Sa lahat
ng mga tribu sa Pilipinas, ang
T’boli ay maaaring hirangin
bilang isa sa may
pinakamakulay sa kasuotan at
hiyas sa katawan.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education

- Nais kung balikan natin ang


naihandang gabay na tanong,
sino ngayon ang
makakasagot nito.
- Okay nagtataas ka ng kamay,
Lance. - Para sa akin po sir,
masasabi kong naging
malinaw ang aking
nagawang paglalarawan
kung lahat ng mga
Pamantasan nasabi ay
nasunod at kung ang
paglalarawang isinagawa
ay nauunawahan ng may-
akda lalo na ng knyang
mambabasa.

- Tama Camille, mahusay ka. 3


puntos para sa iyo sa
recitation.
C. Paglapat
Ngayon na natalakay na natin kung
ano ang kahulugan at katangian ng
isang Tekstong Deskriptibo. Subukan
naman natin ngayon na bigyang
paglalarawan ang mga larawan na
aking ipapakita sa inyo batay sa
dalawang uri ng paglalarawan ang
karaniwan at masining.

KATHRYN BERNARDO
- Sino sa inyo ang gustong
magbigay ng kanyang
paglalarawan? - Sir, ako po!
- Sige, subukan mo Ruvic. - Sa anyong karaniwan. Si
Kathryn ay mayroong
mahabang buhok, at ang
kanyang kutis ay Morena
na bumagay sa kaniyang
maamong mukha.

- Mahusay!
- Para naman sa anyong
masining, sino ang gustong
magbigay ng kanynag
paglalarawan.
- Sige, Feanna!

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


- Sa anyong masining. Ang
ganda ni Kathryn ay
maikukumpara sa isang
bulaklak ng sampaguita na
bumagay sa kanyang kutis
porselana na lalong
nagpatingkad sa kanyang
pagkadalagang filipina.
- Magaling! Nakakatuwa.
- Para naman sa ikalawang
larawan.

AGILA

- Sige, Alex ilarawan mo ang


nasa harapan. - Sa anyong karaniwan, Ang
Agila ay mayroong
kayumangging kulay at ang
kanyang mga pakpak ay
napakahaba ganun din ang
kanynag tuka nasobrang
talim sa kanyang bunganga
- Magaling, anak!
- Para naman sa anyong
Masining?
- Sige, Ruth ikaw na. - Sa anyong masining, Ang
Agila ay simbolo ng
katapangan sa kanyang mga
mga matatalin na mata ay
sadyang nakakamangha
lalo na kung kaniyang mga
pakpak ay kaniya nang
ibinukadkad na nagpaganda
ba ng kaniyang tindig
upang siya’y katakutan ng
lahat.

- Ang gagaling naman talaga.


Nagiging malikut ang mga
imahinasyon niyo.
- At para sa huling larawan.
Sige Dwayne. Alam kung
karamihan sa inyo nakapunta
na rito.
- Sa anyong karaniwan, ang
lugar ay napupuno n g mga
pailaw, mga gusaling
nagtatayuan ay nasa
kalumaan ngunit mga

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


turista ay manghang
mangha parin sa taglay
nitong ganda.

CALLE CRISOLOGO

- Mahusay! Para sa masining - Para sa anyong masining,


naman. Jairuz. ang lugar ay lalong
pinatingkad ng mga
nagsasayawang pailaw ang
mga gusaling pinagtibay ng
nakaraan ay nagtataglay ng
kakaibang damdamin na
para bang ikaw ay nasa
isang kaharian. Tunay nga
na ang ganda nito ay
nakakabighani.

- Wala na akong masasabi pa,


sadyang napakahusay niyong
lahat. Kung kayat masasabi
kong handa na kayo para sa
awtput sa aralin na ito. Alam
kung marami kayong
natutuhan sa araw na ito kung
kaya’t baunin natin ang mga
karunungang ito. Maraming
Salamat. - Maraming Salamat din po
sa karunungan inyong
ibinahagi.

IV. Pagtataya
Para sa inyong magiging awtput sa araling ito nais ko kayo na gumawa ng isang sulating
pananaliksik na nagpapakita ng paglalarawan tungkol sa penomenang kultural at panlipunan sa
bansa na nakabatay sa katangian ng isang Tekstong Deskriptibo. Gawaing basehan ang rubric
mula sa ibaba.
(Gagawin sa Asynchronous class)

RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO


Pamantayan Puntos Natamong Puntos
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 15
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin 15
Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya 20
Organisado ang mga ideya gamit ang isang angkop na 20
hulwarang organisasyon.
Matibay na nailahat ang mga ideya nang may sapat na 30
batayan/sanggunian at walang kinikilingan upang
maipakita ang kredebilidad ng impormasyong isinaad sa
isinulat na teksto.
Kabuuan 100

V. Takdang Aralin
Para sa ating susunod na talakayan, nais kong magsaliksik kayo tungkol naman sa Tekstong
Persuweysib.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

You might also like